Chapter 9 ♥♥ Confessions

225 8 0
                                    

YVONNE's POV

Natapos nalang ang klase namin ni kurt na hindi ko nacoconfirm kung siya ba o hindi ang secret admirer ni bessy. Eh pano ba naman, kapag tatanungin ko siya, it's either lalayo siya sa akin or sasagutin niya ako ng mandarin. Aba!! Kahinaan ko kaya ang mandarin. Kainis siya. Nung nagbell naman bigla nalang nawala sa room. I tried to search for him pero useless. May ninja sigurong dugo yun.

Kaya, eto ako ngayon papunta sa next class ko with mei. Nakakadisappoint, na nakakainis.. arghhh!!!

"yvonne, ok ka lang?" nasa tapat na pala kami ng classroom ni mei. Napansin ko na hindi ko pala dala ang book ko.

"yeah, im fine. Teka may kukunin lang ako sa locker ko. una ka na sa loob." I didn't wait for her answer dahil tumakbo na ako pababa sa first floor dahil nandun ang locker ko.. GAWD!!! Sa susunod, ipapalipat ko na locker ko. KAPAGOD!!

Few inches from my locker ay locker ni Mei. Pagkasara ko ng locker ko ay parang nakita ko si Patrick na may hawak na rose. Para nga siyang nagdadalawang isip na idikit ang rose sa locker ni bessy eh. Waaahhh!! So,teka siya ang SECRET ADMIRER??!!

I did not waste my time dahil nilapitan ko siya kaagad.

"hey!!" i tap his shoulder at naramdaman ko ang pagkagulat niya.

"ay putangina ka! ano ba?!" sungit talaga nito. Gangster na gangster. Syadong censored ang mga pinagsasasabi.

"so, ikaw pala ang Secret admirer ni Mei ha. Wait till-hmmmmmmpppppp" sinandal niya ako sa locker at tinakpan ang bibig ko.

"shut your f*cking mouth. Pwede ba wag ka maingay kundi malilintikan ka sa akin." Halatang tensed siya dahil nanginginig pa ang mga kamay niya na nakatakip sa bibig ko. hinawakan ko yun at unti unting binaba.

"hehe.. easy lang po Mr. Gangster. Tutulungan naman kita na mapalapit kay Mei eh." Nag iwas siya ng tingin pero, hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap sa akin.

"tutulungan kita, sa ayaw at gusto mo."

JG's POV

BORING....

Ang boring kapag wala ka nang class. Ayoko pa umuwi kasi kapag umuwi na ako, hindi ko na masasabayan umuwi si Yvonne. HEY!! Gusto ko lang sumakay sa kotse niya. si daddy kasi ayaw ako bilhan eh.

I accidentally dropped by the locker at may nakita ako. Kinusot ko pa nga ang mata ko kasi parang namamalikmata ako eh. SI YVONNE BA YUN AT... teka, SI PATRICK CHIN BA YUN?? AND ARE THEY KISSING?!

Si yvonne, may.... may ..... may humalik nang ibang lalaki sa... *Gulp* lips niya?! noooo!!!!

Hahakbang na sana ako papunta sa kanila nang bigla silang naghiwalay at mukhang masaya pa si yvonne. Pero, bakit ganun? Diba kapag nagmemake out, magulo ang buhok? Halaaa!!! Ambilis naman mag-ayos ni Yvonne. Arrrggghhh!!! Kakausapin ko nga yan patrick nayan!! Pero, teka!! Takot akong mabugbog, baka si daddy ang bumugbog sa akin.

Aish!!! Bahala na nga!!

YVONNE's POV

Nakabalik na ako ng classroom at buti nalang wala pa ang prof. Tumabi ako kay mei na parang anlapad lapad ng ngiti sa mukha. I gave her a look at nung papaupo na sana ako sa upuan beside her, nung napansin ko ang papel. Pinulot ko ito kasi akala ko kay mei, but i was wrong. IT WAS ADDRESSED TO ME.

Teka teka.... ehemm ehemm... kailangan may poise pagtili ko sa POV ko... wait wait... game... 1...2...3.. KYAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!! Me is may Secret admirer!!! Me is maganda!!! Halaaaa!! Kanino kaya galing ito?? Kay taecyeon? Kay nickhun?? O kay wooyoung?? Halaaaa!! Bakit puro 2pm yun?!! Baka makalas sila dahil sa akin.... ahahahah.. ok O.A imagination ko.

