Chapter 37 ♥♥ Side Story (Patrick and Mica Part 2)

133 1 0
                                    

PATRICK's POV

"Patrick?! anong ginagawa mo dito?! a-at.... " SHIT!!! nakita ba niya ang singsing?!

PUTCHA!!! para akong naging yelo sa kinatatayuan ko. daig ko pa ang nakakita ng multo. tinakasan pa ata ako ng dugo sa katawan.

"AT ANONG GINAWA MO SA KUSINA KO?! IT'S SUCH A MESS!! LINISIN MO YAN!! AISH!!!"

*BOOM*

Narinig ko nalang ang pagbagsak ng pintuan niya sa itaas. Medyo nakahinga ako ng maluwag doon ah. atleast diba hindi niya nakita ang surprise ko. Ngayon, maglilinis nalang muna ako bago ko iakyat ang pagkain sa kanya.

after 5 minutes...

Hayyy salamat!! nakatapos din ako. Now, it's time para kaharapin ko na si Mica. This is it. Mei, kung nasaan ka man ngayon, sana gabayan mo ako. Pabor ka naman sa gagawin ko diba? Hindi mo naman ako mumultuhin diba? hayyyysss!! para akong baliw na kumakausap ng patay.

I knock at her door pagkadating ko sa taas. Parang may kausap siya sa telepono kaya unti unti kong binuksan ang pinto. para ngang nagulat siya nang makita niya ako eh. Tumalikod pa siya sa akin bago niya tapusin ang tawag.

"Good Morning my princess. Lika brunch is served." Akala ko sisigawan niya ako o di kaya babatuhin ng unan. Ganun kasi siya, pero iba ata ngayon. Ngumiti lang siya sa akin kaya naman lumapit nalang ako sa kanya baka magbago pa ang expression ng mukha eh.

"Kain ka na. Pasensya ka na ah malamig na ang soup. ikaw kasi eh pinaglinis mo pa ako ng kusina mo." parang normal lang ang pananalita ko pero seryoso, parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba lalo na nung kinuha niya yung soup. shit!! HOLY SHIT!! paano kung malunok niya yung singsing? eh di hindi na ako makakapagpropose? waaaaaahhhhh!!! tanga ka kasi patrick eh!! tanga!!! kainis!!

"Sige hihigop muna ako ng malamig na sabaw." she giggled a little before scoping from the bowl. bawat higop niya parang pati ako nahihigop. Nakakainis na nakakakaba. Ito na ata ang ikamamatay ko. Ilang taon kong pinag-ipunan ang lakas ng loob para makipagbalikan sa kanya pero mukhang mababalewala lang yun.

"huh?!" napatigil ako sa apg-iisip nang magreact ng ganun si Mica. Ito na ba yun? makakapagpropose na ba ako sa kanya? Unti unti niyang nilabas ang singsing sa bibig niya at tumingin sa akin.

"P-patrick?!" ramdam ko ang kaba sa pagkasabi niya ng pangalan ko. Ako din naman kinabahan bigla. Parang natuyo ang lalamunan ko at nakain ko ata ang dila ko. Hindi ako makapagsalita ng maayos. Gumagana naman ang utak ko pero hindi ko lang talaga masabi.

"A-anong....b-bakit...." unti unting pumatak ang luha sa mga mata niya. doon lang bumalik ang diwa ko. I know she is expecting this too and we both want this.

"M-mica...." I started out. lumuhod ako sa harap niya at kinuha ang singsing. inhale!! exhale!! kaya ko to!!

"w-will you be my girlfriend? A-alam ko s-sabi mo maghintay pa ako. Y-yun naman ang gagawin  ko eh... k-kung hindi ka pa ready sa relationship natin u-ulit, i-i can waith for more time. I-i i just want you t-" I was distracted in my sentence dahil bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap eh dahil napatigil nito ang sistema ng katawan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at may kung ano sa sikmura ko na nagpapakiliti sa akin.

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon