Chapter 32 ♥♥ Pangako

141 1 0
                                    

Flashback

akala ni Mica, pagkatapos ng away na iyon, magkakabati na sila. But she is disappointed dahil isang linggo na silang hindi nag-uusap. Gusto niya itong kausapin but pride is sorrounding her heart. Gusto niyang suyuin siya nito. She really missed that guy.

 

"Micaela halika na." sumilip na ang dad niya sa kwarto niya para ihatid siya sa school nila. Doon lang kasi ang party nila dahil malaki naman ang gym nila. She is going to the prom for attendance purposes only.

 

"sige po dad bababa na po." ngumiti siya dito at muling tinignan ang repleksyon sa salamin. Mapait siyang ngumiti at tuluyan nang lumabas ng kanyang silid.

Katulad ng inaasahan niya, walang Patrick Chin ang dumating sa party. Walang pirma sa tabi ng pangalan nito. Nasa tabi lang tuloy siya buong gabi at pinapanuod ang mga classmates niya na nagsasayawan.

 

Malapit nang matapos ang party at tatawagan na ni Mica ang papa niya nang may mapansin siyang text. galing kay patrick ito. Agad agad niya itong binuksan.

 

‘meet me at the park at exactly 12:00 a.m i love you.'

wala pa mang alas dose ng gabi, agad agad na siyang lumabas ng paaralan nila at nilakad ang papunta ng park. Malapit lang ito sa school nila at doon sila palaging nagpupunta pagkatapos ng klase nila. She was disappointed upon reaching the park. sobrang dilim kasi nito at hindi niya makita si Patrick.

 

"p-pat..." tawag niya dito pero wala paring nagpapakita sa kanya. Ramdam niya ang pagkabog ng dibdib niya dala ng kaba. She tried to call him pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya. tatalikod na sana siya para maglakad paalis nang biglang nagliwanag ang daan sa harap niya. Due to instinct, nilakad niya ito hanggang sa tuluyan na niyang matanaw ni patrick sa dulo nito.

 

"May i have your first and last dance my lady?" lumuhod si patrick sa harap niya at nilahad ang palad niyo. Kinuha ito ni Mica at kahit na walang tugtog ay sumasayaw silang dalawa.

 

"alam mo ba? may pera naman talaga ako pambili ng damit para sa prom eh." pagtatapat ni patrick sa kanya. napasimangot tuloy siya pero piningot nito ang ilong niya at tumawa ng mahina.

 

"kaso inipon ko ang pera ko para solo natin ang gabing ito." bago pa man siya makapagreact, hinalikan na siya ni patrick sa labi. She just followed the rhythm hanggng sa naramdaman niyang binuhat na pala siya nito. Patuloy parin silang naghahalikan hanggang sa nilapag siya nito. Naramdaman niyang may sapin ang likod niya. Tuluyan siyang napangiti sa kasama na nakatingin ngayon sa kanyang mga mata.

 

"ready ka na?" he asked in his husky voice. Nanlaki ang mga mata ni mica at tinakpan ang dibdib niya.

 

"ano ka ba Patrick?! a-ayoko nga!!!" tumawa ng malakas si patrick at muling tumingin sa kanya. kinurot nito ang pisngi niya.

 

"syempre joke lang yun. Hindi parin ako handang maging ama. tingin ka dun." tinuro ni Patrick ang madilim na langit. Nakita ni Mica kung paano ito nagliwanag dala ng mga fireworks. At mas lalo pa siyang managha nang biglang may fireworks na "i love you" napayakap tuloy siya kay Patrick ng sobrang higpit.

 


"thank you. Thank you so much." bulong niya dito. Nakatinginan silang muli sa mga mata hanggang sa may nilabas ito mula sa kanyang bulsa. A heart shaped silver necklace.

 

"take this necklace as a sign of my love to you. Till death do us part." napahagikgik si Mica sa kalokohan ng boyfriend niya na sinasakyan din niya. It's corny yet it's romantic. ganun ata talaga kapag inlove. naisip niya.

 

"mahal na mahal kita. Hinding hindi kita iiwan kahit kelan Micaela Tan. Tatanda tayong magkasama at hinding hindi tayo magkakahiwalay. Pangako yan." 


ELLA's POV

Pesteng pangako. Tang Ina ng nangako. Bakit pa kasi nauso ang mga pangako kung mapapako lang din naman. At ang  nakakainis pa nandito na naman ako sa parehong lugar kung saan niya ako niloko, binilog at ginago. Himdo ko alam sa sarili ko kung bakit pa ako nagpapakatanga sa kanya.

"Hayyyy.... hindi na ata siya dadating." napatago ako sa puno nang marinig ko ang boses niya. Mukhang hindi siya nag-iisa. Akala ko ba, hihintayin mo ako? Hinintay ka naman niya ella diba? hindi nga lang niya nilinaw kung nag-iisa siya.

"grabeh, pinapunta mo lang ako para iyakan si ella? bakit hindi mo nalang gisingin? malay mo nakatulog na at nakalimutan ang sinabi mo." si JG pala ang kasama niya. Nakakatuwa kasi marami na siyang kaibigan di tulad nung high school kami, ako lang ang kasama niya. Naawa lang siguro siya sa akin.

"Pero diba, kung importante sayo ang isang tao, hindi mo siya makakalimutan? kasi ako hindi ko siya nakakalimutan. Alam mo ba kung bakit ko siya pinapalayo kay Mei? hindi dahil mas mahalaga si mei sa akin kundi dahil naiinis ako sa sarili ko. Dahil sa akin nawalan na ng self confidence si Mica. Yung Mica na minahal ko kasi full of hopes of confidence pero dahil sa ginawa ko sa kanya, naging ganito siya." naramdaman ko ang pagsakit ng puso ko. Parang tinutusok ng kung ano dahilan para bumara ang lalamunan ko. Gusto kong umiyak pero natuyo na ata ang mga luha sa mga mata ko.

""bakit hindi mo kasi iexplain sa kanya ang side mo? Mahal mo siya at obvious namang mahal ka pa niya. Hay ewan ko ba sa inyo gulo niyong apat. buti pa kami ni Yvonne ok na ok. buti nalang hindi intsik mga magulang namin." mahal pa niya ako? imposible yun dahil siya mismo ang nagsabi na hindi na niya ako mahal. arrgghhh!! naguguluhan ako.

"arf!! arf!! arf!!" napatingin ako sa harap ko at tumatahol ang isang aso sa harap ko. nanigas ako sa kinatatayuan ko at nakalimutan ko ata lahat ng iniisip ko. ASO YAN EH!!! TAKOT AKO SA ASO!!

"sino nandyan?" rinig kong sabi ni patrick.

"arf!! arf!!" peste tong asong to!! wag ka maingay!! at isa pa sabi sino hindi ano. Bakit ikaw ang sumasagot?!

MOMMY!!!! NAKATINGIN SA AKIN ANG ASO!!!

"mica?!" shit!!!

"shoo!! alis diyan." tinaboy ni patrick ang aso buti nalang at hindi ako kinagat. napaupo ako sa sahig at nakahinga ng maluwag.

"buti naman at dumating ka. ok ka lang? ano ba kasing ginagawa mo sa likod ng puno?" nakayakap siya sa akin at ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.

"sa-sabi m-mo pumunta ako eh." SERIOUSLY ELLA, KAILANGAN TALAGA NAGBUBULOL?!

"buti nga at pumunta ka. madami tayong pag-uusapan."

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon