Chapter 13 ♥♥ Love is Like....

267 5 2
                                    

MEI's POV

"kurt sige na. Kahit samahan mo nalang ako magpanail art." Hindi parin niya ako pinapansin. Ewan ko ba, para kaming ewan. Nagsawa na ako sa kakasuyo sa kanya kaya tinitigan ko nalang ang listahan ko. matagal ko na tong gustong gawin. Sa totoo lang, pangarap ko itong mga ito. Mga bagay na alam ko hindi ko magagawa. Simpleng bagay lang naman hindi pa niya ako mapagbigyan.

"psst... wag ka na nga magmukmok diyan. Tara na." Hinila niya ako papunta sa motor niya.  sinuot niya ang helmet niya at ang spare helmet sa akin saka sumakay. 

"saan tayo pupunta?" hindi ko maexplain ang feeling ko. para akong kinakabahan na ewan. "oi, KB saan ba tayo pupunta?" napatingin siya sa akin at hinubad ang helmet niya.

"ano?! Anong tawag mo sa akin?!" halaaa!! Galit ba siya? Ganito pala si kurt, pero ewan nakakatuwa na may nalalaman kang mga bagong bagay sa taong mahal mo.

"K-kb? Short fot kurt benedict?" nagsmile siya sa akin at tinaggal ang helmet ko saka kinurot ang pisngi ko.

"ahahahaha... nice. Hindi na ako mag-iisip ng endearment sayo. Sige, i'll call you ML. Sakay na. Pupunta tayong star city." Star city? Yung amusement park?! Yung madaming rides?! Parang biglang nagblanko ang utak ko at parang nagloloading ang mga nangyayari.

"uy!!! Meyen!! Natatanga ka na naman! Tara na!" narinig ko ang makina ng motor at napayakap ako sa kanya na muntik nang matumba ang motor.

"thank you!!! Thank yoouuuu!! Thank you KB!!! I love you *tsup* i love you *tsup* i love..." my kiss landed on his lips and i can feel he is grinning to me.

"ayan!! Enough nang thank you yan. and i love you more. Sumakay ka na. Madaming tao na mamaya." Before i ride his bike, naalala kong tawagan ang mga kaibigan ko.

"pwede isama natin sila JG at yvonne? Pati narin si patrick?" nakita kong biglang nawala ang ngiti sa labi niya. tumango nalang siya at narinig kong may binulong siya.

***

Matapos kong tawagan ang tatlo, we all agreed to meet sa entrance ng star city. Nakasakay palang ako sa motor pero nauna na ang utak ko sa star city. Tinitignan kong mabuti ang paligid dahil gusto kong tandaan ang bawat kalye at landmarks na dadaanan namin. Then, i saw the sign. Kahit naghahanap palang ng parking si kurt pero, gusto ko nang tumalon papunta sa entrance.

We held our hands together papunta sa entrance. Agad naming nakita ang tatlo na nakangiti sa pagdating namin. Bigla akong niyakap ni yvonne at bumulong.

"im happy for you bessy." I smiled at her.

Pumila na si kurt para bumili ng ticket namin habang naghihintay kaming apat. Napansin ko lang, JG is trying to be sweet with yvonne pero palaging hinaharangan ni yvonne at kay patrick lumalapit. Hindi ko sila maintindihan, pero nakakatuwa silang tignan. Nagulat ako nung may humawak sa kamay ko and i am happy that it was the only man im allowing to enter my heart.

"tara na. Excited na ang batang kasama ko sumakay ng carousel." I pout at him at kinurot na naman niya ang pisngi ko.

Pagkapasok palang ng entrance feel na feel ko na ang star city dahil bawat daanan namin, may star na symbol. May nakita pa nga akong couple shirt. Gusto kong bumili mamaya pag-uwi namin. Bigla kong naalala si mama at papa. Tinawagan ko sila at nagpaalam. Buti nalang at wala si yeye sa bahay dahil nag out of town daw dahil sa business.

Nagkahiwa-hiwalay kami pagkapasok namin. Una naming pinuntahan ni kurt ang star flyer. Akala ko naman kung ano kaya pumila naman kami. Nagkwentuhan pa nga kami habang nakapila. Napatingin ako sa ride dahil biglang may nagsigawan, then i just saw na binabaliktad sila at galing pa sa mataas ang pagbabagsakan. Pakiramdam ko, tinitignan ko palang sila, babaliktad na ang sikmura ko.

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon