Kabanata 8

22.9K 966 172
                                    

Kabanata 8:
Babae

"Mabuti naman at napapayag mo si Lola na magtrabaho rito. Akala ko ay pagbabawalan ka niya." ani Ysabel habang naglalakad kami patungo kung saan siya nagtratrabaho.

"Ayaw niya noong una pero noong ipinaliwanag ko ang kagustuhan kong magtrabaho ay sumuko rin siya."

"Si Kairus ba ay alam ang tungkol rito?" nahinto ako bigla sa tanong niya na iyon pero kalmado lang na umiling. Napasinghap si Ysabel.

"Hindi niya alam ang tungkol rito. Hindi ko rin namang kailangang magpaalam sa kanya dahil siguradong hindi siya papayag."

"Hindi talaga iyon papayag! Alam mo bang takot na takot ako noong nakita ka niyang sumama sa akin sa pagtinda! Noon ko lang nakitang magalit iyon." sandaling kumunot ang noo ko. Galit pala siya noong pinauwi niya ako? Napanguso ako bigla.

"Huwag mong intindihin iyon. Hindi niya rin naman malalaman." mukhang nababahala si Ysabel na hindi alam ni Kairus ang tungkol rito.

"Paano kung malaman niya? Pinagsabihan pa naman niya ako noong nakaraang nakita ka niyang sumama sa akin." aniya at napasinghap ako.

"Pinagsabihan ka? Bakit anong sinabi?" gulat kong tanong. Medyo naguilty na siya pa ang kinausap ni Kairus kahit kagustuhan ko naman na samahan siya nong oras na iyon.

"Na hindi dapat kita hinahayaan na lapitan o hawakan ng kahit sino. Ayos lang naman sa akin kasi may kasalanan ako. Pero nakakatakot pala si Kairus kapag malamig at seryoso." namilog ang mga mata ko.

"Wala siyang karapatang sabihan ka! Pasensiya ka na Ysabel at kakausapin ko na lang siya. Ginusto ko namang sumama sa iyo non."

"Hayaan mo na. Mali naman talaga ako."

"Hindi, nadadamay pa tuloy kita. Kakausapin ko siya."

"Kapag ginawa mo iyan, malalaman niya ang trabaho mo rito." sabi niya at mabilis akong napahinto. Bumagsak ang mga balikat dahil tama siya at wala akong magagawa para bawian man lang iyong pinagsabihan siya ni Kairus.

"Kapag nalaman niya na magtratrabaho ako, hindi ko hahayaan na sisihin ka niya. Ako ang magpapaliwanag para hindi ka niya pagsabihan." paninigurado ko sa kanya at para hindi na rin siya mag-alala. Ngumiti lang siya sa akin.

"Hindi ko naman dinamdam iyong sinabi ni Kairus. Tama lang siya at dapat hindi kita hinahayaan na lumapit sa kahit sino."

"Kahit na. Desisyon ko naman iyon at labas ka roon. Ako ang dapat kinakausap niya at hindi ikaw." paliwanag ko. Hindi ko mapigilang mairita sa nalaman mula kay Ysabel. Kung ganoon pala ay pinagsasabihan niya pa ang kaibigan ko dahil lang sa akin. Bakit ba ang hilig hilig niyang mangialam sa mga gawain ko?

Halos takpan ko ang ilong ng maamoy ang malansa at masangsang na amoy na nagmumula sa mga isda ng pumasok na kami sa isa sa mga silid ng pagtratrabahuhan. Napalunok ako at hindi alam kong masisikmura ko ba ang amoy noon kung doon ako magtratrabaho.

Mukhang hindi ko yata kakayanin.

Ngayon palang ay sumusuko na ako. Hindi lang talaga ako sanay sa ganoong amoy. Kahit noong bata pa ako ay hindi ko matagalan ang isda. Kaya nga pumupunta lang ako sa kusina kapag luto na iyon at handa ng kainin.

"Dito ba tayo magtratrabaho?" tanong ko kay Ysabel. Handa nang umatras sa trabaho na pinasukan ko. Bahagyang tumawa si Ysabel nang makita ang reaksiyon ko at mukhang nababasa ang tumatakbo sa isip ko.

"Hindi, roon tayo sa pangalawang kwarto. Mukhang tama ako na hindi ka bagay sa silid na 'to." she said and relief flood through me.

"Huwag mo naman akong pakabahin ng ganoon." sabi ko at humalakhak siya. Parang naaliw sa mga reaksiyon.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon