Kabanata 2

26.9K 981 271
                                    

Kabanata 2:
Kid

Dumiretso na kami sa hapagkainan nila Lola at hinawakan naman ako ni Andeng sa kamay para alalayan. Lumiko lang kami at nakita ko agad ang maliit pero malinis na kusina. Merong lamesa roon na sakto lang ang laki at may limang upuan. Gawa sa kahoy.

May maliit na sink at cabinet na lagyanan ng mga plato, baso at ilang pang kagamitan sa kusina. Nasa gilid rin ang kalan at sa taas ay cup board rin na may mga ilang de lata, asukal, asin at iba pang kailangan nila. May bintana sa gilid at pinto naman sa kaliwa. Sakto lang ang ganitong kalaking kusina para sa kanila.

"Maupo ka na hija at maghahain lang ako." ani Lola at nag-aalinlangan ako na maupo dahil nakakahiya naman kung maghihintay lang ako rito ng hindi tumutulong sa kanila pero wala naman akong alam sa ganoon at baka magulo ko pa sila. Pinili ko na lang na manatili sa upuan.

Kahit na nakokonsensiya dahil si Andeng ay naglalagay ng baso, plato at kutsara. May pitsel rin doon ng orange juice. Bigla tuloy akong kinabahan, baka mamaya ay mabulunan ako at may orange juice na naman roon. Kasama pa naming kumain si Kairus.

Nilapag ni Lola ang bowl ng mainit na sabaw. Nakita ko agad ang karne ng manok roon at ilang gulay. Kumalam ang sikmura ko sa mabangong amoy pero hindi ko alam ang tawag roon. Si Andeng naman ay binaba na ang tupperware na may lamang kanin.

"Sinigang ang niluto ko hija. Alam kong di mo 'to alam pero masarap yan!" masayang ani Lola at ngumiti naman ako at nagsiupuan na sila.

"Mukha nga pong masarap, Lola."

"Hintayin muna natin si Kairus at saglit lang naman iyon." ani Lola at tumango naman ako habang si Andeng ay nakatitig na sa ulam. Mukhang gutom na yata.

"Ate, maganda po ba sa Maynila? Marami daw pong tao roon sabi ni Kuya." biglaang tanong ni Andeng.

"Maganda, maraming mga mapapasyalan at malilibangang lugar. Maraming tao kasi maraming trabahong mahahanap roon at isa pa isa iyong siyudad. Maraming mga gusali, establishments, at mga arena. Naroon rin iyong ilang mga artista."

"Ano pong mas maganda, dito sa Isla Vagues o sa Maynila?" sandali akong natigilan sa tanong niya pero napaisip rin ako.

"Hindi ako makapagdesisyon. Pero sa Maynila hindi humihinto ang oras, abala ang mga tao bawat segundo. Mahalaga ang bawat minuto roon at walang oras na hindi ka makakakita ng tao dahil kahit hating gabi puno ang kalsada."

"Hindi po natutulog ang mga tao roon?"

"Hindi naman pero kasi iba't-iba iyong mga trabaho nila na may pang umaga at gabi. Hindi humihinto ang oras."

"Kung ganoon mas maganda po dito sa Isla Vagues kasi payapa at wala ng minsang tao kapag gabing-gabi."

"Payapa dito sa probinsiya ng Isla Vagues. Malinis ang paligid at tahimik kahit simple lang ang pamumuhay. Maganda rin naman sa Maynila at marami kang makakapag-abalahan at matututo ka sa makabagong buhay. Hindi ko alam kung anong sagot sa tanong mo, pero siguro depende sa'yo iyon. Kung gusto mo ng magandang trabaho at umasenso nasa Maynila ang kasagutan. Maraming gustong pumunta roon para maranasang makapamuhay sa siyudad. Wala namang masama kung dito ka sa Isla Vagues magtratrabaho, makakatulong ka sa mga mamamayan, tahimik pa ang buhay at payapa. Masiyadong magulo sa siyudad at maingay, ibang-iba sa katahimikan ng Isla Vagues."

"Pupunta si Kuya roon para magtrabaho balang araw. Iiwan niya kami ni Lola." nakangusong ani ni Andeng at natigilan ako sa malungkot niyang boses bigla.

"Ano ka bang bata ka! Hindi tayo iiwan ng Kuya mo! Pupunta siya roon para magtrabaho para magkaroon tayo ng pangtustos."

"Mas gusto ko na dito si Kuya!"

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon