Kabanata 10:
Laundry
I was humming a song in my mouth while opening the faucet. Kumunot lang ang noo ko nang makailang ulit na ikot ay walang lumalabas na tubig. Inukot ko iyon pakanan. Sinisigurado kong tama ba ang pagbubukas ko.
Sinubukan ko muli sa kaliwa at alam kong iyon ang direksiyon para mabuksan iyon. Kaso wala pa rin akong tubig na nahawakan.
I gasped, and bullets of sweat were starting to form on my forehead. Init na init na ako at gusto ko nang maligo. Hindi ko alam kung masama ba itong pangitain sa kagustuhan kong gawin. I puffed a loud breath and wiped my sweat with the towel on my shoulder.
Sinubukan ko rin ang gripo sa sink, pero wala talaga.
"God, this is not happening!" I exclaimed, a bit nervous. Wala bang tubig?!
I almost yelled in hopelessness when I heard the door creak open. I immediately walked outside the bathroom and saw Kairus standing with his clean white shirt and jersey shorts.
It's Sunday, so it's usual to see him wearing his pambahay. Halos mahiya pa ako sa kanya nang makita niyang ganito ako. Bagong gising at wala pang ligo.
Huminto ako ilang hakbang ang layo sa kanya para hindi niya ako maamoy.
"Walang tubig?" tanong ko na tunog nagrereklamo. Dumapo ang seryoso niyang tingin sa akin. He clicked his tongue inside his mouth before answering, and I almost gasped.
How can he even make that move in a sexy way this early morning!
Kaso, muntik ko nang makalimutang tanghali na pala ang alas-otso para sa kanila!
"Mabuti at napansin mo na." Hindi ko alam kung seryoso ba iyon o sarkastiko. Huminga lang ako nang malalim. Ayokong magalit dahil papangit lang ako lalo ngayong wala pa akong ligo.
"Bakit wala? Naputulan ba tayo?" I exclaimed, and I immediately stopped when I realized what I said.
"May inaayos na tubo sa hindi kalayuan. Kasama ang bahay sa pansamantalang mawawalan muna ng tubig." aniya. Suminghap ako.
"Walang tubig ng ilang oras kung ganoon?! Paano ako makakaligo?" Nanlumo ako sa narinig. He plastered a smirk on his lips. Nairita ako kaagad. Sa tingin niya ba ay nakakatuwa pa itong nangyayari sa akin?
"Mag-iigib ako." Napahinto ako sa pag-iisip ng paraan na puwedeng gawin nang makahinga ako nang maluwag sa narinig.
"Good idea! Kailangan mong simulan ngayon. I was itching to take a bath." sabi ko at halos yakapin siya sa sobrang tuwa, pero pinigilan ko ang sarili. That would be so awkward.
"Kumain ka muna ng almusal habang nag-iigib ako. Sa baba ka na lang muna maliligo." aniya at natigilan ako sa huli niyang pangungusap.
"Bakit hindi rito?" He heaved a sigh as if I asked him a ridiculous question. I bit my bottom lip.
"Nasa pangalawang palapag ka kung nakakalimutan mo, Kayeziel. Mas mahirap kung dadaan pa ako sa hagdan sa paglagay ng tubig. Mas madali sa baba."
Right. I was like an idiot for asking him that question. Tumango na lang ako.
"Okay, baba na tayo." saad ko. Sabay na kaming bumaba at nagkahiwalay lang nang huminto ako sa hapag para kumain at siya naman ay dumiretso sa likod ng bahay para kumuha ng balde sa pag-iigib.
Kaharap ko ang likod na pinto, kaya nakikita ko siya kapag papasok. Ilang minuto ay bumalik na siya buhat ang dalawang timba. I almost choked on my own food when I saw how his biceps flexed as he carried the two filled buckets.
Tinago ko na lang iyon sa pagtikhim at halos mapapikit ako nang medyo napalakas iyon, kaya napalingon sa akin si Kairus. My cheeks immediately heated.
"Ayos ka lang?" tanong niya at hindi agad ako nakasagot dahil uminom pa ng tubig. I nodded.
BINABASA MO ANG
Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETED
RomantikStatus: COMPLETED Kayeziel Harselia Brizuela is the daughter of two multi-billionaire business tycoons, an heiress to a top company and corporation, and a princess of the Brizuela clan. But... she doesn't want any of it. Being imprisoned by all her...
