MEI's POV
"Mei tama na yan. Baka hindi ka na makauwi sa inyo." pilit na kinukuha ni Yvonne sa akin ang baso ng alak pero hindi ko binibigay sa kanya.
"hmmm... pabayaan mo nga ako!! m *hik* minsan lang *hik* naman ito eh." minsan lang to. minsan ko lang kakalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. last na to. pagkatapos nito wala na. tuluyan ko nang makakalimutan si Kurt.
"bessy, kesa uminom ka diyan bakit hindi mo nalang ikwento sa akin? lahat lahat pati ang nararamdaman mo.
***
dumating ako sa bahay at madilim na ang bahay. wala pa si kurt sa kwarto niya kasi hindi ko pa nakikita ang kotse niya. dire-diretso lang ako sa kwarto ko at napaidlip ako. nagising nalang ako dahil sa pag-uusap sa salas. napababa tuloy ako at nakita kong nag-uusap si yeye at kurt.
"lo, ayokong umalis. pwede naman akong mag-aral dito eh. maraming magagandang eskwelahan dito." aalis si kurt? bakit hindi ko alam? bakit kailangang sa ibang bansa pa siya kailangang mag-aral.
"bakit? dahil ba kay Mei?" nabigla ako sa sinabi ni yeye. ako? bakit ako? nakita kong napayuko si Kurt sa sinabi ni lolo. so totoo nga? ako ang dahilan niya?
"i know that you are still inlove with your sister. Kaya ko ito ginagawa para makalimutan niyo na ang nararamdaman niyo sa isa't isa. magkapatid kayo tandaan niyo yan. You are leaving the country with your mother, whether you like it or not." tumayo si yeye at nakita kong paakyat na ng hagdan. agad akong tumayo at nagkunwaring wala lang nangyari.
"good evening po yeye." hindi niya ako pinansin at nagtuloy tuloy lang siya papunta sa kwarto niya. Nakita ko si kurt na nakaupo parin sa couch at nagdire-diretso lang ako sa kusina para kumuha ng tubig.
Hindi ko pa naiinom ang tubig sa baso dahil sa sobrang pag-iisip sa narinig ko. ayaw ko siyang umalis pero mali itong nararamdaman ko. siguro tama din si yeye para narin makalimutan ko ang nararamdaman ko. pero syet!! sabi ni yeye, he is still inlove with his sister. hindi ko na alam!!
"mei..." nanigas ang katawan ko dahil sa boses na narinig ko. agad kong inubos ang tubig sa baso at aalis na sana ng kusina.
"mahal kita." para akong nanlambot sa sinabi niya. so totoo nga. hanggang ngayon mahal pa niya ako. bakit.... bakit...
"mahal?! bakit ano ba ang pagmamahal sayo joketime? anong susunod nito? kakalimutan ko nalang ulit kasi nagjojoke ka lang?! tell me anong klaseng laro to?! nakakag-" shit!! i miss him.
he is kissing me and kahit na anong pagtatalo ng puso't isip ko, hindi ko parin maitatanggi na hinahalikan ko rin siya. i missed his kisses na nagpapahina sa buong kalamnan ko. wala na akong nagawa dahil sobrang nanghina ako kaya't napahawak ako sa braso niya.
"i love you. i still love you. tandaan mo yan. walang nagbago sa nararamdaman ko sayo. ipaglalaban kita kapag kaya ko na. lalayo tayo dito. malayong malayo sa mga mata nilang mapanghusga. hintayin mo ako. babalikan kita."
***
"aiyiiieee!! ang sweet naman pala ni Kurt eh!!!" pinalo palo pa ako ni Yvonne dahil sa sobrang kilig niya. dapat ba akong kiligin? ano pagkatapos nun, itatakwil ako ni yeye? isa lang ang gusto kong makuha sa pamilyang ito respeto. gusto ko na siyang kalimutan, hindi ba niya kayang ibigay sa akin yun?
*krrrrriiiiiiiinnnnggggg*
"wait ka lang bessy ha. dito ka na muna si JG tumatawag eh." hilong hilo na ako at hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. nilingon ko kung saan pumunta si Yvonne pero nanlalabo na ang paningin ko. tumayo ako pero nawalan ako nang malay. naramdaman ko nalang na may sumalo sa likod ko.
KURT's POV
babalikan ko si Mei. Ipaglalaban ko siya kahit na anong mangyari. Lumabas siya ng bahay pagkatapos namin mag-usap at hanggang ngayon hindi parin siya umuuwi. saan kaya siya pumunta nag-aalala na ako sa kanya.
*KRIIIIIIIIIIINNNNNNGGGG*
kinuha ko ang cellphone ko at tumatawag pala si yvonne.
"hello? gabing gabi na ah."
(KURT SI MEI....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.....nawawala)