Chapter 29 ♥♥ Regret

122 1 0
                                    

PATRICK's POV

"Mr. Wang, im sorry we are late." napatigil ako sa pakikipag-usap kay Mei hindi para tignan ang dumating kundi dahil sa sobrang pamilyar ng boses nila.

 "Masyado pa kayong bata. Please hiwalayan mo na ang anak namin. Para rin ito sa ikabubuti niyo."

naalala ko na naman ang araw na iyon. Yung araw kung saan pilit nila akong hiniwalay kay Mica. Hindi pa siguro nila ako napapansin dahil busy pa sila sa pakikipag-usap sa yeye at nainai ni Mei.

"and this is my granddaughter's fiance, Patrick Chin." sa wakas napatingin narin sila sa akin. Nawala ang mga ngiti sa labi nila dahil dito.

"Good Evening Mr. and Mrs. Tan. It's been a long time. Kamusta na po kayo?" Hindi nila ako pinansin at tinuon muli ang pakikipag-usap kay Mr. Wang. Ang sakit, hindi dahil dineadma nila ako kundi malalaman ko na si ella pala ang fiance ni Kurt. Magiging Wang na ang last name niya at hindi chin. Alam ko naman ang dahilan kung bakit nila kami pinaghiwalay eh. Hindi kasi kami singyaman ng mga Wang noon. Di katulad nila mayaman na talaga ang pamilya samantalang ako kailangang igapang ng mga magulang ko ang nalulugi na naming negosyo.

"ok ka lang?" naramdaman kong hinawakan ni Mei ang kamay ko at tumango lang ako sa kanya. I do look ok outside but i am already crying inside. Makikita ko na naman si Ella. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mahila ko siya paalis dito.

"nasaan na ba si Micaela? kahit kelan talaga ang batang yun." Mica. Kelan ba kita makukuha ulit?

"akala ko mahal mo ako? hindi pala. Bakit mo ako pinaasa Patrick? s-sabi mo... sabi mo hindi mo ako iiwan." ang sakit para sa akin na makita siyang umiiyak dahil sa akin. Ang laki kong gago nagagawa kong paiyakin ang nag-iisang babae na mamahalin ko ng ganito

 

"im sorry mica, pero hindi kita mahal. Hindi mo ba maintindihan, pinaglaruan lang kita tulad nila." shit!!! hindi ko magagawa yun. Masyado kitang mahal para paglaruan.

*PAK* ramdam ko ang sakit dahil sa sampal niya pero mas masakit ang nararamdaman ko sa loob.

 

"You'll regret this. Pag nagkita ulit tayo, hinding hindi na ako babalik pa sayo." gusto ko siyang habulin, yakapin halikan but it's too late. tama siya pagsisihan kong pinakawalan ko siya.

 

"patrick...."

ang laki kong gago. sana hindi ko nalang sinunod mga magulang mo sana kasama pa kita ngayon. sana tayo ang masaya. sana tayo ang magpapakasal.

"pat..." *poke* *poke*

miss na miss na kita. sana wag ka nalang pumunta dito para hindi mo na papakasalan si kurt. tapos liligawan kita tapos-

"ehem..." napatingin ako sa taong nasa harap ko. naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. BAKLA NA KUNG BAKLA eh sa hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang nararamdaman ko eh. Para akong matutunaw at nagiging estatwa.

"nice to see you again patrick." she gave me her smile at kinuha ko ang kamay niya na kanina pa pala nag-aabang na kunin ko. I kissed it at nagulat siya at lahat ng tao sa table.

"nice to see you too, mica." inismiran niya ako at naupo sa tabi ni Kurt. ang layo naming dalawa pero kitang kita ko parin ang mga ginagawa niya. Nagseselos ako. Gusto kong sapakin si Kurt pero wala akong karapatan.

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon