Kabanata 3

24.1K 951 143
                                    

Kabanata 3:
Breakfast

Ang pagsilaw sa mainit na sikat ng araw ang nagpagising sa akin. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata at agad kong tinakpan ng palad ang mukha. Halos mabulag sa nakakasilaw na liwanag. Agad kong nahaplos ang noo ko na puno na ng pawis ngayon.

Sapat naman iyong hangin na dala ng electric fan but I think my body is still adjusting to a sudden change. Kinusot ko pa muna ang mga mata at dahan dahan na umupo sa saktong kama para sa akin. I'm just wearing a satin night dress. Nagulo ang buhok ko ng kaunti at isang hikab ang lumabas sa bibig ko bago napagdesisyonang tumayo na para mag-ayos.

Alas otso na ng umaga at sobrang tirik na ng araw sa labas, pakiramdam ko tuloy sobrang tanghali na ng gising ko. Naririnig ko pa rito ang nga huni ng ibon, mga mahinang boses ng tao sa baba, malakas na alon, at ilang tunog pa ng hayop sa labas.

Mga gising na gising na ganoong oras ng umaga. Buhay na buhay agad at ako ay ito namumungay at nanlalabo pa ang mata sa kagigising lang.

Wala naman nakaatang na oras ng gising. Noong nasa mansiyon pa ako at kapag walang pasok lang ako nagigising ng alas otso. Wala naman kasi akong gagawin at kung may mga lakad lang ay sinasadya kong kumilos ng maaga.

Kaso nakakahiya kila Lola kung tanghali na akong gigising, para naman akong senyora kung ganoon. Hindi dapat ako umakto ng ganoon rito lalo na at biglang sumagi sa isip ko iyong boses ni Kairus sa sinabi niya kagabi.

Biglang nawala ang maganda kong gising sa umaga. Agad na napasimangot at nakaramdam ng iritasyon ng maalala ang pag-uusap namin. Siguradong kapag lagi akong late na magising ay sasabihan na naman ako noon na hindi dapat ako umakto kung ano ang nakasanayan ko na iba rito.

Alam ko naman 'yon tsaka hindi pa naman tanghali ang alas otso ah. Maaga pa nga ito. Pero bakit parang nangangamba ako sa sariling iniisip. Lalo na at nakikita kong abala na ang bawat tao miski hayop sa labas.

Pinagkibit balikat ko na lang iyon at kumuha na ng tuwalya para pumasok sa banyo at makaligo. Hindi pa rin talaga nasasanay ang sarili ko sa pagbabago na ito. Tumingala pa ako habang may kinakapa sa pader para sana sa shower kaso naalala ko kung nasaan nga ba talaga ako.

Parang nainsulto ko iyong sarili ko lalo na at narinig ko na naman iyong boses ni Kairus.

"Don't nag that you can't shower properly after."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at huminga na lang ng malalim. Winawala ang nakakairitang tinig. Ginamit ko na ang tabo at dahil hindi pa ako sanay sa paggamit noon sa pagligo ay natagalan ako. Pakiramdam ko nga mas dumoble ang oras ko sa pagligo.

Pagkatapos maligo ay nagbihis at nag-ayos na ako agad. Gulat pa ng makita ang oras na sinasabing, alas nuwebe trenta na. Ganoon ba talaga ako katagal naligo? Di bale, kung isipin man nila na tanghali na akong magising siguradong mapapawi iyon kung nakitang nakaayos na ako.

Siguradong iisipin lang nila na kanina pa ako gising at matagal lang talaga nag-ayos. Huling tingin sa salamin at lalabas na sana ako sa kwarto at pipihitin na ang pinto ng makarinig ako ng katok.

"Ate Kayeziel?" narinig ko ang maliit na boses ni Andeng at dahan dahan kong binuksan ang pinto. Gulat pa siya nang makita ako.

"Good morning." bati ko at agad na umawang ang labi niya ng dumapo ang tingin sa akin. Sa huli ay ngumisi rin.

"Wow! Ang ganda niyo Ate. Kanina ka pa pala gising?"

"Ah oo, pasensiya na natagalan ako. Hinahanap niyo na ba ako?"

"Hindi naman, sabi ni Lola hayaan ka muna daw dahil siguradong pagod ka sa biyahe kahapon. Si Kuya ang nagpaakyat sa akin, dahil nakabalik na siya galing sa trabaho." nagulat ako sa huling pangungusap na sinabi niya. Lumabas ako ng pinto at sinara ang kwarto.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon