Kabanata 19

28.2K 822 26
                                        

Kabanata 19:
Regret

"Sa tingin mo ba hindi rin mahirap sa akin 'to? It's your dream, Kairus!" Tuluyan akong lumayo sa kaniya, sa distansiya na hindi niya ako maabot. I don't want his touch to make me forget the words in my head.

He looked at me as if he was trying to measure our distance.

"Bakit mo ipagpapaliban pa ng isang taon, kung puwedeng gawin mo na ngayon?" giit ko. Umiling siya sa akin na para bang hindi ko maintindihan.

"Hindi tatakbo ang pangarap ko, Kayeziel. It doesn't matter if I do it next year or this year."

"It matters! If you passed and had the license, you can provide better! You will not need to have this heavy full-day work!" I lifted my two hands to convince my statement is right. He shouldn't counter it.

Noon, kapag nakakarinig ako ng mga kuwento ng mga kaklase na mas pinipili ang pag-ibig kaysa sa mga praktikal na bagay, ay hindi ko maiwasang madismaya.

What is the weight of love for them to choose it over anything else? Kailan pa ito naging mataas sa kahit na anong bagay, lalo na ang pangarap?

Is it because of what love can provide? Di bale na ang maginhawang buhay basta manatiling magkasama?

That's stupid, right?

I know, I don't have the right to say it when I am here not considering leaving this island anymore!

Sinubukan niyang humakbang papalapit sa akin, pero nagbabanta akong tumingin sa kaniya. Hindi ko puwedeng hayaang magiba ang pader na binuo ko kanina lang para pagbigyan siya.

"I'd rather choose to suffer in my work than to grieve over losing you!" Umawang ang labi ko. I was so stunned I wasn't able to stop him from taking the distance between us. Sinapo niya ang magkabila kong pisngi.

"Sino bang nagsabing aalis ako?" tanong ko sa kaniya. Gusto kong ismiran ang sarili.

Anong kaibahan ko sa iba na pinipili rin ang pag-ibig na 'to?

Ano, Kayeziel? Ayos lang sa'yo na mapulot sa kangkongan basta magkasama kayo ni Kairus?

Hindi ka nag-asakaya ng panahon sa pag-aaral para lang sa katangahan na 'to! Ilang salapi ang nawaldas para lang makapag-aral ka sa prestihiyosong paaralan, tapos ito ang bagsak mo?

Pero ano bang dapat kong gawin?

Will I be happy if I leave? Hindi.

Maybe that's the answer. People forget to be practical because they want happiness.

"Hindi ka a-aalis?"

His dark eyes suddenly shifted. I hold his hand. Humigpit ang hawak niya sa dalawa kong pisngi sa pag-aakalang kakalisin ko iyon.

"Say it again, baby. Tell me I'm not hallucinating from what I heard." Pagsusumamo niya habang tinitingnan niya ang mga mata ko. Para bang sinusuri kong nagsisinungaling ako.

I relocated my stance. Binagsak niya tuloy ang kamay sa bewang ko. Para bang mas may kontrol siya na pigilan ako sa paglayo kapag doon humawak.

"You didn't mishear it, Kairus. I won't leave you. I won't leave Isla Vagues." His arms were like vines around my waist, locking me in one place. Dikit na dikit ang mga tenga ko sa dibdib niya at klaro kong naririnig ang pintig ng kanyang puso.

"Kaya aalis ka at susunod kay Samuel. You will take your exam." His arms suddenly snapped as if I cut him with my words. Umismid siya sa narinig mula sa akin.

"Tss, are you only assuring me in exchange for this? You will not fool me, Kayeziel." Umiling-iling siya sa akin. Masama ang loob niya na kinalas ang mga hawak.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon