Chapter 8 ♥♥ Detective

257 9 0
                                    

YVONNE's POV

Ako ay hindi papayag na hindi malaman kung sino ang secret admirer ni Mei Mei. Hindi nga ako nakatulog kagabi kakaisip kung sino yun kaya eto puyat ako.

"ate, ampangit ng itsura mo." I was driving my car to school at wala talaga ako sa ulirat. Ang sarap ihulog ni sunny sa kotse. Sabihan daw ba akong pangit?!

"ako pangit?! Kung pangit ako ano tingin mo sa sarili mo?" i rolled my eyes at diniretso ang tingin sa daan. Ganyan talaga kami ng kapatid ko. away bati, pero pagdating sa mga problems takbuhan namin ang isa't isa. Lalo naman sa mga crushes may mabanggit lang kaming pangalan ng lalaki nagwawala na si daddy. Kasi bakit puro babae anak nila? Ang hirap kaya.

"atleast ako, crush ako ng crush ko. eh ikaw, hindi ka nga ata mapansin ni kuya JG eh." Parang tumusok at tumagos sa puso ko ang sinabi ng kapatid ko. ewan ko ba, parang may kung anong tumusok eh. Ang sakit sa dibdib.

"shut up!! Hindi ko na crush yun noh. oh baba na. Mag-iingat ka ha at hintayin mo ako mamaya pag-uwi." Ganito ang set up namin every Monday Tuesday and Friday. Ako ang naghahatid sundo sa kanya kasi hapon na ang uwi ko pero ang remaining days, sabay na sila ni JM umuwi. Nakakatuwa nga silang tignan kasi close na close sila. Parang kami ni bessy lang.

"sus!! Denial ka pa ate. Sige bye bye!!" kinuha na niya ang mga gamit niya at bumaba na ng sasakyan. Hihintayin ko pa siyang pumasok sa gate bago ako umalis. Papaandarin ko na sana ang kotse ng may kumatok sa bintana ko. muntikan ko nang mapindot ang busina dahil sa gulat. Binaba ko ang salamin at kumaway siya sa akin.

"good morning yvonne." Tae naman!! Eto na naman ang puso ko. bakit ganun parang may pinupukpok tapos pabilis ng pabilis? Para ngang sasabog na ang dibdib ko eh.

"go-good morning." I tried to smile para maitago ang nararamdaman ko. ang hirap naman ideny sa sarili mo na hindi mo siya crush. Alam niyo nararamdaman ko ngayon? Parang gusto ko magtatatalon sa sobrang tuwa.

"see you sa school. At isa pa, wag mo ngang iisipin na secret admirer ako ni mei. Dahil ako na ang nagsasabi na hindi. Ok?" he patted my head bago umalis at nagsimulang maglakad. Nilalakad lang niya ang school dahil malapit lang naman ito sa bahay nila.


"JOSH GABRIEL RAMIREZ!!!" nilabas ko ang ulo ko and i waved to him. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"lika na sumabay ka na sa akin." Sigaw ko ulit. in no time, tumakbo siya papunta sa akin at sumakay sa passenger seat. Tahimik ang biyahe namin and in no time nasa school na kami.

"salamat jewel." I rolled my eyes and crossed my arms. Ayoko na tinatawag akong jewel. Si mommy lang ang tumatawag sa akin sa pangalan na iyon at siya.  Kapag nang-aasar siya. Minsan nga ang nickname ko nung bata pa ako eh. My mom used to call me little princess.

"stop it, gabby!!" i stick out my tongue at nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. yan ang tawag sa kanya dati nung bata kami. Parang pangbabae lang diba? And worse, nung bata siya ang hilig ni tita autumn na damitan siya na panggirl. Nanaginip daw siya kasi dati na babae ang anak niya, kaya ayun nafrustrate at si JG ang napagdiskitahan. If im not mistaken mga three or four years old kami nun. Kapag nandito si tito winter, todo tago siya ng mga girl things ni JG. I really missed those days.

"gabby pala ha?!! Halika dito." Nagulat ako dahil bigla niya akong hinapit sa bewang at kiniliti. He really knows my weaknesses.i tried to defend myself pero hindi ko maabot ang tuhod niya eh.

"hahahahaha...ta....ahahahahahah...tama na....hahahahaha...gabriel.... hahahahaha...hindi na...ahahahahaha...." hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa kanya.

"wow!! Ang sweet niyo naman." Tumigil si JG sa pagkikiliti sa akin at napatingin kami sa nagsalita. OH MY GOSH!!! RIGHT  INFRONT OF ME IS SI CRUSHY!! HUWAAHH!! Naramdaman ko ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko naging heart shape ang mga mata ko.

"hi kurt!!" nagpacute ako sa harap niya. ang gwapo gwapo talaga niya, nakakalaglag pan....panga.

"hello. Lika na sabay na tayo sa class?" i would love too!!! Waaahhh!! Me is malandi. Me is kinikilig. Me is... huwaaahhh!!!

"sige tara." Para akong lumulutang sa ere at lumapit sa kanya. Sinabayan ko siya sa paglalakad at nung medyo malayo layo na kami, i just heard JG whispered or say something.

JG's POV

"psh. Istorbo!" nakakainis!! Nakakainis talaga yang kurt nayan. Simula ng dumating siya dito, nabawasan ang members ng fans club ko, PERO wala akong pakialam dun. My concern is palagi nalang siya ang bukambibig ni yvonne. OO NAGSESELOS AKO, kasi.... kasi.... kasi BEST FRIEND KO SIYA. Oo tama, bestfriend ko siya. Kasi syempre baka mahook siya sa kurt nayan mawalan pa ako ng bestfriend.

Naglakad lakad ako dahil wala naman talaga akong klase. Mamayang 10 pa. Sinabayan ko lang talaga si JM para magkita kami ni Yvonne. Wala lang... AISH!!! Mga itsura niyo!! Walang nakakatuwa noh!! tsaka, gusto ko lang maibalik ang dati naming samahan at isa pa, iba naman ang gusto niya eh.

YVONNE's POV

Ngayon ko na ba siya tatanungin? Eh kasi, feeling ko si JG yung Secret admirer eh, kaso dinedeny lang niya. aish!! Kaso, nahihiya ako eh. Baka masaktan ako kapag sumagot siya. Baka magpakamatay ako. OUCH LANG YUN!!! >.<

"ano iniisip mo?" i came back to reality dahil sa boses niya. tumigil kami sa paglalakad at nakipagtitigan. Ang gwapo talaga niya, ang gentleman, ang bait, ang hot.. ang... haaaaayyysss siya ang man of my dreams ko.

"wala si JG kasi eh." Teka, bakit si JG ang reason ko? bakit ko naman iisipin yung lalaking yun?

"bakit kayo na ba?" grabeh!! Nagseselos ba siya?? Huwahhh!! Teka teka... ehem ehem... game game.... please... wag ka magselos kurt maylabs... teka luma na yun nagamit na yun ni mommy eh.. kurt darling ko... ayan, orig!!

"hindi noh!! bestfriend ko lang siya as in BFF. Imposibleng maging kami noh. as in big NO NO. Di kami bagay nun noh. yung lalaking yun? Psh!!! Tulo laway kapag natutulog, tapos kapag kinikiliti kung makatawa, grabeh.. kadiri kaya. Tapos..."

"woah!!! Tinatanong ko lang kung kayo. It's just answerable, by yes or no. Tsk tsk tsk... napaghahalataan ka talaga." napailing iling pa siya habang tumatawa ng mahina.

"eh HINDI KO NAMAN SIYA MAHAL EH!!!!" nakakainis tong si Kurt. Hindi ko nga kasi siya love eh.. CRUSH KO LANG SIYA EH!!

"hahahaha.... hey, ang tinatanong ko kung kayo. Hindi ko tinatanong kung mahal mo siya. Haaayyy!! Bahala ka nga diyan, nakakamatay kaya ang pagdedeny." Aahhh!! Naiinis ako!! Naiinis ako... ang gwapo niya kapag tumatawa.

"sabi mo y an ha... NAKAMAMATAY ANG PAGDEDENY. Alam mo ba may secret admirer si mei?" tumigil siya sa pagtawa at parang namutla. Waaahhh!! So siya?? ARAY!! OUCH!! IT HURTS... MAGPAPAKAEMO NA AKO... MAGPAPAKAMATAY NA AKO.. ASAN ANG PINAKAMALAPIT NA BRIDGE PARA TUMALON?? Teka papangit ako kapag nagpakamatay ako sa pagtalon. Lalasunin ko nalang sarili ko. aish!! Mamaya ko na iisipin ang pagpapakamatay, kailangan ko munang malaman kung sino ang lovelife ni bestfriend.

"bessy!!!" kumaway sa di kalayuan si Mei Mei. Gusto kong tawanan si Kurt kasi lalo siyang namutla.

"bessy!!" lumapit ako sa kanya at bumulong.

"may crush ako" tumingin ako kay Kurt na parang siya ang pinag-uusapan namin. Nakita kong nag-iwas ng tingin si kurt. Ang cute niya kapag nahihiya!!

"OMG!!  Talaga sino?" i smirked and looked at Kurt.

"si...." biglang tinakpan ni Kurt ang bibig ko. ang bango ng kamay niya. ang kamay niya na malambot. Pwedeng ikiss?? Huwaahh!! Ang tigas pa ng dibdib niya, feel na feel ko sa batok ko... HEAVEN ANG PAKIRAMDAM. Yakapin mo pa ako kurt darling ko....

"hahahha.. tara na yvonne. Malelate na tayo sa class natin." Nagtataka naman ang mukha ni Mei. We waved her goodbye saka humarap si Kurt sa akin.

"anong sinabi mo?!" nanlalaki ang mga mata niya sa akin. CUTE!!! Hahahahaha... ang cute cute mo talaga.

"secret!! May dapat ba akong sabihin sa kanya? Ok, let's go back sa ating topic kanina." I smiled at him. AYOKONG MASAKTAN. GAGAWA MUNA MUNA AKO NG LAST WILL KO BAGO PAPAKAMATAY.

"ikaw ba ang secret admirer ni best?" iniwas niya ang tingin niya sa akin.

*rrrrrrriiiiiiiiiinnnnngggggggg*

Kainis!! Hindi pa nga sumasagot si Kurt eh... hindi totoo ang saved by the bell  -.-

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon