Chapter 3 ♥♥ A Day with Him

642 13 1
                                    

MEI's POV

"ANOOOO??? ARRANGED MARRIAGE??" halos mabingi ako sa sigaw ni yvonne. Naikwento ko kasi sa kanila ang tungkol sa arranged marriage ko. although wala akong balak makita kung sino man ang poncio pilato na yun, ayoko sa kanya. That's it.

"aish!!! Jewel yvonne boses pakihinaan. Kulang nalang megaphone at rinig ka na ng buong campus." Sarcastic ang tone ni JG. Ang totoo niyan wala akong tulog dahil sa sinabi ni papa kagabi. I don't want to marry a stranger. Iniwasan ko rin si yeye kanina sa breakfast. Knowing him, kukulitin lang niya ako ng kukulitin about dun sa lalaking nirereto niya sa akin.

"diyan na kayo, i have to go may klase pa ako." Tumayo na ako sa kinauupuan ko. i need time alone. Ayokong makarinig ng kahit na sino, naguguluhan ako. Gulong gulo ako...

"nag-iisa ka? Loner? Walang friends? Kawawa ka naman." Peste!! Sino ba tong maingay na ito? Kakasabi ko palang na gusto ko mapag-isa may mambubulabog.

"paki mo ba? At isa pa bakit nandito ka sa classroom ko? puro nalang kamasalasan ang dumating sa buhay ko simula ng makilala kita." Binulong ko nalang ang last sentence. Ayoko iparating sa kanya, nakakainis talaga!!

"classroom mo? Bakit may pangalan mo na ba ito? Tsaka ano ang binubulong bulong mo diyan? Mamaya kinukulam mo na pala ako ha." Sinamaan ko siya ng tingin. Sa ganda kong to, mangkukulam ako? Hello??!! At ang kapal pa ng mukha. Humila pa ng upuan at tumabi sa akin. He even put his face on his palms at humarap sa akin.

"tell me, ano problema mo mangkukulam?" hala!! Close kami?? Bakit ako mag-oopen sa kanya? Kapal ha, feeling close. Nakita niya siguro ang pagkailang ko sa pagiging FC niya kaya bumuntong hininga siya at tumayo. Akala ko aalis na siya pero mali pala ako.

"hi, alam ko hindi masyadong maganda ang first meeting natin kahapon. By the way im kurt benedict Salcedo. A seventeen year old transferee and a BS Psychology student." He offered his hands to me. At dahil sa masyadong attention seeker itong lalaking ito, nakuha niya ang atensyon ng kaninang maingay na classroom.

Nagtilian ang mga babae sa loob ng room. Ang sweet sweet daw kasi ni kurt and the like. I just rolled my eyes at tumungo sa desk ko.

"mei, wag mo naman ipahiya si kurt."

"oo nga mei, ang gwapo gwapo niyan eh."

"mei, nangawit na si kurt"

"mei iiyak na si kurt."

Linsyak!! DI BA PWEDENG MAG-ISIP AKO NG TAHIMIK?!

"fine!! Manahimik lang kayo. Hi kurt, im Mei Lien Wang. BS Biology Student seventeen years old." Kinuha ko ang kamay niya at nakipagshakehands. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing nagkakaroon kaming dalawa ng body contact. Inalis ko nalang yun sa isip ko at napatingin ako sa smile niya. it's not an ordinary smile but a smile that could melt your heart away.

"ahhh!! So meyen pala name mo." ANO DAW NAME KO?! MEYEN??!! WHERE THE EFF DID IT CAME FROM?!

"meyen?! For your info..."

"GOOD MORNING CLASS" hindi ko na naituloy ang litanya ko sa kanya dahil sa biglang pagpasok ng prof namin. Zoology ang subject namin ngayon at dahil sa taranta, napaupo siya sa upuan sa tabi ko.

Wala akong planong makinig sa professor ko. kaya nagdoodle nalang ako sa likod ng notebook ko. bakit ba kasi ganun si yeye, bakit hindi nalang niya ako hayaang pumili kung sino ang gusto ko? natatakot tuloy ako dun sa irereto niya. mamaya pangit yun or kung gwapo naman, baka masama ang ugali. Or baka matanda na. Aish naguguluhan na talaga ako!!!

Mukha kang baliw meyen.

Napatingin ako sa katabi ko. he passed a paper to me at iyon ang nakalagay. Bakit ba meyen siya ng meyen? Pwede namang mei nalang ang itawag? Para siyang batang bulol kainis.

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon