Chapter 31 ♥♥

139 1 0
                                    

Sorry guys wala nakong maisip na title dito :'( 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ELLA's POV

"sorry at hindi ako naniwala sayo kanina." sabi ni kurt sa akin pagkababa ko ng sasakyan niya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"it's ok kurt. Kahit sino naman iisiping biro lang yun eh. Sige pasok na ako. Good night." tumalikod na ako sa kanya pero hinigit niya ako at muli akong napaharap sa kanya.

"what's you relationship with Patrick?" tanong niya sa akin. Inaasahan ko nang tatanungin niya ako ng ganun pero hindi ko alam na ganun niya kabilis napansin ang mga iyon.

"he's just.... he's just an old stranger from the past." an old stranger na sana hindi ko minahal at hindi ko rin nakilala o nakasalubong manlang.

"sige, paniniwalaan kita ngayon pero inaasahan ko na sasabihin mo sa akin in the future. Ge pasok ka na."

***

"sa susunod na linggo na ang JS ninyo. So, everyone is expected na pupunta at syempre kailangan kasama ang mga dates nila." paliwanag ng homeroom teacher nila. Ayaw niyang makinig dahil hanggang ngayon hindi parin nababanggit sa kanya ni Patrick na sila ang magkadate sa JS. Kahit na tatlong taon na silang mag-on nahihiya parin siyang iopen sa kasintahan ang tungkol sa topic.

 

"Ma'am may I go out?" paalam niya sa teacher nila. Hindi niya lang talaga kayang makinig dito so she excuse herself from the class. Nasilip niya ang kasintahan sa kabilang section at nakikinig nang mabuti sa gurong nasa harapan nila. Ito ang isa sa ikinalulungkot ni Mica. Magkahiwalay silang dalawa. Ngayong taon lang ata sila hindi naging magkaklase at kahit na parang pambata ang kwento kung bakit naging sila, kinikilig parin siya kapag iniisip niya.

 

Dumiretso siya sa C.R at inayos ang sarili. Pinalipas lang din niya ang nalalabing minuto para magsimula ang next subject nila. nang marinig na niya ang bell ay agad na siyang lumabas.

 

"Mica." nilingon niya ang tumawag sa kanya at nakita niya ang kasintahan na agad namang humawak sa kamay niya. Tatlong taon na pero parang pareho parin ang epekto ng mga ginagawa nito sa kanya. Ramdam parin niya ang kuryente sa paglapat ng mga balat nila. Ramdam din niya na para siyang lumulutang sa alapaap sa tuwing magkasama o magkausap sila.

 

"Bakit ka lumabas ng room niyo?" tanong niya dito. Napansin niyang binabagalan nito ang paglalakad nila para din siguro magkasama pa sila ng matagal.

"nakita kasi kitang dumaan sa classroom kaya nagpaalam ako sa teacher. Ok ka lang ba? parang antamlay mo?" sinipat pa ng binata ang leeg at noo niya para tignan kung may lagnat ba ito o wala. tinabig lang niya ito at napabuntong hininga.

 

"wala akong sakit. Im fine. wala lang ako sa mood. tara balik na tayo sa room." pagsisinungaling niya. Nauna na siyang maglakad para iwasan ang mga tanong ni Patrick sa kanya.

 

"tungkol ba to sa Prom?" napatigil siya sa paglalakad at nanlamig ang buong katawan niya. naramdaman niya ang paglapit ng kasintahan sa kanya at unti-unti na nga siyang napaharap dito. Nagtagpo ang mga mata nila pero pilit itong iniiwasan ni Mica. hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at tuluyan na siyang napaharap dito.

 

"haaayyyy... tell me the truth. Tungkol ba ito sa prom?" marahang napatango si Mica sa tanong sa kanya. nakita niya rin na nalungkot ang mga mata ni Patrick sa naging sagot niya.

 

"wag na tayong pumunta dun." prenteng sabi nito sa kanya. Gustong gusto ni mica na pumunta doon dahil sabi nila, memorable daw kung sino ang first and last dance mo.

 

"pumunta na tayo please?" inakbayan lang siya nito at tumawa.

 

"wag na. sa bahay nalang tayo at matulog. tsaka anong gagawin natin dun? sasayaw buong magdamag? tss..... boring yun. Lika na malilate ka na sa first class mo." napaiyak si mica sa sinabi ng boyfriend niya. Kanina pa niya pinipigilan ang mga luha niya pero tumulo na ito ng tuluyan.

 

"ano ba yan prom lang iniiyakan mo. tahan na nga." pinunasan ni Patrick ang luha niya. ngumiti siya ng mapait dito at hindi niya alam ang nangyari sa kanya dahil bigla nalang niya itong nasigawan.

 

"BAKIT BA AYAW MO PUMUNTA?! BAKIT BA HINDI MO AKO MAINTINDIHAN? MAHALAGA SA AKIN ANG PROM NA YUN. FIRST PARTY NATIN YUN TOGETHER. GUSTO KO IKAW ANG FIRST AND LAST DANCE KO. BAKIT BA HINDI MO ALAM YUN?" nabigla si Mica sa naging asal niya. napayuko nalang siya sa sinabi niya.

"ako pa ang hindi makaintindi? mahirap bang intindihin na mas may importante pa akong gagawin kesa sa prom? pumunta ka kung gusto mo."

then she just saw him walking away.

***

Andaming nangyari ngayong araw at gusto ko nang matulog. Kalimutan lahat ng nangyari and start a new day tomorrow. Nahiga na ako sa kama ko at pilit na natulog.

"magkita tayo mamaya sa park sa tapat ng dati nating school pagkatapos nitong dinner na ito."

"magkita tayo mamaya sa park sa tapat ng dati nating school pagkatapos nitong dinner na ito."

"magkita tayo mamaya sa park sa tapat ng dati nating school"

"magkita tayo mamaya sa park sa tapat ng dati nating school"

ARRGHHH!! DAMN YOU PATRICK CHIN!! eto na nga papunta na. Bakit ba hindi maalis sa isip ko ang sinabi niya? kanina pa paulit ulit sa utak ko?! eh ano naman kung maghihintay siya dun? edi maghintay siya. peste!!!

Kahit na anong away ko sa sarili ko, i just found myself changing clothes at palabas na ng bahay. ARRGHHH!!! AHHH!!! pupunta ba ako o hindi? eh ano naman ngayon kung maghihintay siya?! waaahhhh!!!

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon