Kabanata 38

22.3K 746 90
                                    

Kabanata 38:
Sea Shells

"Are you two hungry? Mag-uutos ako na maghanda ng pagkain." sabi ni Zildious at nang may dumaan kasamabahay ay tinawag niya ang pansin.

"Are you hungry?" baling sa akin ni Kairus.  Tumaas naman ang kilay sa kanya ni Zildious.

"Hindi naman masiyado at kakain rin tayo mamaya." marahan kong sinabi at tumango siya.

"Hindi daw siya gutom." sagot ni Kairus kay Zildious. Lumaki naman ang ngisi niya.

"Damn man. Okay, kahit meryenda na lang." tumingin ulit sa akin si Kairus na parang nagtatanong sa akin. Tumawa si Zildious at nag-init ang pisngo ko.

"Uh s-sige." nanginig ang labi ko at pabirong sinapak ni Zildious ang balikat niya.

"Too dependent on her huh. Wala ka bang sariling desisyon?"

"I want to ask her first." umikot ang mga mata ni Zildious.

"Too whipped." sumipol siya at napailing.

"Too sad that Kassidy will be here at six in the evening. Matagal pa kaya wala kang babaeng makakausap." sabi ni Zildious habang naglalakad sa living room ng mansyon. Sumunod kami sa kanya

"Narito naman ako kaya bakit kailangan niya pa ng kausap?" si Kairus at inakbayan ako ng makaupo kami sa couch. Halos masamid naman si Zildous sa sinabi niya nang sumimsim siya ng kape.

"Sinasabi ko lang. You know girls wants to hangout with a girl too. Sa ngayon ako muna ang makakausap niya. Dinala mo yan dito para makausap namin kaya wag mo namang ikulong lagi sayo." tumikhim si Zildious para mawala ang pagkakasamid niya at sumimsim ulit sa kape.

"Hindi ko siya kinukulong."

"Parang hindi mo papakawalan. Kaya nga hindi ko tinagalan ang hawak sa kamay kanina. Parang ibang paraan ang sasalubong mo sa akin." tumawa muli si Zildious at bumaling naman sa akin.

"Your cousin is too crazy over you. I bring him into a bar before but he's too persistent to reject those girls who's flirting with him. So I wonder what or who's the reason. Kaya pala umalis at nakipagpalit sa akin dito. May balak na gagawin sa Quezon." naiiling pero napapangisi si Zildious. Kairus look at me. Parang wala lang iyong pang-aasar sa kanya ng pinsan niya.

"Gaano ka kadalas sa bar?" tanong ko. Natigil sa pagtawa si Zildious at si Kairus naman ay tumaas ang kilay.

"Hindi madalas. Bilang ko lang sa kamay kung ilan."

"Pero iyong mga babae lagpas sa bilang ng kamay, hindi ba?" marahan kong tanong at may pagkaseryoso. Mabilis na nagtaas ng kamay si Zildious na parang sumusuko nang balingan siya ni Kairus. Kairus throw him daggers.

"Uh oh. I didn't mean to make her jealous. Maraming babaeng lumapit pero lahat tinanggihan niya lahat." pagpapaliwanag ni Zildious. Natatawa pa.

"I didn't let anyone, Kayeziel. That's the truth. Wala akong pinayagan, kasi paano ko iyon gagawin kung hindi ko sila makita at ikaw lang ang nasa isip ko?" Zildious cursed and he's chuckling when he hold his phone. My cheeks flushed.

"Sigurado ka?"

"Wala ako rito ngayon sa tabi mo kung hindi ako sigurado." aniya at dumagundong ang puso ko. Para akong biglang kiniliti sa tiyan dahil sa sinabi niya.

"I'm so certain, no one make me turn my head to them but you only. I'm inlove with you since the day you step in the sand of this island. My soul was caught off guard when I hold your hand. Pagtapak mo pa lang rito sa Isla, inangkin mo na agad ang buong pagkatao kong sayo." bulong niya at lalong ngumisi si Zildious.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon