Kabanata 9

31.3K 1K 224
                                        

Kabanata 9:
Conversation

"Bitawan mo nga ako. May trabaho pa ako!" Tumaas ang tinig ko at sinubukang itulak siya. Akala ko ay papakawalan na niya ako, pero nanatili pa rin ang hawak niya, pati na rin ang nanunukat na tingin sa akin.

Ramdam na ramdam ko na ang init ng palad niya sa akin. Mas lalo akong nairita sa ginawa niya, pero kabaliktaran naman ng puso ko na todo-todo ang pagtibok

"Bakit ka nagbubuhat? Iyan ba ang trabaho mo? Ang gumawa ng mabibigat na bagay?" ismid niya at sinulyapan si Ricky na halos mawalan na ng kulay ang mukha. Mas lalo lamang nag-init ang ulo ko.

Talagang binunton niya pa ang galit sa ibang tao? Ibang klase rin talaga siya!

Ano bang pakialam niya kung ito nga ang ginagawa ko? Hindi naman siya ang mapapagod kundi ako!

"Pakialam mo? Ikaw ba ang pagpapawisan?" singhal ko at muling binawi ang kamay. Hindi ako nagpatinang sa matalim niyang tingin sa akin. Napalunok si Ricky habang nakikinig sa pagtatalo naming dalawa.

"Kapag nagkasakit ka? Sa tingin mo, matatahimik ako at makakapagtrabaho nang maayos?" aniya. Kumunot ang noo ko. Hindi siya maintindihan.

"Ano naman sa'yo kung magkasakit ako? Bakit ka naman hindi makakapagtrabaho nang maayos? Am I the one who's moving your arm and feet?" I said sarcastically. His eyes narrowed, and he massaged his temple like I'm giving him too much stress. I scoffed.

"Hindi ako makakapag-isip nang tama kapag nagkasakit ka. Sinadya mo ba talagang kumuha ng trabaho? Para pabaliwin lalo ako sa pag-aalala." My mouth parted in an exaggerated gasp.

Nawala lahat sa isip ko ang bundok ng mga salita na dapat ay sasabihin sa kanya.

May kung anong lumundag sa loob ng tiyan ko.

Bakit lahat na lang ng nasa loob ko ay may reaksiyon pagdating sa kanya? Parang wala na akong sariling kontrol sa sistema ko. I can't even stop my loud beating heart like it was already surrendered to him a long time ago.

His gaze drifted down my hand.

"Hindi bagay na magbuhat ang mga kamay na ito. Kahit gasgas o kaunting bahid ng dumi ay hindi maaaring lumapat. Ang daliri na iyan ay sa palad ko lamang hahawak." My pounding heart changed pace in an instant.

What the hell?

"A-Anong sinasabi mo?" agap ko para maitago ang pag-iinit ng pisngi. Umismid ako para walain ang panginginig ng labi.

"Kairus!" I heard someone call him, but he didn't even budge. His eyes remained on me. Napatingin ako sa tumawag at nakita ang babaeng kaninang kausap niya. Naglaho lahat ng nararamdaman kong kiliti at napalitan ng pagsiklab ng iritasyon.

Nagtiim bagang ako at malakas na binawi ang kamay ko sa kanya, pero hindi siya nagpatalo.

"Kairus! Bakit mo naman ako iniwan nang mag-isa?" I wanted to scoff at the woman's voice, but I immediately stopped myself and composed my straight face.

Bakit ba ako nagpapaapekto sa isang lamang-dagat na ito?

Agad na dumapo ang tingin ng babae sa kamay ni Kairus na nakahawak sa palapulsuhan ko. My lips twitched when I saw how her smile faded, and the twinkling of her eyes vanished.

"M-May kailangan pa tayong gawin." Hindi siya pinansin ni Kairus. Hindi man lang gumalaw ang leeg niya nang kaunti para lingunin ang babae. Halos matunaw na ako sa sobrang titig niya sa akin.

Kita ko ang pagbabago ng mukha niya na para bang napahiya sa hindi pagpansin sa kanya ni Kairus. She turned at me, and my eyes couldn't escape how her eyes almost rolled.

Running Through The Waves (Isla Vagues Series #1) - COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon