YVONNE's POV
"wait ka lang bessy ha. dito ka na muna si JG tumatawag eh." tumango lang sa akin si Mei at nakikita kong nahihilo na siya. Matutulog lang naman ito kapag lasing na eh. sabi ko nalang sa sarili ko bago tuluyang lumabas sa bar para sagutin ang tawag ni JG.
binalikan ko si Mei sa stool nung tapos na akong makipag-uusap kay JG pero halos himatayin ako ng makita kong wala na si Mei sa pinag-iwanan ko sa kanya. I tried to calm down at hinanap ko siya sa buong bar simula sa dancefloor hanggang sa parking lot pero wala ni anino ni Mei Lien wang ang nakita ko. Due to my panic, si Kurt ang agad na naisipan kong icontact.
(hello? gabing gabi na ah.) kahit na masaya ang pagkakabati niya sa akin, alam kong malungkot siya at ayoko na sanang dagdagan pa ang lungkot niya. Pero, anong magagawa ko? siya lang ang makakatulong sa akin kay Mei.
"KURT SI MEI, nawawala" hindi na siya nakasagot sa kabilang phone at narinig ko nalang ang pagbukas ng makina ng sasakyan niya. Naiiyak na ako sa pwesto ko ngayon. Sari-saring bagay ang pumasok sa isip ko.
I waited outside the bar so much confused. nasan ba kasi si Mei? ilang beses ko naring tinawagan ang cellphone niya pero hindi naman niya sinasagot. Ano bang naisip niya at umalis siya? Kung nahihirapan na siya di naman niya kailangang umalis eh. Kaya nga kami bestfriend para sabihan niya ng problema niya eh. Bakit pa kasi niya kailangang problemahin si kurt? Kasalanan ko to eh. alam ko namang may problema siya iniwan iwan ko pa siya. Ang sama sama kong bestfriend!! naiinis ako sa sarili ko!!!
"JY....." agad akong napayakap kay JG nung dumating siya. puro hagulgol lang ang nagawa ko at sobrang nabablanko na ako. Hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa sobrang panic.
"JG...... i-it's m-my fault....... k-kung h-hindi dahil s-sa akin hindi m-mawawala s-si Mei..... " marahan niyang hinaplos ang likod ko but it never ease my pain. lalo lang akong nakokonsensya sa nangyari.
Dumating sa bar si Kurt at tinulungan niya kaming hanapin si Mei. Nung pareho kaming napagod na tatlo, napaupo nalang kami sa tapat ng bar at tinawagan na ang mommy ni Mei.
"BAKIT MO KASI SIYA PINABAYAAN?! KASAMA KA NIYA DIBA?!" nag-init ang ulo ko sa paninisi ni Kurt sa akin. tumayo ako at hinarap siya.
"KASALANAN KO? EH GAGO KA BA?! IKAW NAGDALA NG LAHAT NG PROBLEMA SA KAIBIGAN KO. SANA HINDI KA NALANG DUMATIN SA BUHAY NIYA. DAHIL SAYO, NAGULO SIYA. BAKIT BA GANYAN KAYONG MGA LALAKI? KAPAG NAKIKITA NIYONG OK NA ANG BABAE, GUGULUHIN NIYO LAHAT?! WAG KA SELFISH KURT, WAG MONG ISISI SA IBA ANG GINAWA MONG KASALANAN." i bitterly wipe my tears at umalis na sa harap niya. wag niya akong sumbatan na ako ang may kasalanan dahil wala siyang alam sa iniisip ni Mei.
***
it's been three days simula ng mawala si Mei pero hanggang ngayon hindi parin siya nakikita. Nagpatulong narin kami sa mga pulis pero hindi parin siya nakikita. Everyone was so frustrated on finding her. Simula ng mawala siya, hindi pa ako lumalabas ng bahay. trying to contact her pero wala talaga eh. wala din namang tumatawag na kidnappers sa amin so we all assume that she run away.
"Ate si JG nasa baba gusto ka daw makita." sumilip si Sunny sa kwarto ko and i am lying on my bed. Tatlong araw ko na ring hindi nakikipagkita kay JG. Alam ko kahit hindi nila sinasabi ako ang sinisisi nila sa pagkawala ni Mei. For three days, patuloy lang nila akong kinukulit na lumabas ng bahay pero hindi ko sila sinusunod. As if kapag lumabas ako makikita ko ang bestfriend ko. I want Mei back.