MEI's POV
"mei, this is your brother, KURT BENEDICT SALCEDO." The moment i heard those words parang isang matalim na kutsilyo ang tumusok sa dibdib ko. May kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ko na halos hindi na ako makahinga ng maayos, idagdag mo pa ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Ang sakit sakit, sobrang sakit. I feel like i was being betrayed by the most special person in the world. Bakit ganito? Bakit hindi muna nila ako hinayaang magluksa sa pagkawala ni papa bago nila sabihing kapatid ko sa labas ang boyfriend ko?
I really can't find words para magsalita sa harap nila. Parang biglang naubos ang lakas ko at ito nalang ang nasabi ko.
"Is this a joke?" tinignan ko silang lahat at na pawang nakayuko na. Nanlabo bigla ang mga mata ko at naramdaman ko ang pag-agos ng tubig na kanina ko pa pinipigilan.
"Mei, mag-usap muna tayo." Hindi na ako nakatanggi sa paanyaya ni kurt dahil bigla nalang niya akong hinila papalayo sa kanilang lahat.
"kurt, ano bang klaseng biro ito?" i broke the silent air around us the moment we step in the garden.
"mei let's broke up. Kalimutan mo na ako." Nakatalikod parin siya sa akin at para bang isang malakas na sampal sa pagkatao ko ang mga salitang binitiwan niya. Mas gusto ko pang sabihin niyang magbreak kami kasi may iba na siyang mahal eh, pero ang rason ng break up ay dahil magkapatid kami, parang hindi kayang tanggapin ng sistema ng katawan ko.
"KB, remember the rules you make? Diba sabi mo, number one rule mo, kung may problema pag-usapan? Bak-"
"dahil hindi ito problema mei. This is reality. Dahil kung problema ito nasolusyunan na natin. Hindi lang naman ito simpleng nakabuntis ako eh. Mei, magkapatid tayo at wala na tayong magagawa doon." Napayuko ako dahil sa mga sinabi niya pero hindi ako nawalan ng pag-asa.
"number two, don't ever lie. Kb diba sabi mo-"
"i lied when i told you i love you. I lied when i told you you're special. I lied when I kissed you. I lied from the very start." Parang mas lalong nadagdagan ang bigat ng dibdib ko. parang unti unti akong namamatay sa bawat salitang binibitiwan niya. parang paulit-ulit sinasaksak sa akin ang isang masakit na katotohanan.
"n-na-number t-three" napaupo ako sa malambot na damuhan dahol hindi na kaya ng katawa ko ang lahat. Ganoon na ba kabigat ang mga luha ko at hindi na ako kayang buhatin ng mga paa ko?
"number three, believe in everything i say. Then believe to this mei. I never love you coz the truth is i despise you. Dahil sayo kahit kailan hindi naging buo ang pamulya ko. dahil sayo sana ako ang legal na Wang at hindi ako nakikiusap sa kakarampot na pagtanggap mula sa kanila. Magkapatid tayo at mamahalin kita bilang kapatid ko." i could feel nothing in his voice. Para siyang isang malamig na yelo at ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin.
"number f-four. Memories s-should... *sniff* should be kept." Naramdaman ko ang paghigit niya sa kamay ko at tinayo niya ako. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at niyugyog ako. It's like telling me to wake up.
"Mei, walang memories. Those are false memories. Walang meaning ang mga iyon. Forget those memories. At ipatanggal mo na yang tattoo mo dahil pinatanggal ko na ang akin." Tuluyang bumagsak ang mga luha ko at napahawak ako sa braso niya. i tried to look at his eyes para tignan kung totoo ba ang mga sinasabi niya, but i regret looking at it. Wala akong makita kundi galit mula sa mga ito. I want him to give me enough strength para kayanin ang lahat ng ito, pero bigo ako.
"number 5, forget me." Napabitaw ako sa pagkakahawak sa braso niya at tinignan niya ako straight to my eyes.
"Magmove on ka na Mei. Masakit ba? Kulang pa yan sa 17 taon na pangungulila ko sa isang kumpletong pamilya." I saw him smirked at tuluyan ng umalis. Gusto ko siyang habulin pero parang hindi ko na kayang gumalaw pa. I can't able to move even a few inches beacause my only strength suddenly gone forever.
Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na nakatayo doon nang makaramdam ako ng nakayakap sa akin. His scent is familiar to me pero wala akng paki. I need a big hug today. Kailangan ko ng karamay sa sobrang dami ng problemang kinakaharap ko.
"ok ka lang ba? I saw everything." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko using his thumbs. But, those aren't enough dahil parang cue lang iyon ng mga luha ko na lalo pang nagsilabasan.
"p-patrick... ang sakit..... ang sakit- sakit..... ang sakit sakit na magago, magpakatanga at magpaloko. Ang sakit sakit dito oh *pointed to the chest* nakakapagod pa dito *pointed to the head* ang tanga tanga kasi eh... ang tanga tanga neto *pointed to the chest*" hindi ko na alam kung kanino at paano ko ilalabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. he hugged me once again and pats my back.
"shhhh... tama na. Wag ka nang umiyak. Shhhh... kahit kelan wag mo sisihin ang puso na walang ginawa kundi magsupply ng dugo sa katawan mo. You can't blame anything for a wrong decision you made. At kahit kelan hindi naging kasalanan ang magmahal." He whispered to me. Bakit kasi sa dinami dami, siya pa ang minahal ko? sana itong lalaking nakayakap nalang sa akin para hindi nalang ganito kasakit ang lahat.
Sana lang.
***
"ok ka lang bessy?" nakatulala lang ako sa pagkain at nginitian ko si yvonne at tinignan ulit ang pagkain ko. dalawang araw na simula ng mangyari iyon at hindi ako pwedeng umambsent dahil malapit na ang finals namin. I can't miss any of my lessons. Nakakainis talaga!! naiinis ako sa sarili ko. i just felt my face became wet. Umiiyak na naman pala ako. Nakakagago noh? kahit pagod ka nang umiyak, umiiyak ka parin dahil ramdam mo parin ang sakit.
"kung hindi mo na kaya nandito naman kami eh." Naramdaman ko ang paghawak ni patrick sa kamay kong nakapatong sa lamesa. Tumingin ako sa kanya at nagkangitian kami. Simula nangyari ang lahat, si patrick ang tagakwento ko at tagaprotekta ko. kumbaga, siya ang knight in shining armor ko.
*BLAG!!*
Napalingon kaming apat dahil sa malakas na paghampas sa table namin. It was him. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya dahil parang mas lalong nadadagdagan ang sakit sa dibdib kapag nakikita ko siya.
"get your hands off her." he said with a voice full of authority.
Tumayo si patrick sa tabi ko at nakipagtitigan sa kanya. "don't act like a jealous boyfriend. WALA KA NANG KARAPATAN SA KANYA." Nakipagsukatan ng tingin si kurt sa kanya at mararamdaman mo ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"im not acting like a jealous boyfriend. Im acting like a concerned brother." Nagkuyom ng kamao si patrick at naglakad papunta sa pwesto ni kurt. Natahimik ang buong canteen at nanuod sa eksena. Everybody gasp in horror when Patrick grab kurt's collar.
"CONCERNED BROTHER?! EH GAGO KA PALA EH. KUNG CONCERN KA HINDI MO LOLOKOHIN KAPATID MO. SA SIMULA PALANG SINABI MO NA. GAGUHIN MO NA LAHAT WAG LANG SI MEI DAHIL AKO ANG MAKAKALABAN MO!" nakaamba na ng suntok si patrick mabuti nalang ay naawat sila ni JG.
"wooooaaahhhh!!! Hahahaha. Galing nilang umarte noh. nood kayo ng play namin ha. Effective na kayong artista guys." Humingi siya ng dispensa sa lahat ng tao sa canteen pati narin ang mga staff na halos nafreeze lahat at nanood sa amin.
"lika na patrick, may practice pa tayo ng basketball eh." Hinila na ni JG si Patrick at sumunod naman si Yvonne. Nagkatitigan lang kami ni kurt at halos hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, it's either manatili sa canteen at makipag-usap sa kanya, kamustahin siya o sumunod sa kanila.
"let's go mei." Patrick grabbed both my arms and my things at lumabas na ng canteen.