Kabanata 7

35.8K 1.3K 357
                                        

Kabanata 7:
Ships

"Woah, ang gaganda at halatang matibay ang mga barko nila. Gaano ba karami ang mga pagmamay-ari ng Verceluz?" tanong ko habang tinuturo ang mga nasisilayan na barko para bilangin. Kaso, mukhang imposible na malaman ko ang eksaktong bilang nila.

The strong wind blew against my face, which made my hair messier. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin at hinayaan na lang na magkabuhol-buhol iyon sa lakas ng hangin.

Ilang beses pa lang akong nakakasakay ng barko sa buong bahay, kaya siguro ganito na lang ang pagkamangha ko sa kanila. Madalas ay sa mga eroplano ang nasasakyan kong transportasyon. Mas gusto ko iyon dahil mas mabilis at mas komportable.

Noong unang beses ko sa barko ay hindi naging maganda ang karanasan ko. The consistent shaking and the unstable floor made me sick. I told myself I'd never ride it again, but seeing these large ships, I suddenly want to be there again. Pakiramdam ko ay mas magiging komportable ako sa loob nito, na magagawang takpan ang pangit kong interpretasyon.

"Isang daan ang pagmamay-ari nila at madadagdagan pa sa mga susunod na buwan." sagot niya. Dinaluhan niya na ako rito pagkatapos niyang makipag-usap sa mga kakilala.

Napasulyap ako sa lapit niya. I relocated my stance. Hindi ko alam kung bakit biglang hindi ako mapakali sa maliit na espasyong naghihiwalay sa amin para magdikit nang tuluyan.

He glanced at me. Biglang kumalabog ang puso ko na parang sinindot iyon ng kung ano.

Seriously, Kayeziel?

Ito lang at para ka nang namimilipit diyan!

I've never had this reaction towards a boy who's just inches away from me. Si Kairus lang ang nakagising ng ganitong reaksiyon sa akin.

I pursed my lips and forced myself to look only at the ships in front of us.

Pare-parehas sila ng hugis na pa-V sa harap. May mga metal na barindilya rin sa deck at moderno at klasiko ang halong disenyo. The exterior looks so sleek and fascinating in the eyes. I stared at the irregular shape of the deck ceiling towards the helm.

"Verceluz Shipping Inc." I read the heavy and bold letters imprinted on the ship. Ang dulo ng letrang V ay katulad ng tungkod na hawak ni Poseidon.

Tahimik lamang na nanonood si Kairus sa mga reaksiyon ko sa bawat mapapansing detalye sa mga barko.

Parang naghihintay ng mga tanong ko na handang-handa niyang sagutin. Kaso ako yata ang hindi handa na magtanong. Hindi ako mapakali sa mga titig niya. Ramdam ko ang pawang mga nilalang na naglulumikot sa tiyan ko.

Humigpit ang hawak ko sa barindilya, pinapakalma ang sarili sa pagkapit doon. Bumuga ako ng malalim na hininga nang humakbang siya papalapit sa akin.

Hindi alam kung bakit bigla siyang gumalaw, dahilan para mawala ang distansya sa pagitan namin nang tuluyan. My eyes widened, and my breathing hitched when he suddenly held my hair.

"R-raius, a-anong....?"

I couldn't see his expression because he was behind me. Ang lagay na iyon ay lalong nagpapatahip ng puso ko.

"Your hair got tangled. Let me fix it." He said in his husky tone. I gulped at the sudden change of his voice.

Hindi na ako nakaangal nang gumalaw ang mga daliri niya para marahang suklayan ang buhok ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang ramdam ang bawat hagod niya. Sobrang rahan, para bang sobrang ingat na ingat na hindi maputol ang bawat hibla. Inalis niya ang pagkakapusod ng buhok ko.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon