Kabanata 25:
Cry
Hindi ako mapakali habang nasa loob ng sasakyan. I couldn't even stop glancing at the view outside. Zaijan was in the driver's seat. His eyes were dark and serious as he drove.
If I didn't know him for sure, I'd be intimidated and scared by the way he looked. Mabuti na lang at kilala kong ganito talaga siya.
"Malapit na ba tayo?" Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na iyong tinanong sa kanya. Kagaya ng lagi niyang reaksiyon kapag naririnig iyon ay hinihilot niya ang sentido. He looked so snobby as he lazily turned his head to me, with one brow arching.
"May nakikita ka na bang dagat?" ulit niya sa sinagot niya sa akin kanina. My brows furrowed. He smirked without humor and continued driving. He was wearing his all-black attire again with his combat boots.
"Relax, baby. We'll arrive in Isla Vagues soon. You can rest for a while." he said, and I leaned on the backrest.
"Hindi ako makakapagpahinga."
"Then wait for another hour. Malapit na ang port kung nasaan ang yate, pero ilang minuto pa patungo sa isla." I sigh. Hindi talaga ako mapapanatag lalo na't alam kong ilang kilometro na lang ang layo naming dalawa ni Kairus.
My heart won't stop pounding harshly. Zaijan handed me a bottled water. Wala siyang sinabi, pero para iyon pakalmahin ako. Tinanggap ko iyon at tahimik na nagpasalamat sa kanya.
I drank the water hoping that it would ease my worries and nervousness, but it didn't. Pinawi lang noon ang nanunuyo kong lalamunan.
I immediately stepped outside the car when we stopped at the port. Halos marinig ko ang panunuway niya dahil hindi ko na siya hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto. Inunahan ko siya patungo sa boardwalk kung nasaan nakaparada ang yate. Zaijan glared at me as he held my hand to assist me in stepping onto the yacht floor.
Galit na iniwan ko siya.
Nang magsimula kaming maglayag sa kulay asul na karagatan ay nakatulala lang ako sa bawat hampas ng mumunting alon sa yate. This view should comfort me, because I am near the island I've been yearning to see, but I was tense.
Hindi ko na makakalma ang umaapaw na kaba at pag-aalala hangga't hindi ko nasisilayan si Kairus. Mababaliw na yata ako. Gusto kong pabilisin ang takbo ng oras para mayakap na siya.
I miss his scent, the warmth of his embrace, his face, his heartbeat. I miss him so much, I want all of him.
Kaya hindi pa man nakakadaong ang yate nang maayos ay tumayo na ako nang matanaw ang pamilyar na port ng mga barko. I looked at the Verceluz Shipping Inc and its massive ships.
"Sandali lang!" pagalit pa na sinabi ni Zaijan nang nagkukumahog akong bumaba. Muntik tuloy akong mahulog, pero wala na akong pakialam pa. I don't care if my body gets soaked in the water.
I want to see him!
"Bilis, Zaijan!" tawag ko sa kaniya.
"Hintayin mo ako." He held his temple again as if he was so stress on me. He held my wrist to assist me in climbing towards a new car. Kasama namin ang ilang tauhan niya na sumakay na rin sa kani-kaniyang sasakyan.
Kung normal na biyahe lang ito, baka nahilo na ako sa palipat-palit ng sasakyan, pero kahit ilang klase pa ng transportasyon ang sakyan ko, basta ba ay nasa dulo si Kairus ng lahat ng ito ay kaya kong indahin.
"Do you know where his house is? I can point the direction, or I'll drive." Bumaling sa akin si Zaijan. His eyes darted at my seatbelt. Inayos ko muna iyon.
"My men told me the address. Just relax, baby. Okay?" he said with a hard english accent.
Pinilit kong itikom ang bibig. I kept tapping my heel on the car's door. Zaijan was talking on his phone while he drove. Iyon na yata ang pinakamahabang sampung minuto ng buhay ko. Nang matanaw ang pamilyar na daan at ang bahay na hindi kalayuan, ay kasing-bilis ng kisapmata na bumalik sa akin ang lahat.
BINABASA MO ANG
Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETED
RomanceStatus: COMPLETED Kayeziel Harselia Brizuela is the daughter of two multi-billionaire business tycoons, an heiress to a top company and corporation, and a princess of the Brizuela clan. But... she doesn't want any of it. Being imprisoned by all her...
