YVONNE's POV
Pababa na ako papuntang first floor para masimulan na namin ni kurt ang mga plano namin para kay Mei. Naeexcite na talaga ako.... ok, first kailangan ko munang magpacute kay tito spring para pahiramin niya ako nung air balloon ng company nila. Tapos, kakausapin ko yung friend ko sa student council para sa.. ayyy!! Basta naeexcite na akooo...
"YVONNE!!" lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at saktong paglingon ko, may bumangga sa akin at natumba kami pareho sa sahig. Nasa taas ko siya at nakapikit ako. Hindi ko alam kung saan banda ang masakit sa katawan ko, pinapakiramdaman ko muna. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at halos mapasigaw ako, hindi dahil sa kung sino ang lalaki sa harap ko kundi dahil sa distansya namin sa isa't isa. JG is above me and our face, NO!! OUR LIPS IS JUST INCHES AWAY. Mauulit na naman ba ang kiss namin?!
"a-ayos ka lang?" tumayo siya at inalalayan niya akong tumayo. I could feel my face turn red nung naglapat ang mga kamay namin. Parang may kung ano na hindi ko maexplain. At bakit kailangang mautal?!
"ok lang. Bakit mo nga pala ako tinatawag?" bakit parang ang awkward awkward ng paligid. Nakakailang to the highest level. Tinignan ko siya para mawala ang pagkailang ko sa kanya pero siya naman ang nag-iwas ng tingin.
"ahhh.. a-ano, na-natanggap, i mean nakita m-mo ba y-yung letter ko sayo?" napatingin ako sa kanya. Letter? Anong klaseng letter? Parang unti unti pang nagloloading sa utak ko ang mga pinagsasasabi niya. hanggang sa may biglang pumasok sa isip ko.
"I-IKAW?!" kung kanina, medyo nakakailang ngayon parang gusto kong hambalusin na saksakin na ihulog ng paulit ulit sa building, pero wag baka ako ang isunod ni ninang.
"ahhh... o-oo. Hehehe.. sensya na ha hindi ko blah blah blah blah" hindi ko na pinakinggan ang mga pinagsasasabi niya dahil naghahalungkat ako sa bag ko. kahit na nanlalabo ang mga mata ko, pilit ko paring hinanap ang lukot lukot na papel na yun. Alam ko wala naman talagang kwenta ang laman nun pero, ewan ko ba parang may nagsasabi sa loob ko na itago yun. Siguro ito na yun, para isoli sa kanya.
"ITO BA?! AYAN LAMUNIN MO! ANG KAPAL NG MUKHA MONG SABIHAN AKO NG GANYAN. BATA PALANG TAYO JG ALAM KO WALANG PAG-ASA NA MAGKAGUSTO KA SA AKIN PERO, JAY NAMAN WAG MO NAMAN AKO PAGTRIPAN. ANG SAKIT EH." Ibinato ko sa kanya ang papel while leaving like an idiot. Buti nalang walang tao sa third floor dahil may usap usapan na may multo daw dito at isa pa puro office ng mga orgs ang nandito.
Dumiretso ako sa cr at wala akong pakialam kung nakasunod siya o hindi. Sinara ko ang pinto at nilock. May usap usapan na may nagpapakitang white lady sa cr na ito pero wala akong pakialam kasi naiiyak ako. Ewan ko kung anong nangyayari sa akin. ARRRRGGGHHH!! I HATE YOU JOSH GABRIEL RAMIREZ!!
MEI's POV
Sobrang weird ni yvonne. Kahapon lang umiiyak siya sa akin at hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya dahil puro hikbi ang naririnig ko tapos ngayon ang saya saya niya, but i can see through her eyes na malungkot siya.
"halika na dali!!" hila hila niya ako at niyaya pa akong magcut ng class namin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin but then we stopped in the middle of the quadrangle. Tumayo lang kami doon at parang ewan si yvonne.
"dyan ka lang bessy ha. Wait ka lang diyan. Count ka ng 1 to 5 tapos tingin ka sa langit. ok?" i nod at her. weird. Ano bang meron? Tumingin ako sa langit pero wala naman akong nakita. Pagtingin ko sa tabi ko wala na si yvonne. Sisimulan ko na bang magbilang?