Chapter 5 ♥♥ Their Day

401 10 0
                                    

Sabi sa isang quote, kapag nagsusulat ka, you have to tell both sides of the story? Eh ano ba talaga ang nangyari kay JG at yvonne at ganun nalang ka awkward ang moment nila??

JG's POV

Well, hello. Kilala niyo naman siguro ako. Im the first born child ng pinakakontrobersyal na mag-asawa. Im 17 years old and taking up political science. Simula pagkabata, i was raised to be a responsible big brother to my younger siblings at buong buhay ko, i was being silent about my true feeling. Playboy ako inaamin ko yun, pero yun ay dahil gusto kong takpan ang nararamdaman ko sa isang babae.

"JG ikaw na ba yan?" i heard my mom calling from the kitchen. Kakahatid ko lang kay Yvonne at Mei. Yvonne was my long time bestfriend at halos magkapatid ang turingan namin. At si Mei, i just met her nung junior days namin sa high school. I had this huge crush on her at pakiramdam ko wala akong panama sa kanya. Mayaman siya and she has a chinese blood kaya mahirap.

Tuloy tuloy ako hanggang sa kitchen and i regret na sumilip pa ako.

"winter ano ba!!! Ang kulit mo nagluluto ako eh."

"bakit ba?? Asawa naman kita ah??"

See, i told yah!!! Ayoko na ikwento ang susunod dahil rated SPG na.

"mommy!! Nagugutom na akoooo!!!"

"ako din mommy!!!"

Nakita kong nag-uunahan na sa pagbaba ng hagdan ang mga kapatid ko. SI Kris at JM. Wag kayo mag-alala, boy si kris at girl si JM. Kristoff adrian is  7 years old at 14 years old naman si Julienne Margarette. Magkasundo sila dahil madalas silang magkasama. Busy na kasi ako dahil college na.

Hindi ko na ikukwento pa ang lovestory ng mga magulang ko coz i know you know every single detail of it.

"oh!! Andyan ka na pala JG. Sige na magpalit ka na doon ng damit at kakain na tayo." I kissed my mom on her cheeks so as my dad. I even tap the head of kris before going. Napadaan ako sa salas at sakto naman ang pagring ng telepono and I picked it up.

"hello? Ramirez residence, this is josh, how can i help you?" yan daw ang tamang pagsagot ng phone sabi ni mommy. Parang pang call center lang diba?

(JG!! Si ninang summer mo ito. Sabihin mo sa nanay mo, on the way na kami. Ambagal kasi ng ninong heaven mo palibhasa matanda na. Sige yun lang bye.)

Teka??? Dito sila kakain?? Sila ninang?? Ibig sabihin kasama si Yvonne??!!! SHOOT!!!

Tinagalan ko ang pagsashower at pagstay sa loob ng kwarto. Para kasing ayokong makita si Yvonne?? Nakakailang kasi eh.

"kuya, bumaba ka na daw sabi ni mommy." Sumilip si kris sa kwarto ko at naabutan niya akong naglalaptop. Anubang magandang excuse para hindi kami magkita ni yvonne?? Ok!! Kaya mo yan JG. It's just a... uhmmmm.... kiss?? Waaahhh!! Aish!!! Nababaliw na ako!! Bakit kasi kamukha ko pa si wooyoung eh.. eh di sana hindi na nangyari lahat ng yun!!

Pagbaba ko ng hagdan, nagulat ako dahil nakasalubong ko siya.

"ehem..." i could feel the awkward air around us. Nag-iwasan pa kami ng tingin. Alam kong alam niyang ayaw na naming pag-usapan ang tungkol sa nangyari kanina.

"uhhmmm... JG, about ka-kanina..." syeet!! Ito ang ayoko eh. Ayoko nang pag-usapan ang tungkol sa nangyari kanina.

Umiling ako and tap her head. I just felt a sudden volts of electricity travelling though my skin. Hindi!! Sagad pa eh!! Para bang sa bawat ugat ko sa katawan may kuryente akong nararamdaman. Ito rin ang naramdaman ko nung nagdampi ang mga labi namin kanina.

"wag mo na isipin yun. Isipin mo nalang parang halik ng kapatid lang yun."

"halik??!! Sinong naghalikan?!" napatingin kaming dalawa sa likod ni yvonne. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. si tito heaven kasi ang nagtanong. Anong isasagot namin?

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon