Kabanata 21

17.5K 612 50
                                    

Kabanata 21:
Bleed

"You're kidding me." nanghihina kong sinabi at nag-init ang mga mata ng hikbi ang sinagot sa akin ni Ysabel. Sunod sunod siyang umiling sa akin sa marahas na paraan at suminghap muli ako.

"H-Hindi Kayeziel! I won't kid you about this serious matter! Do you think I can do that?" hirap na hirap niyang sinabi habang humihikbi at nadurog ang puso ko. Nanginginig na ako ngayon sa pagpigil sa pagsabog ng emosyon.

Sumisinghap ako at tumataas baba ang dibib dahil sa sobrang pagpigil na lumuha. Hindi, ayokong sumuko agad hangga't hindi ko pa nakokompirma ang lahat. Nanginginig niyang inabot sa akin ang phone at tumitig ako roon hindi alam kung tatanggapin ko ba at kung kakayanin ko kung ano ang malalaman roon.

My lips quiver as coldness embrace my whole body. I can feal the cold bullets of sweats in my forehead. Hindi ko magawang maniwala sa kanila kahit na bakas na bakas na hindi sila nagbibiro sa mga basag at bigo nilang ekspresyon ngayon. I heaved a sigh and with all my strength I get the phone from her hold.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata at hindi ko na makontrol pa ang lubos na pagkalabog ng puso ko sa halo halong emosyon. Takot, kaba, pag-alinlangan, at sakit. Nilakasan ko ang loob at bumungad sa akin ang isang article.

"A massive explosion was occurred in a hotel building where the board examinees were staying for their review, half of the examinees confirmed dead, and the remaining half is still trying to rescue by the professional authorities. May naitalang nakaligtas mula sa trahedya pero malubha ang natamong galos ng tumalon mula sa labing dalawang palapag para makaligtas. Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang pinagmulan ng pagsabog..." hindi ko na pinatapos basahin iyon dahil para akong dinudurog sa bawat salita.

I scrolled down and I gasped. My heart bleed so bad when I saw how worst the massive explosion when I saw the picture. Hindi ko kayang tagalan iyon kaya mabilis akong mag scrool kung saan nakalista ang lahat ng tao na nanatili sa hotel na iyon. Tumulo na ang mga luha ko at sobrang labo ng mata habang ini-iscroll ang mga pangalan.

Parang huminto ang mundo ko. Mabilis at marahas kong kinusot ang mga mata para kompirmahin kung hindi ba ako namamalikmata. My body froze and my heart stop beating when I saw Kairus name is including on the list.

Kainoa Treverous Verceluz

Sa lahat ng pagkakataon, ito ang pinakaayaw kong makita ang pangalan niya. Malakas akong humikbi at mabilis na umiling iling. Sinubukan ko pang tignan iyon ng paulit ulit at i-refresh ang page pero naroon pa rin ang pangalan niya. I also see Samuel's name on it and it was like I slap in the truth.

Nabitawan ko ang phone at agad na nanghina ang tuhod ko. Napaupo ako at umiyak. Ysabel cried too and Nestor tried to console me but his broken too. He knows that consoling me now is useless. Wala siyang nagawa kundi bigo at nasasaktan na panoorin akong umiyak. I cried hard as I broke down.

"Hindi yan totoo!" sigaw ko at napahilamos sa mukha. Hindi ko magawang paniwalaan ang nangyayari ngayon. Para akong aatakihin sa sobrang bigat ng nararamdaman ko sa dibdib. Sobra ang pagtulo ng luha ko. Hinatid ko lang siya noong nakaraan tapos ganito.

I cried so hard again. My sob is loud and I don't care who would hear me. My chest is like ripping apart in too much pain. Hindi ako makahinga.

"Kayeziel." tawag sa akin ni Tonyo na parang pinapakalma ako pero hindi ko magawa.

"Hindi! Hindi! This is not true! He's alive! They're alive!" tumaas ang boses ko. Hindi ko alam kung pinapaniwala ko lang ba ang sarili ko. Humikbi ako at nakisabay sila sa paghihinagpis ko.

"T-They're still investigating, we should not conclude yet. B-Baka hindi naman sila kasama roon sa..." Ysabel didn't finish her words because she suddenly sob and she clamp a hand over my mouth to suppress it.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon