Chapter 30 ♥♥ I Miss You

133 1 0
                                    

ELLA's POV

"magccr lang po ako." paalam ko sa kanilang lahat dahil kanina pa naglalakit ang mukha ko. Kanina parin kasi ako kinukulit ni kurt tungkol sa nangyari kanina. Hindi daw kasi siya kaagad naniwala sa akin.

Nag-ayos ako agad agad at ready nang lumabas ng C.R ng magulat ako at nang may humigit sa kamay ko at napapasok ako sa katapat na pinto ng girl's C.R

"what the hell are you doing?!" pasigaw kong tanong sa kanya. He is looking directly in my eyes at ibang emosyon ang nakikita ko dito. it's longing. hindi ko alam kung saan pero, bago ko pa man maisip kung saan he is already claiming my lips. Masikip ang lugar namin at madilim pa pero para akong lumulutang sa hangin. I missed him alot. His hugs, his kisses his everything. I just miss him. ARRGHHH!! MAGTIGIL KA MICAELA TAN BAKA NAKAKALIMUTAN MO ANG GINAWA NIYAN SAYO?!

pinalo-palo ko siya sa dibdib niya pero niyakap lang niya ako at halos mawala ang lakas ko lalo na sa binulong niya.

"I MISS YOU MICA."

***

Unang araw ng pasukan at sobrang naninibago si mica sa paaralang papasukan niya. Freshman palang siya sa high school at wala siyang kakilala dito. Inggit ang nararamdaman niya sa mga iba niyang kaklase na kasama ang mga kaibigan niya.

 

"nawawala ka ba?" napatingin si Mica sa boses sa gilid niya. Nakatingin sa kanya ang isang lalaki at nakangiti pa. Hindi maitatago ang kagwapuhang taglay nito at nanibago si Mica sa nararamdaman niya. Naramdaman niya ang paglukso ng puso niya at sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

 

"h-hindi." agad niyang iniwas ang tingin sa lalaking kaharap. naramdaman din niya ang pamamawis ng kamay niya na nakahawak sa strap ng bag niya.

 

"first year ka rin ba? tara tignan natin ang room natin." hinawakan siya ng lalaking kakakilala lang niya at naramdaman niya ang kakaibang kuryente sa pagdamping iyon ng balat nila. Agad silang nagtungo sa mga classroom ng mga first year para tignan ang mga listahang nadoon.

 

"Ayan dito pala ang room ko eh. Ikaw saan ka ba?" tinignan ni Mica ang listahan at parang tumalon ang puso niya dahil nakita niya ang pangalan niya sa parehong klase tulad ng sa lalaki.

 

"dito din ako. ka-classmate tayo." nahihiya pa niyang sabi sa kausap. nakita niya ang ngiti sa labi ng lalaki at hinawakan siya ulit sa kamay at naupo silang magkatabi.

 

"ako nga pala si patrick. ikaw, anong pangalan mo?" inalok ng lalaki ang kamay niya at nahihiyang hinawakan ito ni mica.

 

"m-micaela tawag sa akin eh." nakita niyang napasimangot ang kausap at nagpout pa. Doon niya napansin ang mapupula nitong labi na para bang napakalambot at masarap hawakan.

 

"ang haba naman. hmmmm... mica nalang tawag ko sayo." kinurot siya nito sa pisngi saka nanahimik sa kinauupuan niya.

 

***

"it's ella!!" nang dahil sa halik nayun naalala ko ang lahat. Peste tong patrick na ito. I saw is signatured smirked once again at hinawi ang buhok na humaharang sa mukha ko.

"ella? i'd stay with mica. magkita tayo mamaya sa park sa tapat ng dati nating school pagkatapos nitong dinner na ito. maghihintay ako sayo hangga't kaya ko. Wag mo nang itanong kung bakit basta pumunta ka." after nun, binuksan na niya ang pinto at lumabas na parang wala lang nangyari. napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa C.R para mag-ayos ulit. Doon ko lang napansin na may luha na pala sa mga mata ko. Hindi niya hinawi ang buhok ko kundi pinunasan niya ang luha ko.

***

"mica sabay tayo magrecess ha." hindi pa tapos ang math lesson nila pero rinig na ni mica ang pagbulong ng bestfriend niya na si patrick. Natatawa nalang siya sa inaasal nito. Parang bata kung minsan ang nag-iisa niyang kaibigan na isa siguro sa dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman niya para dito.

 

*riiiiiiiiinnnnnnnnnngggggg*

 

"yehey!! tara na sa garden."hinawakan na naman siya sa kanyang kamay at hinila papunta sa tambayan nilang dalawa. naupo na silang dalawa at hinanda ni mica ang pagkaing hinanda niya para sa kanilang dalawa.

 

"bakit andami ata mica? takaw mo ata ngayon?" tanong nito sa kanya ero nakatuon ang pansin nito sa pagkaing inilalabas niya galing sa lunch box.

 

"pandalawang tao kasi yan. hinanda ko para sa ating dalawa." inilabas na niya ang favorite na siomai ni patrick na siya mismo ang gumawa at nagtimpla.

 

"wow!!! favorite ko yan!!! salamat Mica." nilingon ni mica ang kaibigan at sa di inaasahang pagkakataon nagtagpo ang mga labi nila na kinagulat nilang dalawa. Hindi malaman ni Mica kung ano ang mararamdaman sa nangyari.

 

"f-first kiss k-ko yun!!!" mangiyak-ngiyak na sambit niya. hanggang sa tuluyan nang tumulo ang mga luha niya.

 

"s-sorry. Mica wag ka na umiyak. mica.... uy." napatigil si mica sa pag-iyak hindi dahil sinabi ni Patrick kundi dahil sa yakap nito.

 

"sorry na. wag ka na magalit. gusto mo, boyfriend mo nalang ako? p-papanagutan ko yung kiss na yun." lalong bumilis ang tibok ng puso ni Mica at ramdam niya ang pag-init ng mukha niya. Her first Boyfriend, Her first kiss.

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon