This is the end of RTTW, wakas. Thank you for reading until the last part of the story! See you in "Wind of Broken Souls" Isla Vagues Series #2!
Sa mga nagtatanong if may story si Zaijan, yes po meron. Pang 8 sa Isla Vagues Series. :-)))
Wakas
Hindi ko gusto ang alon. Pagmasdan ko pa lang iyon ay naiinis na ako. Kahit ang tunog ng pagragasa nito ay ayaw kong pakinggan. Sa panghuhuli namin ng isda, hindi kami makakapalaot kapag malakas ang agos ng tubig, dahil itinutulak nito ang mga bangka namin pabalik sa dalampasigan.
Kaya para sa akin, malaking perwisyo talaga iyon. Hindi lang para sa akin kundi para sa maraming tao na may katulad kong pangkabuhayan ang pangingisda. Siguro para sa iba may silbi iyon, pero sa akin? Wala.
Kaya siguro nang nalaman nito ang tinanim kong poot ay sinubok ako. Marahas akong sinalpok ng mga agos at kinuha sa akin ang ama sa murang edad. Para bang pinapatunayan nito kung gaano siya kadelikado at hindi ko dapat ito hamunin.
My eyes were in slit as I looked at the approaching boats. Itinulak ito ng alon papalapit sa akin. Isang mahinang singhal ang kumawala sa labi ko bago tanggapin ang lubid na ibinato sa akin.
I am only here to wait for someone. Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa bawat pasaherong bumababa. Tinitingnan kung ang isa sa mga ito ang nasa larawan na ibinigay ni Lola, pero wala namang pasahero na ganoon kabata.
Nanunuot na ang sikat ng araw sa balat ko sa tagal na nakatayo rito. Tumulong na ako sa mga bangkero sa pagbaba ng pasahero para mas masuri nang mabuti ang mga dumadating.
"Bakit dumadami ang pasaherong dumarating kapag narito ka, Kairus? Mukhang nararamdaman ng mga tao na may sasalubong sa kanilang gwapo kaya dumoble ang bilang nila." Napailing ako sa sinabi ni Mario. Humalakhak ang mga nakarinig noon.
"Iyong iba ayaw pang bumaba kapag hindi si Kairus ang kukuha ng kamay!" segunda ni Tonyo. Pabiro akong inismiran.
Kung ganoon ay kasalanan ko pa? Nagmabuting-loob na nga akong tulungan sila.
"Kung dito ka siguro nagtatrabaho, nalugi na kami sa kita," sabi ni Paolo na nakangisi. Isa sa mga bangkero rito.
Pabiro nilang pinagbabato ang maliliit na shells sa akin na hindi ko pinansin nang may mga bangka na huminto sa harap ko. Tinali ko na ang lubid habang dahan-dahan iyong hinahatak. Pagkatapos ay pumunta ako sa harap para alalayan ang mga pasahero.
Nangingiti at humagahikhik ang mga babae nang makababa pagkatapos kong bitawan.
"Anong pangalan mo?" ani ng isa na abot-tenga ang ngiti. Hindi ito ang kauna-unahang beses na marinig ko ang tanong na ito. Tumikhim ako.
"May susunod pang pasahero, Miss." simple kong sagot at binaba na siya sa buhangin. Iyon ang lagi kong sagot dahil wala naman akong interes sa mga ganito. Isa pa, narito lang naman ako para salubungin ang bisita ni Lola.
"Ang suplado. Pangalan lang, eh," anito at masama ang loob na tumalikod sa akin. Nakisali siya sa mga kasamang laglag ang panga habang pinagmamasdan ako.
"Kung panay ang pagtanggi mo, Kairus. Baka sa akin na magpaalalay ang mga pasahero." ani Nestor, na napansin ang ginawa ko. He even mimicked the sound of the lizard as if he was disappointed in me. Umismid naman si Ryan.
"Hindi pa takip-silim, pero kulang na lang sumakabilang bangka ang mga nakatoka sa'yo para makalapit lang kay Kairus." ani Tonyo. Humagalpak ang mga bangkero sa biro niya. Sumimangot naman si Nestor.
Natigil lang ang tawanan nang marinig naming sumipol si Mario habang nakatitig sa papalapit na bangka.
"Kung sinuswerte ka nga naman..." aniya at ngumisi agad. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at halos matigil din ako sa ginagawa. Napatitig ako sa babaeng nasa unahan ng bangka na bakas ang pagkamangha sa paligid.
BINABASA MO ANG
Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETED
RomansaStatus: COMPLETED Kayeziel Harselia Brizuela is the daughter of two multi-billionaire business tycoons, an heiress to a top company and corporation, and a princess of the Brizuela clan. But... she doesn't want any of it. Being imprisoned by all her...
