Kabanata 20

29.4K 737 60
                                        

Kabanata 20:
Cry

"Mag-ingat ka, Tita." paalam ko kay Tita nang ihatid namin siya sa labas. Ilang oras lang simula nang dumating siya at aalis na. Gustuhin ko mang magtagal siya ay hindi puwede dahil nagmamatyag sa kanila ang mga magulang ko.

Pinagdududahan siya sa pagkawala ko. She doesn't want to risk being caught by being gone for a day. Malalaman agad ng mga magulang ko, kaya babalik na agad siya ngayon.

"Ikaw ang dapat na mag-ingat, Kayeziel. Don't worry about me. I'll be fine." paninigurado niya sa akin. Bukas na ang pinto ng SUV. Her driver and bodyguard were already waiting for her.

Bumaling siya kina Kairus at Lola na nasa tabi ko.

"Salamat sa pag-aalaga sa pamangkin ko, Wendy. Malaki ang utang na loob ko sa inyo. Tatanawin ko ito hanggang sa huli kong hininga." Unang bumaling si Tita kay Lola na agad na umiling.

"Walang anuman. Masaya kami na narito si Kayeziel. Hindi mo dapat tanawin na utang na loob ito dahil maluwag ang kalooban namin na tanggapin at alagaan siya." ani Lola. Ngumiti si Tita at sunod na bumaling kay Kairus.

Kumislot ang labi ni Tita nang mapansin ang hawak nito sa bewang ko.

"Kaya pala ako nakayanang tanggihan ni Kayeziel, kung ganito kagwapo ang kapalit." ani Tita. Mabilis na nag-init ang pisngi ko. Kairus smirked at that and glanced at me.

"I'm kidding, hijo. I hope you take care of her. This is the first time I saw her this happy, and I want to see it every time I visit her here." bilin ni Tita sa kaniya.

"You don't need to worry. Aalagaan ko po siya rito. Though I can only provide a little for her here, I assure you I'll work more." sagot ni Kairus. Nagkatinginan sina Lola at Tita. Nagtaas ng kilay si Lola na para bang pinagmamalaki ang apo.

"Though you need to be patient because she was born on a golden spoon. Mapapagastos ka sa kaniya." ani Tita na tila nanghahamon.

"I will wholeheartedly give her all my money. Hindi problema ang pagtatrabaho sa akin para mabigyan siya ng kaparehong buhay na natamasa niya noon." sagot ni Kairus. Bumaba ang kamay niya sa mga daliri ko. Ngumisi ang dalawang matanda na para bang nagdiriwang sa sagot niya.

Lumapit sa akin si Tita para bumulong

"Oh... I would choose him over a plane ticket too." Nag-init ang pisngi ko at humalakhak siya.

Kalaunan ay tuluyan nang nagpaalam sa amin si Tita. Gumapang ang lungkot sa akin nang tuluyang mawala ang sasakyan. Hindi ko alam kung kailan ko siya masisilayan muli. Kapag ka maayos na ang lahat ay sisiguraduhin kong babawi ako sa kaniya

Sabay-sabay kaming pumasok na tatlo sa bahay. Dumiretso si Lola sa kusina para samahan na si Andeng. Habang kami ni Kairus sa kuwarto niya. Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang maalala na hindi lamang si Tita ang aalis.

Pati na rin siya.

I look at the duffel bag on the floor. I continue folding some of his clothes. He remained standing near the door as if it's hard for him to help me pack his things.

Nagkasundo na kami rito at hindi na niya puwedeng bawiin iyon.

He heaved a sigh again as he closed the door behind him. Nakaupo ako sa kama kung nasaan ang mga damit niya. He placed his chin on my left shoulder as he pulled me between his thighs. I puffed a loud breath as I felt his hot breath on the side of my ears.

"Kairus..." suway ko. Hindi puwedeng maabala ang ginagawa ko ngayon. It's really a bad idea doing this in the bed. Kaso wala rin namang pinagkaiba kung sa kuwarto ko namin gawin 'to.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon