Chapter 15 ♥♥ Changes

194 3 0
                                    

MEI's POV

It's been three months since naging kami ni kurt at andaming nang pinagbago sa sistema ng circle of friends ko. kung dati, tatlo lang kami, ngayon lima na. Yes, lima kami dahil madalas na rin naming nakakasama si patrick, although minsan sa gang niya siya sumasama. Next eh ang development ng mga lovelives. Si JG at Yvonne, ligaw stage parin hanggang ngayon pero ang parents nila kasal na ang pineprepare. Si patrick, hanggang ngayon wala paring lovelife but hindi kami susuko dahil ihahanap at ihahanap namin siya. At kami ni kurt, well maraming mga pagbabago. Syempre nandyan parin ang mga awayan at tampuhan. We are not a perfect couple. Minsan, nag-aaway pero mga small fights at magkakabati din at the end of the day.

"patingin na kasi ako mei mei. Andamot mo naman!!" biglang sumimangot si yvonne at nagcrossed arm pa. Pasulyap sulyap siya sa akin dahil gusto niyang suyuin ko siya.

"mamaya na nga pagdating ni KB. Dapat sabay kami." Nasa cafeteria kami ngayon at hinihintay ang mga lalaki. Si JG at Patrick nasa court dahil mga varsity na sila ng basketball team ng school. Si kurt naman may klase pa.

"ehhhhh!! Pareho lang naman kayo eh. Sige na please?? Bessy naman eh!! BFF forever tayo diba? Magkukunwari nalang akong nagulat kapag pinakita na ni kurt ang kanya." I just rolled my eyes at tumingin nalang sa pintuan ng cafeteria. Dapat kasi kanina pa tapos ang klase ni kurt hindi ko alam kung bakit natagalan siya.

*Boy I need a boy
Mwol hedo ipeun...*

 

"woi!! Intsik na mahilig sa kpop!! Cellphone mo nagriring." Nakita ko nang umiilaw ang cellphone ko at si kurt ang tumatawag.

"KB! Asan ka na ba? Nandito kami ni Yvonne sa cafeteria." Narinig ko na parang maingay ang background niya. nasa classroom pa siguro siya. Rinig ko pa ang sigawan ng mga classmates niya eh.

"ML sorry hindi ko kayo mapupuntahan ngayon diyan. May pinapagawa kasi samin ang prof namin next week na ang pasahan. Sorry ML, babawi ako sayo next time i love you." Then he hung up.

Dahan dahan kong binaba ang phone. I felt disappointment. Hindi manlang niya naalala kung anong araw ngayon. Third monthsary namin at ngayon namin ipapakita ang tattoo namin sa barkada. Last week kasi nagpatattoo kaming dalawa. Remember my list? Nagawa na kasi namin ang number two last monthsary namin kaya nagpatattoo kami. Nakakainis! Haayysss.. tapos hindi pa niya ako binati.

"bessy, si kurt ba yun? Sa itsura mo, parang nahulaan ko na ang nangyari. Hindi niya naremember? Ok lang yan. sa susunod kasi papainumin mo si papa kurt ng memoplus gold para hindi nakakalimot. Lika na kain nalang tayo." Parang nawalan ako ng gana na kumain dahil sa nangyari. Tatayo na sana kami para pumila nung cellphone naman ni yvonne ang nagring.

"hello?.... Ha?..... Ano nangyari?....... Sige sige papunta na kami diyan." Nung binaba niya ang phone agad agad niya akong hinila papalabas. Takbo lang kami ng takbo at naririnig ko ang hikbi mula sa kanya. Nakarating kami sa gymnasium at pinunasan pa niya ang luha niya pero patuloy lang lumalakas ang iyak niya.

"b-bessy?" nilapitan ko siya at marahang tinapik ang balikat niya.

"bessy!!" bigla siyang napayakap sa akin at wala akong naiintindihan dahil puro hikbi lang ang naririnig ko.

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon