Kabanata 5:
Yakap
Kasingbilis ng mga alon sa dagat, nagdaan ang mga oras. Parang kisap-mata ang pagsikat ng araw para sa panibagong umaga. Halos hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw dahil sa kawilihan sa bagong lugar na tinitirhan.
Sa mga sumunod na umaga, sinikap kong mas maagang magising para sa tatlong dahilan. Una, para hindi ako tingnan ni Kairus nang may pang-iinsulto dahil tanghali ako nagising. Pangalawa, para makatulong naman ako sa gawaing-bahay kahit paano. Pangatlo at pinakamahalaga na dahilan ay para hindi maabutan si Kairus sa agahan.
Ayaw ko na utusan niya na naman akong kumain ng ganoong karami. Baka nga na-stretch na ang bituka ko noong unang araw ko rito sa rami ng kinain ko.
Nagtagumpay naman ako sa plano. My breakfast was peaceful because he's not around.
Sa tanghali naman ay hindi na siya bumabalik at nagbabaon na lang ng pagkain pagkatapos nilang magmeryenda. Nalaman kong doon din pala sa barko nagtatrabaho sila Nestor. Kaya mukhang nakagawian na talaga nilang magkakaibigan na gumawi rito.
Sa hapunan lang talaga ako walang kawala, pero dahil gabi iyon at hindi ako puwedeng kumain nang marami ay sinusuway na siya ni Lola sa pagpupumilit sa akin.
I will smile at him triumphantly after Lola scolded him. Mabilis ang pagdidilim at pagsasalubong ng makakapal niyang kilay. Paniguradong galit dahil hindi siya nagtagumpay.
Ganoon ang naging takbo ng mga araw ko. Pagkatapos kumain, bilang libangan ay lumalabas ako sa hardin para muling mag-sketch. Habang pinapanood ko si Andeng na makipaglaro sa mga kaibigan niya. I have sketched different scenes for the past days. Minsan, mga puno ng niyog, dagat, alon, o kaya ay mga tao.
Sa tanghali naman, pagkatapos kumain ay nagtutungo ako sa kuwarto para magsiyesta. Kaso napagtanto ko na mali ang gawin iyon kaya tinanong ko noong nakaraang linggo si Lola kung may gawaing bahay ba na puwede kong gawin para naman makatulong ako kahit na papaano.
Kaso, magagaan na bagay lang ang ibinigay niya sa akin. Kagaya ng pagwawalis at pagdidilig ng mga halaman. Hindi niya talaga ako hinahayaang gumawa ng mabibigat na bagay. Hindi naman din ako makapagpresinta sa pagluluto dahil wala naman akong alam doon.
My routine was smooth for the past days, not until today. The peace that I have acquired suddenly crumbled down when I saw Kairus sitting in one of the chairs at the dining table. Namilog ang mga mata ko. Kakatapos ko lang magdilig at inaya na ni Lola para mag-agahan.
"Morning... mukhang gulat ka?" Hindi ko alam kung panunuya ba ang tanong na iyon o pang-aasar. Nakumpirma ko lang nang sumilay ang ngisi sa labi niya. As if he already expected this reaction from me.
"Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong. Hindi makapaniwala na narito siya sa lamesa sa ganitong oras. Hindi ba't dapat nakaalis na siya? Mas lumapad ang ngisi niya at natigilan ako. Hindi ako sanay na makita siyang magngiting aso.
"Dito ako nakatira kung nakakalimutan mo." I was about to scoff when I saw Lola approaching us.
"Oh, hija. Maupo ka na at mag-agahan tayo. Kasama na natin si Kairus mag-agahan simula ngayon dahil hindi na masyadong abala sa trabaho niya." ani Lola at bigla akong nanlumo.
Kairus licked his lower lip and leaned on the backseat. Tinaliman ko lang siya ng tingin. I slowly pulled my chair to take my seat.
"Ikaw na ang maglagay ng tamang dami sa plato mo kung ayaw mong mas damihan ko." aniya nang damputin ko ang mga kubyertos. Napapikit ako nang mariin at huminga nang malalim para pigilan ang sarili kong sumigaw sa iritasyon.
Kumalma lang ako nang umalis siya nang tumanghali na. Nangangamba na ako para sa timbang dahil ilang araw na rin ang pagkain ko ng kanin sa agahan, kaya naisipan kong maglakad-lakad muna sa labas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETED
RomanceStatus: COMPLETED Kayeziel Harselia Brizuela is the daughter of two multi-billionaire business tycoons, an heiress to a top company and corporation, and a princess of the Brizuela clan. But... she doesn't want any of it. Being imprisoned by all her...
