Kabanata 11

24.1K 1K 133
                                    

Kabanata 11:
Like

"Marami ring mga secluded islands hindi kalayuan sa Isla Vagues, pero maliit na lang iyon at kaunti ang mga tao." kuwento ni Ysabel habang naglalakad kaming dalawa sa buhangin hindi kalayuan sa dalampasigan.

Ilang hakbang lang at naroon ang tubig na kulay asul na karagatan ng Isla Vagues na nakakahalina sa paningin. Naglalakad kami para mag-deliver ng mga order na mga produktong isda sa mga kabahayan. Kaming dalawa lang dahil kagaya ng sabi ko propesyonal si Ysabel rito. Habang ako ay sinaman niya sa ganitong gawain para hindi ako maiwan mag-isa roon sa gawaan.

"May nakatira rin ba roon?"

"Sa tingin ko wala. Pero may mga ilang kabahayan roon na ginagawa lang tuluyan pansamantala ng mga mangingisda kapag pumapalaot sila. Minsan kasi ay matatagalan pa sila sa pagbalik rito at masama pa ang panahon kaya humihinto muna sila roon." sagot ni Ysabel. Parehas kaming may dala dalang kahon na naglalaman ng produkto.

Hindi naman siya mabigat at kaya naman naming dalawang dalhin. Ang sabi ay ang produktong ito ay dadalhin sa Isola Vista. Iyong hotel na pagmamay-ari ng pamilyang Lazzarabal at Rascon.

Sa ilang buwan ko rito at pakikinig ng kuwento ni Ysabel doon ko napagtanto na masiyado pala talagang malaki ang isla at ekslusibo. The north part of the island is where the Verceluz Shipping Inc. located. Naroon ang port at daungan ng lahat ng barko na dumadating dito sa isla.

While the North-East part is where hotels, resto and other establishments located. Naroon ang ibang turista madalas dahil malapit lamang iyon sa port. That location is perfect for the tourist because the beach front is in there also. Kaya naman para na iyong lungsod dahil naroon karamihan ang tao para mag-entertain ng mga turista.

The north-west and west part are where some mansions located. Mukhang iyon ang pinakapribadong bahagi ng isla dahil parang ang malaking bahagi ng kalupaan roon ay pagmamay-ari ng mayayamang personalidad rito sa Isla. Hindi pa kami nakakapunta sa bahaging iyon ni Ysabel pero ang sabi niya ay nakakamangha raw roon.

Bilang lang sa kamay na nakapunta siya roon dahil mahigpit ang seguridad dahil nga puro mansiyon ang lugar. Nakakalula raw ang mga disenyo at mga naglalakihang iba't-ibang mansiyon na naroon. I've l grew in a luxury life so I wonder if I would be surprise or fascinated in this islands mansion.

Ang huli naman ay ang timog na bahagi ng isla kung nasaan matatagpuan ang mga kabahayan ng mga mamayan rito sa Isla. Nasa dulong bahagi ang pamayanan nila at roon din matatagpuan ang ilang maliit na palengke sa lugar. Roon din makikita ang bahay nila Kairus kaya minsan ay natatagalan kami sa paglalakad ni Ysabel pero ayos lang dahil nawiwili naman ako sa tanawin at pakikinig ng kuwento niya.

"Sana naroon si Sir Raziel kapag pumunta tayo." tumulis ang nguso ni Ysabel pagkatapos sabihin iyon na para bang may pinipigilan siyang ngiting kumawala sa labi niya.

"Sino naman iyon?" saglit na namilog ang mga mata niya sa tanong ko.

"Nakalimutan mo na siya agad?"

"Nakilala ko ba ang lalaki na iyon?"

"Iyon iyong muntik nang mapasak ni Kairus dahil akma mong yayakapin nang minsang magbenta tayo. Tanda mo na?" napasinghap naman ako sa sinabi niya nang maalala ang pangyayari na iyon. Isang imahe ang sumagi sa isip ko.

The man that is one of the greek gods here. Kung ganoon siya ang tinutukoy ni Ysabel?

"Oo, naalala ko na. Isa ba siya sa mga nagmamay-ari ng hotel?"

"Adrianus Raziel Rascon. Isa sa mga tagapagmana ng negosyo nila. Nakalimutan ko palang ipakilala siya sayo kung ganoon." tumango ako sa sinabi niya at saglit na umawang ang labi. Sabi ko na nga ba at ang lalaking iyon ay isa sa may katayuan at kapangyarihan sa isla na ito.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon