Kabanata 14

22.7K 768 16
                                    

Kabanata 14:
Trickery

My mouth immediately parted when my eyes landed on the breath taking view of the hidden island a few minutes away from Isla Vagues. The blue-green water makes my eyes twinkle on delight.

"Oh my god! I never knew an island so beautiful like this exist! Its feels magicals and looks so enchanted!" I gasped in disbelief. I closed my eyes to feel the gentle breeze of wind that pass through us.

"Still your beauty won't defeat by this island." I rolled my eyes on what he said but I'm in the edge of giggling. Pinigilan ko na lang dahil siguradong ako naman ang aasarin. Sa isip ko na lang ginawa.

"Nakakapagtaka naman na walang taong nakarita rito kung ganito kaganda."

"Ito iyong pinakamalayong isla sa kabihasnan at maliit ito. Iyong malaking bahagi pa puro puno kaya walang lugar para tayuan ng bahay. Mas pinipili talaga ng tao kung saan mas komportable kahit maganda."

"And they found that peace and comfort in Isla Vagues." he nodded on what I said. Natamaan ako ng kaunti sa huling pangungusap na sinabi niya. Kahit maganda kung hindi mo maramdaman ang kapayaan ay aalis ka talaga. I had been in a fortune life in endless luxury and money but still I choose to escape because that place feels suffocating. I feel caged that I can't see the light of the world clearly.

Doon ako pinanganak at nagkaisip pero pakiramdam ko hindi tahanan iyon. Sa buong panahon ng pananatili ko roon wala akong naramdaman kundi ang kagustuhang umalis, tumakas at hanapin ang totoo kong tahanan. Hindi ko maintindihan noong una.

Nandoon naman ang mga magulang ko na siyang mga tao na pupunan ang pakiramdam ng isang tunay na tahanan pero hindi ko iyon mahanap sa kanila. Hindi ko inaasahan na ang tahanan ko pala ay nasa puso ng isang lalaki na ilang hakbang ang layo sa akin. I never expect I will feel home in the man who lives in the island that has a brown colored sand, bluish water, alive and green leaves in the coconut trees and under a scorching heat of the sun.

Napatulala ako kay Kairus at nagising lang ng marahan niyang sundutin ang tungki ng ilong ko.

"Are you hungry? Ilalagay ko lang ang mga ito sa bahay." aniya at hinawakan ang palapulsuhan ko para igaya na ako sa sinasabi niya. Hindi kalayuan sa dalampasigan at katabi lang ng ibang mga puno ay nakita ko ang isang bahay na gawa ang lahat sa kahoy. Habang ang bubong ay pinaghalong kahoy at dahon ng niyog.

Maliit iyon at katamtaman lamang ang haba na sapat lang. May nakita rin akong ibang bungalow hindi kalayuan na katulad rin ang laki at sukat sa pupuntahan namin ngayon.

Mukhang ito ang sinasabi ni Kairus na ginawa at binuong pansamantalang silungan ng mga mangingisda kapag hindi na kayang makabalik sa Isla Vagues kapag hindi na kayang bumiyahe sa sama ng panahon.

"Sigurado kang ayos lang na gamitin natin iyan?"

"Akin ang isang 'to." namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Sayo 'to? Ikaw ang gumawa?"

"Kaming dalawa ni Papa ang gumawa." natigilan ako sa sinagot niya.

"Kung ganoon nanatili ka rin rito kapag nangingisda siya?"

"Noong bata ako sumasama ako sa kanya. Minsan rito kami nagpapalipas ng gabi kapag naabutan ng sama ng panahon. Pero noong wala na siya ako na lang mag-isa." natahimik ako sa sinabi niya. Hindi masiyadong malinaw sa akin ang parte na iyon ng buhay niya.

Ayoko rin naman alamin dahil pribado iyon at wala akong karapatang alamin. Naguguilty na nga ako na nagtanong ako kay Ysabel tungkol roon. Pero pagkatapos ng lahat ng narinig na sagot mula kay Ysabel, parang hindi iyon naging sapat para maintindihan kung ano ang talaga ang kuwento. Marami pang parte na hindi pa ako nalilinawagan at ayoko nang alamin pa.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon