Chapter 14 ♥♥ My Family

195 3 0
                                    

MEI's POV

Magmamadaling araw na nung nakauwi kaming lima. Nakakapagod pero ang saya saya. Pakiramdam ko nga, nasa star city parin kami kahit na nakaangkas na ako sa motor.

"huy! ML, wag ka matutulog baka malaglag ka ha." Ginalaw galaw pa niya ang balikat niya para magising ako. I placed my chin on his shoulder para malaman niyang gising ako.

"gising pa ako. Thank you KB. I love you so much." Bahagya siyang tumingin sa akin at nakita ko siyang ngumiti. Nakita ko sa side mirror ang pagngiti niya. i want to see that smile everyday. Niyakap ko siya ng mahigpit at huminto ang motor dahil sa stoplight. I feel his hands on mine and he filled the spaces inbetween.

"mei, tandaan mo itong sasabihin ko. kahit na anong mangyari, mahal kita at walang magbabago doon. everything will change but not my feelings." Hindi ko man maintindihan ang gusto niyang sabihin pero, tumango ako sa kanya.

Umandar ulit ang motor atnung papaliko na kami sa kanto, bigla siyang nagpreno kaya napatingin ako sa unahan. I gasped in horror.

"Mei." Unti unti akong bumaba sa motor at inabot ang helmet kay kurt. Unti unti din akong humakbang papunta kay yeye.

"Mei, Jinqu (get inside)" unti unti akong humakbang papasok sa kotse. Pinagbuksan ako ng pinto ng isa sa bodyguards ni yeye at tinapunan ko muna sila ng tingin. Nakita kong nagkukuyom ng kamao si yeye and i can say na galit talaga siya.

Nakita kong hinubad ni kurt ang helmet niya at nagbow kay yeye.

"Liánghǎo de bàngwǎn xiānshēng (good evening sir.)” tinignan niya ako kaya nagsmile ako sa kanya bago pumasok sa loob ng kotse. Tanaw kong nag-uusap sila at maya-maya ay umalis na rin si kurt at sumakay na si yeye sa kotse.

“Wǒ bùxiǎng zài kàn dào nǐ kàojìn tā (i don't want to see you near him again)" tumango nalang ako at sa sobrang pagod ay nakatulog na ako.

Nagising nalang ako na nasa kwarto na pala ako. Umaga na. Kita kong pumapasok na ang sinag ng araw sa malaking bintana. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pumasok si mama, dala ang breakfast ko.

"Zǎoshang hǎo, māmā (good morning, mama)” nakita ko ang malapad na ngiti sa mga labi niya. i know there is something with those smiles.

“good morning. Sabi sa akin ng yeye mo, he saw you with other guy at hindi si patrick yun." She told me while placingthe tray on my side table.

"m-ma..." i can't find any words to defend myself. Pakiramdam ko lumulubog ako sa kama ko kasabay ng pamumula ng pisngi ko.

"boyfriend mo ba siya?" napatango nalang ako sa tanong ni mama. Hinihintay kong magalit siya sa akin or di kaya pagsabihan niya ako pero hindi yun ang narinig ko mula sa kanya.

"then, maybe we should meet him. Nasabi ko na ito sa papa mo. Sige na i want to meet the boy who captured the heart of my daughter." Kung kanina, gusto kong mawala na parang bula, ngayon gusto ko nang magtatatalon sa saya. So ibig bang sabihin nito ay hindi na tutol sila lalaking gusto ko? pero, paano ang arrange marriage namin ni patrick?

"so, p-payag na kayo? Paano ang arrange marriage namin ni patrick? At isa pa paano si yeye? Magagalit siya." Niyakap ako ni mama ng sobrang higpit.

"you are our daughter mei. You are more important than anything else in this world. We want everything that makes you happy and nothing else. Kung sa kanya ka sasaya, wala nang magagaya ang yeye mo." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa sinabi ni mama. Im very lucky to have them as my parents.

***

"mei, nasabi sa amin ni kurt ang nangyari sa inyo kagabi? Ok ka lang ba? Nagkita na ba kayo ni kurt? Anong sabi ni lolo mo?" sunod sunod ang tanong ni yvonne sa akin. Nasa mall kami ngayon dahil niyaya ko siyang lumabas. Gusto kong magpaayos dahil makikilala na nila mama at papa si kurt.

"hindi pa kami nagkikita. Actually, magkikita kami ngayon, together with mama at papa. Yung tungkol naman kay yeye, bahala na daw sila mama dun pati na ang tungkol sa marriage namin ni patrick." Yvonne almost gasped in excitement. Natatawa ako sa reaction niya at halos hindi makapagsalita.

"hey, speak up yvonne. Hahahaha. Tara na magpaparlor tayo pati narin magpaspa."

After naming magpaayos, pinasunod ko si kurt sa mall. Agad niya akong niyakap pagkakita niya sa akin.

"ok ka lang ba? Anong sabi niya sayo? Sinaktan ka ba? Please tell me." I held his face at nginitian siya. I kissed him on his lips at sana nagets na niya ang sagot.

Pumunta na kami sa restaurant at nakita ko si mama at papa kasama si nainai na nakaup sa di kalayuan. I saw them smile when they saw us. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. napatingin tuloy ako sa kanya at parang namutla pa siya.

"m-mei, a-anong meron?" gusto kong tumawa ng malakas nung narinig kong nauutal siya sa pagsasalita. Huminto kami sa tapat ng table ng mga magulang ko at parang biglang pinagpawisan si kurt.

"ma, pa. This is kurt my boyfriend." Napabitaw si kurt sa kamay ko at parang hindi alam kung ano ang gagawin niya.

"g-good e-evening p-po." Nagbow siya sa kanilang tatlo at nagnod naman sila. I can feel that he is welcome in their arms.

***

We took our dinner at sobrang saya dahil comfortable si kurt sa mga parents ko. sa totoo lang, ako ang naging hotseat nila eh.

"iho, sana hindi ko makikitang umiyak ang anak ko dahil sayo." Papa said while taking our dessert. Ngumiti si kurt at tumingin sa akin.

"aalagaan ko po siya tulad ng pag-aalaga niyo sa kanya." He held my hands at tumingin ako sa kanya. I saw them smiling at us. Para ngang naiiyak pa si mama at nai nai sa nakikita nila eh.

After our dinner, my parents left. Kurt promised to them na ihahatid ako sa bahay. We walked by the nearby bay under the guidance of the stars. We are holding each other's hands at minsan ay nilalaro pa niya ang mga daliri ko. bakit ganun, parang hindi mawala ang kuryente sa tuwing hinahawaan niya ang kamay ko? kung hindi ko lang mapigil ang emosyon na ito, malamang kanina pa ako nagtatatalon sa sobrang saya.

"mei." We stopped from walking at napatingin ako sa kanya. Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Nakayuko siya habang nilalaro ang mga daliri ko. unti unti siyang tumingin sa akin at sumilay ang ngiti sa mga labi niya. a smile that take my heart away. Parang biglang natunaw ang puso ko sa mga ngiti niya.

"niloko mo ako." I got curious dahil sa sinabi niya. kinurot na naman niya ang pisngi ko at niyakap ng mahigpit.

"niloko mo ako, kasi akala ko hihiwalayan mo na ako. Thank you. Thank you for fighting for me." Unti unti siyang kumalas sa pagkakayakap at nilapit ang noo niya sa noo ko.

 "i love you mei. Till my last breath." I grabbed his nape and kissed him fully. Sana forever na ang ganito. I promised under the thousand stars, that i would love this guy forever.

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon