Kabanata 1:
Scoff
Todo-todo pa rin ang kalabog ng puso ko kahit medyo nakalayo na ako sa lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang epekto niya sa akin. Mukhang nawala yata sa isip ko ang totoong dahilan kung bakit ako napunta rito.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang ibalik ko ang tingin sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa paghila ng mga bangkang kakarating. Narinig ko pa ang ilang hagikhikan ng mga babae pagkatapos niyang maalalayan sa pagbaba.
Bigla akong napanguso.
Trabaho niya ba iyon? Kung ganoon, iba't ibang babae ang inaalalayan at nakakahawak ng kamay niya. Biglang sumama ang pakiramdam ko sa pag-iisip ng ideyang iyon. Dapat wala akong pakialam sa kaniya! Sino nga ba naman siya para pagtuunan ko ng pansin?
Why the hell am I even thinking of a stranger for Pete's sake!
Hindi ko lang kasi maiwasan, lalo na at sa rami-rami ng lalaking nakasalamuha ko, elegante pa at mataas ang posisyon sa lipunan dahil sa talamak na pera ay hindi ko naramdaman ang ganito.
Pero iyong lalaking iyon, wala pang kahit anong palamuti sa katawan at tanging pantalon lang ang suot, ay halos atakihin ako dahil sa rahas ng pagtibok ng puso ko.
Sanay akong makakita ng mga guwapong lalaki, pero hindi ganito. Ang taglay niya ay sobra-sobra, parang hindi siya totoo. The word is not even enough to express how devilishly handsome he is. He's even better than Lyndon.
Nang mabanggit ang pangalang iyon ay nabalik ako sa realidad. Kinapa ko sa bulsa ng duffel bag ang binigay sa akin ni Tita na picture ni Manang Wendy.
Ilang taon siyang nanilbihin sa amin. Siya ang kasambahay na nag-alaga sa akin mula noong sanggol pa lamang. I was only 8 years old when she left. Dito sa picture ay mukhang mas lalo siyang tumanda. She looks like in her late 60's. Sabi ni Tita ay kilala si Manang Wendy sa lugar na ito. May address naman na nakalagay sa papel at puwede ko iyong ipagtanong para mas mapabilis siyang hanapin.
Bumuntong-hininga ako.
Binaba ko ang kamay at nilibot ang tingin sa paligid. Marami ang tao, naghalo ang mga kapwa kong pasahero at ilang residente ng Isla Vagues. Bukod sa pier, ito ang pinagtitipunan ng mga dumarating at sakayan ng umaalis. Mukhang talagang dito namamalagi ang karamihan dahil narito ang hanapbuhay sa daungan.
Sa kabila ng dami ng tao ay presko ang hangin, malinis ang paligid, at mula sa malayong kabahayan, ramdam ko ang simple at payak na buhay. Probinsiya na probinsya ang lugar. Malayo sa nakagisnan kong lugar.
May ilang napapasulyap sa akin. Hindi ako sigurado kung dahil ba sa suot ko o sa hitsura. Mapusyaw kasi ang balat ko, malayo sa kulay nilang moreno at morena.
Sanay na ako sa ganoong mga reaksiyon kaya hindi ko na lang pinansin. Napatingin ako sa matandang lalaking may dalang mga niyog. Humakbang ako papalapit sa kaniya. Mukhang matagal na siyang residente rito sa lugar, kaya siya siguro ang tamang tao para tanungin ko.
Napatingin agad siya sa akin at ngumiti ako.
"Manong, do you know this woman?" Nilahad ko sa kaniya ang litrato.
"Naku! Hindi ako magaling sa ingles. Hindi kita maintindihan." Saglit akong natigilan, pero ngumiti rin ulit.
"Kilala niyo ho ba ang babaeng ito?"
"Sanay ka naman palang mag tagalog. Pinakaba mo pa ako." aniya at binababa na ang tingin sa larawan.
"Si Wendy ito ah. Kaano-ano mo?"
"Uh... Malapit po siyang kaibigan ng tita ko. Alam niyo po ba kung saan siya nakatira?"
Napag-usapan namin ni Tita na kailangang itago ko ang totoong estado ko sa buhay nang sa gayon ay maiwasang maghinala ang mga tao.
BINABASA MO ANG
Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETED
RomanceStatus: COMPLETED Kayeziel Harselia Brizuela is the daughter of two multi-billionaire business tycoons, an heiress to a top company and corporation, and a princess of the Brizuela clan. But... she doesn't want any of it. Being imprisoned by all her...
