Kabanata 36:
Ring
"Nasaan na kayo?" Inilagay ko sa tenga ang phone para makausap si Zaijan. Dinadama ko ang banayad na samyo ng hangin habang tinatanaw ang mga maliit na isla hindi kalayuan na kasing-laki pa ng kamao ko.
Nasa yate na kami patungo sa Isla Vagues. Madilim pa nang dumating kami sa Iloilo at nang umalis kami sa Sicogon Port kung nasaan nakadaong ang yate. Ngayon ay natatanaw ko na ang bukang-liwayway habang binabagtas ang mga mumunting alon.
I turned to Kairus, who was only a few meters away from me. He was also holding his phone and talking to Zildious. His back was leaning against the railings while he was saying something. Ang mga mata niya ay nakatuon sa akin at nangingiti ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya para makausap na nang maayos si Zaijan sa phone.
"Malapit na kami sa Isla Vagues."
The familiar view was slowly unraveling in front of my eyes. It's been a long time since I smelled the salty water and felt the scorching heat of the sun. Sa mga lumipas na taon kasi ay iniwasan ko rin na magtungo sa mga isla, dahil wala akong ibang naiisip kundi ang madilim na trahedya.
Now, the pain is still lingering, but it easily fades away whenever I glance at Kairus.
"Hmm, sasalubungin ko kayo kung ganoon." Kumunot ang noo ko/
"Ha? Paano mo kami sasalubungin?"
"Gamit ang braso?" sarkastikong sagot ni Zaijan at umikot ang mga mata ko. He laughs.
"Kidding, I'm here in Isla Vagues. Kassidy went home after she heard Kairus was going here." My mouth parted in surprise. Ang bilis nilang makauwi at naunahan pa kami?
"I'll see you at the port. Papaalis pa lang kami. Ang bagal ng kasama ko." aniya at narinig ko ang pamilyar na tinig ng babae na nagrereklamo sa kabilang linya. I sighed and bid my goodbye to Zaijan before I could even hear them arguing again.
Ibinaba ko ang phone at akmang haharap na kay Kairus, pero napaigtad na lang ako nang maramdaman ang mga braso niya na gumagapang sa bewang ko. I turned to him in surprise. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa akin.
He closed his eyes.
"You should sleep when we arrive at your house. Hindi ka pa natutulog simula kaninang biyahe." sabi ko sa kanya habang pinaglalaruan ang daliri niya na nasa tiyan ko. He leaned his head on my shoulder, and I held on to the railing when I felt his hot breath on my nape.
"Kassidy sent me a message. She's in Isla Vagues with your cousin. Hindi na ako matutulog. Zaijan is probably expecting to see me." aniya. Umiling ako. Kanina pa siya abala. I'm guilty that he prepared everything so we can sail smoothly. Kulang tuloy ang tulog niya.
"Don't think about him. Ako ang bahala sa kanya. You're exhausted. You should sleep."
"Alam mo kung ano ang tunay na kahulugan sa akin ng salitang pagod, Kayeziel." Mabilis na nag-init ang pisngi ko nang maintindihan ang sinabi niya. Gigil kong kinurot ang daliri niya. He only laughed and embraced me more.
He stared at the view in front of us. Ang kasing-laki ng kamao na isla ay higante na ngayon sa paningin ko. The orange gleam from the sunrise highlighted the shade of the island.
Kairus sighed softly as the familiar port, ships, and small boats welcomed us. Naririnig ko na ang ingay mula sa mga taong abala sa daungan, pero mas malakas ang tambol ng puso ko.
"I'm finally home with you..." Sumiklab sa pagdadagundong ang puso ko sa bulong niya. Sabay naming pinagmamasdan ngayon ang isla na pinalilibutan ng kumikinang na kulay asul na tubig at ng pinong maputing buhangin.
BINABASA MO ANG
Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETED
RomanceStatus: COMPLETED Kayeziel Harselia Brizuela is the daughter of two multi-billionaire business tycoons, an heiress to a top company and corporation, and a princess of the Brizuela clan. But... she doesn't want any of it. Being imprisoned by all her...
