MEI's POV
Napabuntong hininga nalang ako nung binaba ko ang cellphone ko. Anim na buwan na simula ng umalis at kinalimutan kong isa akong wang. Tinawagan ko si yvonne para makibalita. Tatlong buwan na ang lumipas mula ng huli kaming nagkita. I cant believe na ganito pa ang bubugad na balita sa akin. Napabuntong hininga nalang ako.
"ate yen! May bagong lipat sa bayan. Ang gwapo!" Bungad ni apple sa akin. Alam ko nang si kurt yun. Handa na ba akong harapin siya? Bilang mei siguro oo, pero ang bumalik sa mansyon ayoko na.
"che! Tumahimik ka nga apple. Wag kang didikit dikit dun. Apondaw yun ng mga wang." nakasunod pala si pam sa kanya. Isang ngiti lang ang naisagot ko sa kanila.
Nag invest daw si kurt sa agriculture business ng san idelfonso. Yun ang sabi ni yvonne. Nakita daw kasi niya ako dito kaya desidido siyang hanapin ako. Nalaman ko rin na malapit nang ikasal si ella and patrick. Naikwento narin sa akin ang kadramahan ng dalawa, which is hindi naman pala buntis si ella. Hay naku!
"Anong tungkol sa mga wang?" nagulatako dahil may biglang nagsalita mula sa likod ko. Sino pa ba kundi si lex?
"wala kuya. Eto naman. Ano kailangan mo at bumaba ka?" tanong ni pam sa kanya. Ano bang meron sa pamilya ko at galit na galit siya?
"wala namam. Gusto ko lang lumabas ng kwarto ko at maglakad lakad sa labas." paliwanag niya habang nakatingin sa akin. So mukha na ba akong labas ngayon? Tourist spot lang mukha ko?
"feeling mo naman napalaki nang paggagalaan mo? If i know namimiss mo na naman si ate yen eh. Aiyyyiiiieeee! Di pa kasi umamin." nakita kong bigla siyang namula dahil sa sinabi ng kapqtid. Totoo bang ako ang dahilan? Naramdaman kong parang umusok ang tenga ko sa kahihiyan.
"a-anong sinasabi mo diyan? Bat naman siya ang dahilan? T-tsaka isa pa gusto ko nading magpatingin sa doktor." magpatingin? Bakit napagtanto na ba niya na may sayad siya?
"bakit naisip mo na bang kulang ka sa turnilyo?" tanon ko sa kanya. Napatawa naman ang magkapatid sa harap namin.
"o- ahhh.... Hindi! Ano ba yen! Gusto kong patignan ang sakit ko. Baka pwede pang malunasan." napaaahhh nalang ako sa sagot niya. Sayang aamin na sana eh.
"ewan ko sa inyo. Basta hindi ako pwede sumama mamasyal ha. May project pa ako." pagdadahilan ni pam.