Binuksan ko ang papel. Actually, para siyang greeting card. Pero, imbes na matuwa ako parang ansarap ibato pabalik sa nagbigay?! Alam niyo kung ano nakalagay?!

Sa front page, nakalagay yvonne... pagdating sa second page.. ang pangit pangit pangit pangit mo. Ikaw na ang pinakapangit na babae sa buong mundo. Ang clumsy mo kumilos,isip bata ka at parang hindi ka isang dalaga..at kahit anong gawin mo, ikaw ang pinakahuling babaeng magugustuhan ko.

Oh diba sino ba naman hindi maiinis?! Makikita niya hahanapin ko siya. Padabog akong naupo sa upuan ko and i feel like crying. Alam ko, hindi ako kasing dalaga kumilos ni Mei, hindi rin ako masyadong palaayos, pero para pagtripan ako ng ganun, nakakasama ng loob.

"patingin ako." Tinago ko ang papel na lukot lukot na. Ewan ko ba, kahit na ansarap itapon para bang gusto kong itago? Kasi, ito ang unang letter na natanggap ko from an anonymous guy. Ewan!! Arrrgghhh!!! Ahh basta kahit anong sabihin niya, hinding hindi ako magbabago.

MEI's POV

Napansin ko ang pananahimik ni yvonne simula nung nabasa niya yung letter. I could feel that she is really disappointed. Natamik na siya hanggang sa ako naman ang nabwusit.

"anong ginagawa mo dito?" ewan ko ba, may sakit ata talaga to minsan mambwusit sa akin. Noong nakaraan, inasar lang naman ako ng inasar ng kung ano ano. Tapos, kanina nung nakasalubong ko siya, kinurot ng kinurot ang pisngi ko. you know how i hate pinching my face.

"init ng ulo mo. Di ba pwedeng makiseat in dito?" i raised my eyebrow. Nakakainis!! Im sure may binabalak na naman siyang masama.

"alis nga diyan. Tabi kami ni precious yvonne ko." ANO??!! ULIT??!! PRECIOUS YVONNE?! KELAN PA?? Parang biglang nanghina ang tuhod ko. ang sakit sakit sa dibdib. Ang hirap lumunok, ang hirap kumilos. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakalipat ng upuan eh.

I can't even concentrate with my lessons dahil hindi mawala ang focus ko sa lesson. Bakit ganun? Bakit ang sakit sakit? It's not just an ordinary pain kapag nasusugatan ka. Parang tagus tagusan sa loob eh. Arghhh!!!

"salamat kurt. Gumaan ang loob ko. see you later." Hindi ko maintindihan ang sarili ko. bakit ako nagagalit sa kanilang dalawa? Bakit ganito?! I should not be feeling this!! Arrggghhh!!! I hate it!!

"Mei, ang jolly talaga ni kurt kausap. Gumaan pakiramdam ko sakanya. Sige have to go. May class pa ako eh." She waved me goodbye at patalikod na sana ako nung bigla siyang sumigaw.

"KILALA KO NA ANG SECRET ADMIRER MO!!"

Sasagot pa sana ako nung biglang nagring ang cellphone ko.

Papa calling...

I answered my phone at sinabi nila na may fine dining daw kami sa isang restaurant. I guess, i have to dropped by the mall para mamili ng gagamitin ko.

Exactly 7 o'clock nung dumating ako sa restaurant na sinasabi nila. It was a chinese restaurant and the four of them are seating in a circle table for 10 persons. OO apat silang naghihintay sa akin. Si papa, si mama, si yeye at si nai nai. I release a deep breathe before approaching them.

“Wǎnshàng hǎo (good evening)” i bowed to them then naupo na ako sa pagitan ni mama at papa. I saw that they are only drinking tea. Kapag ganito na wala pang food, ibig sabihin may hinihintay pa kaming iba.

“Hái yǒu shuí zài děngdài wǒmen qǐng? (sino pa po ang hinihintay natin?)” i asked them with a smile on my face.

“Nǐ de wèihūnfū (your fiance)”

MY WHAT?! SHOOT!! Muntik ko nang maibuga ang tea ko.... waahhh!!! Noooo!!!!

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon