Kabanata 30:
Trap
"Isang araw pa lang akong nawawala at ganito na." Iyon ang bungad sa akin ni Zaijan nang tumawag siya ngayong umaga. Nag-aayos na ako para sa pagpasok sa opisina.
I'm wearing a gray jumpsuit plus my pumps and my YSL bag. Umupo ako para isuot ang pump habang naka-loudspeaker ang phone na nasa kama. Nagpapaliwanag ako tungkol sa nangyari kagabi. Minus the scene where Kairus holds my hand, of course.
"I'm trying to open what happened years ago to make amends for my... mistake.." Mabagal kong sinabi at saglit na natahimik ang kabilang linya. I thought the call had ended, but I heard him sigh.
"It's not your fault, Kayeziel." Zaijan said seriously, and I put down my foot after I wore the pump. Umiling ako sa kaniya.
"Kasalanan ko. Kung hindi ako tumakbo sa kanila noong tumakas ako, hindi sila madadamay. Buhay pa sana sina Lola at Andeng. I made them victims of my wrong decision." I look at the bracelet on my wrist, and I sigh as I remember Kairus' expression last night.
"No. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? Wala kang kasalanan. You're a victim of your own mother, and that fucking evil man who's now rotting in hell." mariin niyang sinabi. His voice was serious and stern.
"Pero kung hindi ako nagtago sa kanila, hindi iyon mangyayari..." Humina ang tinig ko sa naramdamang kirot sa puso. Ayaw kong maniwala sa kaniya. He's convincing me that it's not my fault, because it was Lyndon who ordered his men to kill them. Pero kahit ilang beses na baliktarin ang sitwasyon, ako ang puno't dulo ng lahat ng pangyayari.
"Sinisisi ka ba niya?" Natigilan ako sa narinig at napatingin sa screen. His baritone voice feels like he's here and standing in front of me.
"H-Huh?"
"You said you ate together last night. Did he blame you?" Si Kairus ba ang tinutukoy niya? Huminto sa paninikip ang dibdib ko. I recall our dinner together last night, and I can't find any words that he's blaming me. Natigilan ako kasabay ng marahas na pagtambol ng puso ko.
"H-Hindi."
"Then that's the answer. You should stop tormenting yourself if he's not blaming you for what happened, Kayeziel." Umawang ang labi ko at napahinto ang lahat ng laman ng isip.
"You shouldn't listen to anyone who's accusing you. Siya lang ang tanging makakahatol sa'yo kung may kasalanan ka, hindi ang sarili mo at hindi ang ibang tao. Kaya kung hindi ka niya sinisisi, wala kang kasalanan."
Hanggang sa makarating ako sa opisina ay naiwan pa rin ang mga salita ni Zaijan sa isip ko. I'm reading the sales report on my laptop, but nothing is coming to mind. I can't understand anything because his words keep bothering me.
Inaalala ko muli ang napag-usapan namin ni Kairus kagabi. Lahat ng salitang namutawi sa labi niya ay kabaligtaran ng lahat ng inaasahan ko.
I was expecting him to scream and blame me for what I did. Insult me, hurt me, or anything to ease his pain for the family he lost. But he even let me eat with him. He didn't mention anything from the past. He's... nice.
Hanggang sa dumating ang oras ng lunch ay wala pa rin akong natapos na gawain. I sighed as I surrendered. Kung pipilitin kong magtrabaho, ay hindi magiging maayos ang mga review ko sa mga report. Kaya nag-ayos na lang ako para lumabas sa opisina. I need to breathe some air to ease these clouded thoughts.
"Ma'am, magpapa-order po ba kayo ng pagkain para sa lunch?" Cynthia, my secretary, asked through the intercom. Sinukbit ko na ang bag sa braso para sa pag-alis.
"No, I'm going to eat outside."
"Okay po." Then she ended the intercom call. I just put on subtle lipstick before leaving my office.
BINABASA MO ANG
Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETED
RomanceStatus: COMPLETED Kayeziel Harselia Brizuela is the daughter of two multi-billionaire business tycoons, an heiress to a top company and corporation, and a princess of the Brizuela clan. But... she doesn't want any of it. Being imprisoned by all her...
