Chapter 43 ♥♥ Fight For Love

134 1 0
                                    

 MEI's POV

Hinatid ako ni Ella at Patrick sa bahay pagkahatid namin kay Yvonne. Dinig na dinig ko ang tawanan ng magkapatid papasok palang ako ng gate.

"Hello." napatingin sila sa akin at sinalubong agad ako nila ng yakap.

"saan ka baa galing ate yen? kanina pa naghuhurumintado si kuya kasi inaantay ka. Nakipagdate ka daw. ayaw ngang kumain eh." ngumiti lang ako sa kanila at pumunta sa kwarto ko para makapagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto, halos mabunggo ko na ang malapad na dibdib na nasa harap ko.

"saan ka ba galing?" galit na galit ang boses niya habang tinatanong ako. Medyo natakot ako sa tono ng boses niya. bigla siya tumalikod sa akin naglakad.

"magluto ka na. nagugutom na ako." nakakainis!! noong nakaraan, parang ang sweet sweet niya sa akin ngayon parang katulong na naman trato niya sa akin.

"antagal tagal kong nasa labas hindi ka nagpaluto sa mga kapatid mo. di ka naman pipi para hindi mo masabi sa kanila na gutom ka." bulong ko sa sarili ko kahit na gusto kong iparinig sa kanya.

"di ba obvious na mas gusto kong ikaw ang magdala ng pagkain sa akin? gusto kong ikaw ang nagsisilbi sa akin. mas gusto ko  kapag malapit ka sa akin. kahit napipilitan ka lang, I feel special." natigilan ako sa sinabi niya. para bang nagprocess pa sa isip ko ang sinabi niya. Nanlaki pa nga ang mata ko at gusto kong matawa hindi dahil sa corny but I felt a warm touch inside. para bang biglang kiniliti ang kalamnan ko dahil sa mga sinabi niya.

"oo na, magluluto na ako, andami mong landi. korny mo. wag mo akong sisisihin kapag hindi masarap ha." wala akong choice kundi bumaba at magluto dahil kapag tumagal ako kasama siya, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Dinala ko kaagad sa attic ang pagkain niya. agad naman niyang kinain kahit na medyo napapangiwi siya dahil sa lasa. I watch him while eating and somewhat it flattens me.

"d-diba, sabi ko sayo hindi masarap. sa susunod hindi na ako magluluto." napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.

"hindi nga masarap pero pwede na. pwede pa naman maimprove eh. sa susunod galingan mo nalang." kumain ulit siya at sinubuan pa ako. medyo nagulat ako sa action niya kaya medyo napaatras ako pero pinilit parin niya ako kaya kumain narin ako. Medyo maalat pala ang lasa ng niluto ko.

Kinuha ko na ang pinagkainan niya at ibababa na sana nang bigla akong nakaramdam ng mainit na yakap mula sa likod ko.

"sa susunod, wag ka nang mawawala ng matagal. namimiss kita lalo eh." naramdaman ko ang puso ko na lumukso at parang gustong lumabas sa dibdib ko. Bakit ganito katindi ang epekto ng puso ko kapag malapit ako sa kanya?

PATRICK's POV

Ilang araw narin kaming hindi nagkikita ni mei dahil kay Mica. Medyo nagseselos parin siya kay Mei. Ngayon, aalis na naman ako para magtrabaho. Buti nalang mabait ang landlady naming at pinayagan akong kahit paextra extra lang sa tindahan niya. Isa pa si mica din tumutulong sa palengke na minsan nang naging dahilan ng pag-aaway namin. Andami kasing nanliligaw sa kanyan dun eh. NAKAKAINIS!

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon