Kabanata 6

24.2K 907 199
                                    

Kabanata 6:
Dress

"Totoo ba hija na sumama ka kay Ysabel sa pagbebenta niya?" si Lola habang nagdidilig ako ng halaman noong Sabado ng umaga. Agad naman akong napahinga ng malalim sa sinabi niya.

"Nabagot lang po talaga ako at naisip ko na subukan iyon. Kung matutuwa ako ay balak ko po sanang pumasok sa isang trabaho." natigil siya sa pag-aayos ng mga nakahilerang halaman na para bang gulat sa isiniwalat ko. Bumaling siya sa akin.

"Naku hija, hindi mo na kailangang magtrabaho. Baka mapagod ka lang at magkasakit lalo na at hindi sanay ang katawan mo."

"Huwag po kayong mag-aalala sa akin Lola. Balak at gusto ko po talaga iyon para makatulong sa inyo kahit papaano."

"Naku, hindi na kailangan! Ayos lang kami hija at kinakaya naman ang mga gastusin. Hindi mo na kailangang mag-abala." pirmi ang boses ni Lola na parang hindi talaga sang-ayon sa gusto ko at nginitian ko siya para ipaintindi na gusto ko talaga iyon. Natigilan si Lola.

"Wala naman po akong ginagawa at puro mga magagaan lang na gawain ang bininibigay niyo. Gusto ko pong magtrabaho para maaliw at makatulong na rin po."

"Puwede ka namang magpahinga at manood na lang ng telebisyon sa loob, hija. Baka kapag nalaman ito ng Tita mo ay mapagalitan pa ako. Inaasahan niya na aalagaan ka namin kahit pansamantala ka rito."

"Naku Lola huwag niyo pong alalahanin si Tita! Hindi po iyon magagalit lalo na at kagustuhan ko talaga. Kapag nalaman nga niya ay baka matuwa pa iyon sa akin." sabi ko at si Lola naman ngayon ang huminga ng malalim.

"Hindi pa rin ako mapapanatag na hayaan kang trabaho."

"Kapag po hindi ko na kaya at masiyado nang mabigat, aalis at titigil po ako agad." pangako ko sa kanya para mapanatag siya na ayos lang talaga ang lahat at kaya ko. Tumitig sa akin si Lola at parang nahihirapang magdesisyon pero sa huli ay tumango na lang.

"Sige hija, pero huwag mong pupwersahan masiyado ang sarili mo." ani Lola at muntik na akong mapasigaw sa tuwa. Doon natapos ang pag-uusap namin. Nagtungo na roon kami sa hapagkainan ng tanghalian.

Hindi ako makangiti at mapakali lalo na at narito si Kairus ngayong Sabado. Wala siyang trabaho kaya kasama namin siya ngayon. Hindi sa ayaw ko sa presensiya niya pero nababahala talaga ako sa pagbabanta niya noong nakaraan.

"Magbihis ka pagkatapos nating kumain. Ipapasyal kita ngayong araw." halos masamid ako sa nginguya sa biglaan niyang pagsasalita. Mabuti na lang at hindi. I reach the glass of water before I speak.

Ni hindi man lang ako tinanong kung payag ba akong sumama sa kanya at diretsong utos na agad ang sinabi. Napatingin si Lola at si Andeng sa kanya.

"Saan naman tayo pupunta?" mahinahon kong tanong. Nahihiya talaga ako kapag lagi kong napapansin na tanging ako lang ang gumagamit ng tinidor habang sila ay iisang kubyertos lamang. Pakiramdam ko nakakadagdag ako sa hugasin e.

Gusto ko sanang gayahin sila pero alam kong kapag ginawa ko iyon, pinabagong kahihiyan at baka hindi ako makakain kung laging malalaglag ang pagkain sa bawat pagsubok ko ng subo.

"Sa lungsod na bahagi ng Isla Vagues, may mga ilang establisyamento roon at mga malalaking barko." aniya at saglit naman na nahinto ako sa pagkain.

"Doon ba sa pinagtratrabahuhan mo tayo pupunta?"

"Puwedeng pumunta tayo roon pagkatapos sa mga tourist spots rito sa Isla Vagues." napatango ako sa sinabi niya. Biglang nakaramdam ng pagkasabik na makita ang lugar kung saan siya nagtratrabaho.

"Anong oras tayo aalis kung ganoon?"

"Ikaw ang bahala pero kung masiyado pang mainit ay baka mga alas tres na para hindi ganoon kasakit sa balat ang sinag ng araw."

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon