Kabanata 13

22.9K 841 117
                                    

Kabanata 13:
Sweet

"Wow! Nagluluto kayong dalawa?" agad na bungad ni Nestor nang makapasok kasabay si Kairus. I look at the white rolled paper he's holding and a folder on the other hand.

Gusto kong samaan ng tingin si Nestor sa tanong niya pero agad kong pinigilan ang sarili ng makitang tumunghay sa akin ang tingin ni Kairus. I just bit my bottom lip and stared at the awful milkfish that I can't clean properly.

"Ilalagay ko lang ito sa loob ng kuwarto ko." aniya at tumango lang ako para hayaan siya. Nagtagal ang tingin niya sa akin bago tuluyang umakyat sa hagdan para magtungo sa taas. Uminit ang pisngi ko nang rumehistro sa isip ko ang mainit na tagpo kanina.

Ang alam ko ay tuturuan niya akong magluto pero iba yata ang natutunan ko. I slap my cheeks a bit to stop that naughty thought! Ang harot harot Kayeziel!

"Nag-aaral kang magluto?" sabi ni Nestor nang makalapit sa akin at pinagpatuloy ko ang pagtanggal ng kaliskis roon sa isda. Hindi ko siya nilingon dahil baka mamaya ay sa ibang direksiyon mapunta ang talim ng kutsilyo at magulat na lang ako nasa leeg niya na pala.

"Oo, tinuturuan ako ni Kairus. Malalaman ko na sana kung paano kaso..." dumating ka.

Gusto kong idugtong pero hindi ko ginawa. Hindi ko naman siya dapat sisihin sa mangyayari. I'm so immature to blame him to interrupt us. Kapag ba hindi dumating si Nestor ay ano ang mangyayari Kayeziel huh?!

Syempre ay hihinto rin naman kami kapag parehas nang nakontento.

Pero paano kung hindi nakontento?

Mabilis ko muling iniling ang ulo para tigilan na ang malalim na pag-iisip. Kumunot ang noo ni Nestor ng bumaling sa akin.

"May problema ba?"

"Wala. Tatapusin ko na lang 'to." bakit hindi na lang siya mahimik kong ayaw niyang siya ang tapusin ko.

Napanguso na lang ako at muling nagliwanag ang mood ko nang marinig na ang mga yapak ni Kairus pabalik.

"Tinuturuan mo pala itong si Kayeziel, Kairus." sabi ni Nestor nang tumabi na sa akin si Karius. Tinignan niya ang isda na nasa harap ko at kumibot ang labi. Napanguso naman ako lalo dahil hindi pa maayos ang pagkakatanggal ko sa kaliskis.

"Susubukan ko ulit." sabi ko at pinilit na ayusin na matanggal ang lahat. Si Kairus ay tahimik lang na nanood sa akin habang pinagpapatuloy rin ang ginagawa niya. Si Nestor naman ay puro daldal.

"Ayan na tapos na!" masaya kong sinabi.

"Hindi mo pa natatanggal ang hasang at palikpik, Kayeziel." agad na nabura ang ngiti ko sa sinabi ni Nestor. Mag-ingat siya at badtrip na ako sa kanya. Baka itapon ko na talaga sa kanya ang kutsilyo.

"Ayos na iyan. Ako na ang magtatanggal nang laman na loob." agad naman akong nagprotesta sa sinabi niya.

"Kaya ko rin iyan! Turuan mo ako!" I demand. His brow arched. Pinakita niya sa akin kung paano tanggalin iyon gamit ang sarili niyang daliri at napangiwi ako. Parang hindi ko kaya.

"See? You can't do it." I don't know of that's a tease to pissed me off or he said a fact.

Sinubukan kong kuhanin ang isda at binuksan ang tenga noon para tanggalin iyong mga hasang at iba pa. Isang hawak ko pa lang roon napangiwi ako pero nagawa kong matanggal. Napasinghap ako ng makahila ng maliit na parte. Tumawa si Nestor.

Kairus lips twitched like suppressing something. My cheeks burned. Nang ginawa iyon ni Kairus ay isang hila lang at natanggal ang lahat. Sobrang dali niya lang ginawa iyon pero sa akin hirap pa ako at ganito kaliit ang nakuha.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon