MEI’s POV
“what’s the meaning of this Mei Lien Wang?” nagkatinginan agad kami ni Kurt nang makita kong hawak ni mama ang pregnancy kit. I swear, I disposed it properly last night.
“t-tita, buntis po si Mei. i-it’s my child.” napatingin agad ako kay Kurt. What the hell is he talking about? Nagkausap na kami last night and I will not accept his proposal. Ilang beses ko bang ipapaalala sa kanya yun.
“talaga? well then, kailangan na pala nating ihanda ang lahat. We should prepare for your wedding soon. Fei, nasan na si Liam? Kelan ba siya lilipat dito?” hindi maalis ang tingin ko kay Kurt. Now their expecting a marriage from us.
“h-hindi po ako magpapakasal.” simula ng nagkamuwang ako sa mundo, ito ata ang unang beses na nailabas ko ang gusto kong sabihin. Natigilan silang lahat at napatingin sa akin.
“h-hindi p-po si kurt ang ama ng d-dinadala ko.”
“Mei!!”
“S-si lex po ang ama nito. A-im s-sorry lolo. H-hindi ko alam na k-kapatid ko siya. Sorry po.” natahimik ang lahat ng nasa bahay. I just sob and sob just like the old days. As usual, isang Kurt Benedict Salcedo ang yumakap at dumamay sa akin.
“let’s forget this. Si kurt ang kikilalaning ama ng batang yan. Tandaan mo, kapatid mo si Liam. Papalagpasin ko to Mei. Magpapakasal kayo ni Kurt as soon as possible.” Pagkatapos nun, umalis na si yeye. HUmiwalay ako kay Kurt at isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay mama.
“Mei, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo. Dadating ngayon si Liam at ayokong mababanggit mo ito sa kanya. Maliwanag ba?”
Nagpasama ako kay kurt sa OB dahil utos narin ni yeye. Healthy naman daw ang baby and some prescriptions for me and the baby. Pagkadating namin sa bahay, May ambulansya na sa harap ng bahay. Agad kaming kinabahan dahil si yeye ang unang pumasok sa isip namin. But two familiar people welcomed me.
“a-apple, p-pam?” kung nandito sila.
“hinatid lang namin si kuya lex. Uuwi na kami. Ayaw naming makita ang isa sinungaling na katulad mo.” napayuko ako sa binitiwang mga salita ni Pam. pagkatapos nun ay lumabas na sila ng bahay.“a-ate y-yen… ate mei pala. sorry sa inasal ni ate pam. nahihirapan lang kasi kami na nakikitang nahihirapan si kuya lex eh. I-ikaw na ang bahala sa kanya.” niyakap ko si apple at hinatid ko na sila sa labas ng bahay.
“are you sure?” nasa harap kami ng pinto ng kwarto ni lex. I want to talk to him. tell him everything I feel. Kaya ko ba?
LEX’s POV
Im Alexis Jimenez. Born under the name of Liam Wang raised to be lex. Alam kong naiinis kayong lahat sa akin dahil bigla bigla nalang akong pumasok sa storyang ito ng walang pasintabi. Inagaw si Mei, kay Kurt and poof, im his brother.
“l-lex….” I heard her voice again. Her voice that sounds like angels singing in heaven. Noong una, hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na ito. The lound thumping on my chest, this crazy feeling whenever I am near this girl, the blood rushing through my system whenever I see her and the electrifying touch everytime we touch. I kept on denying this, but I just realized that, the more I refuse to recognize this, the more it become stonger and uncontrolled.