Kabanata 4:
Verceluz
Halos hindi ako makalakad sa sobrang kabusugan pagkatapos ng agahan. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong ubusin iyon lahat. Kaso, nangangamba ako para sa sarili. Ayoko ng ganoong karaming almusal araw-araw!
Siguradong sira ang pababalanse ko ng timbang. I pouted as I sat on the bench outside the house. Nakita ko si Lola na mag-aayos ng mga halaman sa gilid ng bakuran kung saan iyon lahat nakapuwesto. Mukhang tama nga ang hinala ko na narito siya kaninang umaga. Patapos na siya dahil alas onse na rin.
"Magandang umaga po, Lola." bati ko nang ilapag niya ang paso na nakahilera sa gilid ng pader. Napalingon naman siya sa akin at nagulat.
"Oh, hija. Ikaw pala. Nakakain ka na ba ng agahan?"
"Opo." I almost experienced food poisoning because of your grandson. Gusto kong idugtong, pero mabuting huwag na lang.
"Mabuti naman. Pasensiya na at ganoon lang ang agahan at hindi kasing sosyal tulad ng sa bahay niyo." Mabilis ko namang tinaas ang dalawang kamay para pigilan siya sa ganoong pag-iisip.
"Naku, hindi po. Ayos lang po sa akin. Masarap nga po." Puwere lang doon sa bagoong na nasa hapag. Halos hindi ko iyon tignan kanina habang kumakain.Pakiramdam ko masusuka ako kung naamoy o dumapo iyon sa labi ko.
Ngumiwi ako at mabilis lang tinapos iyon nang humakbang siya papalapit sa akin.
"Ganoon ba? Huwag kang mag-aalala dahil pipilitin kong pasarapin ang mga ulam sa mga susunod na araw." aniya. Umiling muli ako.
"Huwag na po kayong mag-abala at gumastos pa para sa akin. Kakainin ko naman po kung anong meron." She looked at me softly. Pinagpag niya ang mga kamay at huminga nang malalim.
"Pinagkatiwala ka sa amin ni Gwendolyn, kaya gusto ko sanang kahit paano ay komportable ka habang narito."
"Komportable naman po ako. Sobra-sobra na po ang pagtanggap niyo sa akin dito. Gusto ko rin naman po ang mga ulam. Walang kaso sa akin." saad ko. Napatango naman si Lola kahit na parang may gusto pa siyang idugtong. Sinulyapan niya ang pinto ng bahay.
"Oh, siya, may balak ka bang gawin ngayon? Maghahanda na ako para sa tanghalian at baka maboryo ka rito."
"Dito lang po muna ako sa bakuran. Balak ko po sanang mag-drawing." Ipinakita ko sa kanya ang dala kong sketchpad. Umawang ang labi ni Lola.
"Hanggang ngayon pala ay magaling ka pa ring gumuhit. Oh, siya, sige, papasok na ako sa loob. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka." aniya at iniwan na ako para hayaan na.
Nang maiwang mag-isa ay tinanaw ko ang lawak ng bakuran, iniisip kung saan magandang pumwesto. Nahagip ng tingin ko ang puno ng mangga na napapaligiran ng maliliit na damo. Tirik ang araw pero malilim sa ilalim nito dahil na rin sa mayabong na mga dahon. Napapikit ako nang dumampi sa akin ang malamig na simoy ng hangin.
Nakakaakit na umupo at humilig sa puno, kaya naman humakbang ako para magtungo doon. My hunch was right because I felt so comfortable as I lay there. Itinaas ko ang tuhod para roon ko maisandal ang sketchpad. I opened it and thought about what I'll draw today.
Hanggang dito ay amoy ko ang dagat at ang tunog ng pag-ragasa ng alon. It's tempting to draw the waves and the fine sand of the beach. Kaya naman nagsimula na akong gumuhit ng mga linya. Sinusunod ko iyon batay sa natatandaan kong hitsura ng dagat noong bumaba ako sa pampang.
Nakakapanibago na gumuhit gamit ang papel at lapis. Most of the time, I sketch in may Ipad. Pero iniwan ko iyon sa mansiyon. Maybe this is a good chance to practice drawing traditionally again. Sa tingin ko kasi ay mas mahahasa ako kapag ka ganitong sa papel. I want my skills to be refined without using any tool like zoom, lasso, undo and duplicate layers.
BINABASA MO ANG
Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETED
RomantikStatus: COMPLETED Kayeziel Harselia Brizuela is the daughter of two multi-billionaire business tycoons, an heiress to a top company and corporation, and a princess of the Brizuela clan. But... she doesn't want any of it. Being imprisoned by all her...
