YVONNE's POV
Marami ang nagsasabi, perfect ang relationship namin ni JG pero, wala namang perfect relationship diba? hindi perfect ang relasyon namin dahil araw araw kaming nagbabangayan at nag-aasaran. Pero, yun pa ata ang nagpapatibay sa relasyon naming dalawa.
"J, tara na canteen tayo. Pumapayat ka na eh." Sinamaan ko siya ng tingin na nauna nang maglakad papunta sa pinto. Nung hindi niya ako nakitang nakasunod sa kanya, binalikan niya ako at kinuha ang kamay ko at hinila.
"ano ibig mong sabihin na pumapayat ako?" alam ko kasi may karugtong pa yan eh. Sasabihin niya, ‘pumapayat ka na. Kailangan na kitang patabain ulit.' nakakainis talaga to, pero syempre love ko yan.
Madami naiinggit dahil maswerte daw ako na si JG ang boyfriend ko. hindi lang sila marunong makuntento. Pero hindi naman ibig sabihin nun ipapamigay ko siya diba? masyado ko siyang mahal para gawin yun.
Naupo na kami sa bakanteng table na palagi naming pinagpupwestuhan. Nakita ko nang paparating si patrick at meimei na magkaholding hands. Sa totoo lang, sa tuwing nakikita ko sila napapangiwi ako. It's like they're acting like couples even if napakaobvious na friends lang sila.
"hi bessy, hi JG." Nagwave sa amin si mei at nginitian ko siya. Naupo sila sa tapat ko. wala talaga akong makitang spark sa kanila eh. Di katulad kapag si kurt kasama ni mei. You can really see na inlove sila sa isa't isa. Kaya nga hindi ako naniwala sa kinuwento ni meimei eh. Parang hindi kayang sabihin ni kurt yun. Im sure may dahilan siya. Nag order na kami ni jg at bumalik na sa pwesto namin. We were rooted on our place dahil sa taong nakatayo sa harap ng table namin. We could feel the awkward air between the three of them.
"kurt dude. Musta na?" manhid talaga to si JG. Napatingin sa amin si kurt at ngumiti sa amin. Nguniti din ako at naupo na sa pwesto namin. Naupo naman si kurt sa bakanteng upuan at yumuko. Simula ng nangyari ang sa kanila ni mei, hindi na siya sumasama sa amin. Kahit naman siguro sino, mag-aalangan na sumama diba?
Silence is between the five of us. Nagkakatinginan nalang kami ni JG dahil alam naming nagkakailangan ang tatlo. Naawa ako kay meimei dahil masyado siyang naiipit sa kanilang dalawa.
"im sorry guys." Napatigil kami sa pagkain at napatingin kay kurt na nakayuko parin. Hinawakan ko ang kamay niya at napatingin siya sa akin.
"it's ok kurt. Wala naman na yun sa amin eh, diba guys." Tumingin ako kay meimei at patrick at ngumiti lang sila sa akin. I could see that mei is hurt pero sana wala na ito sa kanila. Hindi naman sinasadya ni kurt ang nangyari eh. Walang may gusto ng nangyari, tama ba?
"oo nga kuya. ayaw mo nun lagi mi na akong nakakasama." Nagkatinginan sila ni meimei at alam niyo yung feeling na nanunuod ka ng pelikula? Yung magtatagpo ang mga mata nila sinasabi na anglaman ng utak nila. Napakapit na nga lang ako kay JG para pigilan ang kilig eh.
"thank you mei. 547." 547? Ano ang 547? May code ba silang dalawa? Huh? Pero, nakakakilig dahil ok na sila.
"ehem... ahhh.. dude, una na kami ni mei ha. May pupuntahan pa kasi kami eh." Umalis na sila at kitang kita ko ang paghihinayang sa mga mata ni kurt. Bakit ba may mga relasyon na kita mo ang pagmamahal sa kanila pero hindi pwede?
***
"ang kulit kulit mo! Umayos ka nga." nakasandal parin siya sa akin at hindi manlang ako pinansin. Nandito kami sa tambayan namin sa liblib na lugar ng garden. Palagi kaming nandito kasi mas kaunti ang nakakakita at nagkakaroon kami ng peace of mind. Kadalasan dito kami nag-aaway, nagkakapikunan at nagkakaasaran.