Kabanata 27

28.3K 826 162
                                        

Kabanata 27:
Bracelet

I keep my tears at bay, but I failed. Humigpit ang hawak sa akin ni Zaijan nang magsimulang tumulo ang mga luha ko. My breath started to get rapid. He cursed again as he wiped my tears.

"Calm down, Ziel..." aniya sa marahang tinig. Nag-angat ako ng tingin at umiling sa kanya. Nanghihina ako. Paano ko ngayon magagawang kumalma kung ganito?

"H-Hindi ko k-kaya." My voice shook, and Zaijan shut his eyes tight.

Limang taon nang iniiwasan kong malaman ang kahit ano sa kinaroroonan niya. I kept my distance from him because I am so guilty of being the reason why he lost his only family. Sising-sisi ako sa lahat. Kung ibabalik ko ang oras, pipilitin kong huwag akong dalhin ng mga alon patungo sa isla kung nasaan siya. I will force the waves to push me somewhere else.

Ilang hakbang na lang ang layo niya ngayon sa akin. I couldn't believe it. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na sa ganitong pagtitipon pa kami magkikita.

I couldn't lift my gaze to stay at him longer. It feels illegal. It feels so wrong. Wala akong karapatan. Masyadong malaki ang kasalanan ko para tingnan pa siya sa mata.

I don't know if he sees me behind all these people. Pero kung nakita niya ako at kokomprontahin niya ako para maningil... hahayaan ko siya. I keep telling myself for years, walang kabayaran ang kasalanan ko. He probably loathes me, and I couldn't forgive myself either.

I think the reason that I made it until now is because of him. I've been waiting to see him. I could feel the longing in the heaviness of my heart and the bitterness in my tongue. Kahit na ang ibig sabihin ng muli naming pagkikita ay ang paniningil niya sa akin na pagbayaran ko ang kasalanan, wala na akong pakialam. Tatanggapin ko pa ang lahat ng iyon.

Maybe seeing him again is the cure for all this pain. I am also the cure for all of his rage. Maybe he waited to see me too. Hindi dahil sabik siya kundi hindi na rin siya makapaghintay na makipaghiganti sa akin.

Then, he should do it now. I don't want to prolong this agony and have my conscience haunt me every night. If I will end his pain by suffering, then I will accept it in open arms.

"Ito ang pinakamalaki ninyong cruise ship, hindi ba?" tanong ng matanda sa kaniya. My breathing hitched when he relocated, and I had a better angle of his face. Ngumiti siya sa matanda at binawi ang kamay na nakalagay sa ibabang parte ng likod ng babae. The woman pursed her lips in disappointment as he watched Kairus's hand rest in his pocket.

"Yes, Mr. Mariano. We finalized the building of this three years ago, and it was launched for service last year. We're glad that the Brizuela Corporation decided to throw their party here." sagot niya sa matanda.

A soft and warm sensation crawled to my heart upon hearing it. He's been doing well for the past years, and I am happy. He reached his dream and has been in different places. He has explored the world. Ang pag-iisip na hindi siya nalugmok nang tuluyan sa sakit at nagdurusa sa pagkawala ng pamilya ay nagbigay ng kaunting kapanatagan sa akin.

He made it alone; all this success he earned it all by himself. Nakakahanga, pero may parte sa akin na may kirot. Kung kaya niyang maging matagumpay nang ganito, ibig sabihin ay kaya na rin niyang mag-isa sa buhay. Hindi niya kailangan ng kahit sino. Kahit... ako.

"Kaya hindi na nakakapagtaka na maganda nga ang disenyo at istraktura ng barko! This is a high-end ship, Kairus. If I'm not mistaken, you're just twenty-eight! Still young and a bachelor. Ipapakilala ko sa'yo ang anak ko kung may pagkakataon!" Nalasahan ko bigla ang pait sa labi ko.

Napakapit ako sa railings at kung hindi lang ako hawak ni Zaijan ay paniguradong kanina pa ako natumba sa sahig. Tumigil na sa pagtulo ang luha ko, pero nag-iinit na naman ito ngayon.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon