Kabanata 16

29.4K 833 21
                                        

Kabanata 16:
Apology

"Umuwi na tayo." ani Kairus sa supladong tono nang tuluyang makalapit sa aming dalawa. Inagaw niya sa akin ang paper bag na dala ko. Kukunin na rin sana niya ang kay Ysabel nang tumanggi ito.

"M-Magtri-tricycle na lang ako. K-Kaya kong umuwing mag-isa." Umawang ang labi ko nang mabilis kaming tinalikuran ni Ysabel. Hindi na hinintay ang sagot ko.

"Ysabel!" tawag ko. Hindi dahil sa galit ako sa pag-iiwan niya kundi sa pag-aalala na uuwi siyang mag-isa. I can't blame her fear towards Kairus.

The way his dark eyes pierce through me is making my heart jump too.

Hindi ko nga lang alam kung ano ang ikinagagalit ng isang 'to? Bakit ba parang bad trip siya?

"A-Ayos lang ako. Ingat kayo!" Sinubukan niyang pasiglahin ang tinig, pero bigo siya. Hindi ko na siya napigilan nang tuluyan siyang makasakay sa tricycle.

Bumagsak ang balikat ko nang mabilis na humarurot ang tricycle paalis. Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago unti-unting humarap kay Kairus.

"You didn't tell me you're going out." Muntik akong mapaigtad sa malamig niyang tinig. May pakiramdam akong nagtitimpi siya. Bumuntong-hininga ako nang muling pumasada ang tingin niya sa suot ko. Now it's clear that this is the reason why he's brows were twitching in irritation

Napansin ko pa ang pagbale ng leeg ng mga babae para tumunghay sa direksiyon namin. Hindi ko na kailangang alamin pa ang dahilan. Alam na alam ko na kung sino ang nagnakaw ng atensiyon nilang lahat. Walang iba kundi ang parang bulkang nag-aalboroto sa harap ko.

I shut my mouth so I can't add more to his anger. Pakiramdam ko, kapag nagsalita ako ay mas lalo lang madagdagan ang iritasyon niya. Tahimik akong pumasok sa sasakyan nang pagbuksan niya ako. Pinagmasdan ko siyang umikot para sa driver's seat.

Sa kaunting minutong 'yon ay agad akong nag-isip ng mga dapat sabihin sa kaniya.

"Hindi ko na nabanggit ang tungkol rito dahil saglit lang naman kami." sagot ko sa kanina niyang tanong nang buksan niya ang makina ng sasakyan.

"Uh huh?" Kinurot ko ang mga daliri sa kandungan sa pag-ismid niya.

"Bakit ka ba nagagalit? Ano? Ayaw mong lumabas ako? Sa bahay lang ako?" tanong ko sa kaniya. He turned to me, and I held his gaze. Yes, maybe he's my boyfriend now, but still he doesn't have the right to control me.

"No, you can do whatever you want, but you should at least tell me. Maggagabi na at malalaman kung wala ka pa sa bahay?" Naurong ang panghahamon ko sa kaniya sa narinig.

"Kasama ko naman si Ysabel. Saka hindi naman kami ganoong lumayo, ah? Kabisado niya ang lugar." giit ko. Nagtiim-bagang siya at binalik ang tingin sa kalsada. I can see his rage in the way he grips the steering wheel.

"Kabisado niya ang lugar, pero hindi ang mga tao. Those male vendors look at you as if they want to touch you!" Umawang ang labi ko. Hindi ko naman masyadong pinagtuunan ng pansin ang nasa paligid ko kanina.

"Titingin talaga sila sa maganda, Kairus! Ikaw nga ay pinagtitinginan din ng mga babae. Pero nagalit ba ako?" tanong ko sa kanya. He hissed.

"Oh, don't use that to me, Kayeziel. I just want you to tell me if you go somewhere, so I'm aware. Hindi ganito na... pinag-alala mo ako." Humina ang tinig niya sa huling sinabi.

"You're overreacting! Pauwi na nga kami." Bumalik ang madilim niyang mga mata sa akin. Para bang nagkamali ako ng palusot.

"Unang bababa si Ysabel sa tricycle. Maiiwan kang mag-isa sa loob at madilim pa ang daan. Sa tingin mo, mapapanatag ako?" I stared at the road. Hindi agad ako nakasagot dahil may punto siya. Ilang minuto pa ang layo ng bahay mula kina Ysabel.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon