CHAPTER 11

337 11 0
                                    

Natatawang pinagmamasdan ni Alessandra si Zac habang nagsasampay ito ng mga nilabhang damit. Mukhang kakatapos lang nito mag-dryer.

Nakagat niya ang ibabang labi nang makita ang underwear niya na kasama sa mga nilabhan nito, pati ang ilang bestida niya ay nandoon at nauna ng nakasampay. Nag-init ang pisngi niya at nakaramdam ng hiya.

"N-naglalaba ka pala," pukaw niya sa binata, hindi siya agad nito naramdaman kung hindi pa siya nagsalita.

Imagine ang isang bilyonaryong katulad ni Zac ay naglalaba ng mga damit ngayon.

"Wala akong katulong," sabi naman nito. Hindi niya alam kung sadya bang hindi ito kumukuha ng katulong, ang laki-laki ng bahay nito eh.

"Umuupa lang ako ng taga linis ng bahay kung kinakailangan. Hindi ako kumukuha ng mga stay in," saad nito. Napatango tango naman skya. Mukhang ayaw nito ng may kasama sa bahay. Nag-eenjoy ba itong mag-isa?

Lumapit siya at tinulungan itong magsampay ng mga damit, pero pinigilan naman siya nito.

"Huwag na. Maghintay ka nalang doon. Kakain tayo pagkatapos kong magsampay." Ngumiti ito sa kaniya.

Hindi niya maiwasang pagmasdan ang hubad na katawan nito.

Bahagyang may kumibot sa pagitan ng mga hita niya.

God! Six pax abs mga momsh!

Ang tagal niyang napatitig sa gawing dibdib nito.

"Like the view?" tudyo nito nang mapansin siya, napapasong nag-iwas siya ng tingin. Mahina naman itong tumawa.

"Ahm..." Hindi niya alam kung anong sasabihin, nalunok yata niya ang dila niya dahil sa hiya. Parang biglang nanuyo ang lalamunan niya.

"Puwede mo namang hawakan kung gusto mo. Promise hindi ako aangal."

Mahina ulit itong humalakhak kasabay ng pamumula ng mukha niya.

Lumapit ito sa kaniya at pinisil ang tungki ng ilong niya.

"Binibiro lang kita," sabi nito at kapagkuwan ay binuhat ang kinalalagyan ng mga damit kanina.

Naiwan siyang nakatayo lang at tila naestatwa dahil sa hiyang nararamdaman.

Dumiretso siya sa kusina at tumambad sa kaniya ang lamesang puno ng pagkain, pinagluto na naman siya nito.
Bakit ba ang bait nito ngayon sa kaniya?

Hindi maiwasang matuwa ng puso niya, lihim siyang nakakaramdam ng kilig.

Pumanik ito sa taas at pagbalik naman nito ay nakabihis na ito ng itim na t-shirt, binalingan siya nito.

"Nakakahiya ikaw na naman ang nagluto," sabi niya.

"Dapat ako ang nagluluto kasi ako ang babae eh," dagdag niya.

"Mahimbing ang tulog mo kaya hindi na kita inistorbo, besides alam kong wala kang lakas."

Nasamid siya sa iniinom na kape nang sabihin nito iyon, kita niyang tumaas ang isang sulok ng labi nito.

"Z-zac"

"Hmmm?"

"Thank you," nahihiyang sambit niya, maang naman itong napatingin sa kaniya.

"For what?" nagtatakang tanong nito.

"Ang bait-bait mo sakin nitong mga nakaraang araw."

Hindi ito kumibo bagkus ay sinalinan siya ng sinangag sa pinggan.

"Let's eat," sabi nito.

*****

Natigagal si Alexus sa kinatatayuan niya nang makita ang paghihirap na nangyayari ngayon sa kanyang ama, hirap na hirap itong huminga at natatakot siya dahil ramdam niyang sobra na ang panghihina nito.

Heal My Wounds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon