MEI's POV
Magang maga ang mata ko dahil sa kakaiyak kagabi. I don't know kung bakit ako umiiyak? Umiyak ba ako dahil sa ginawa ko kay yvonne o dahil sa sinabi ni kurt sa akin kagabi?
"mei, 25 and 547. Remember that. Please, be yourself again." The same feeling i felt the moment he said those words. Parang may kung anong tumusok na naman sa nagmamatigas ko nang puso. Ganun ba talaga? kahit anong tatak ang gawin mo sa puso't isip mo na hindi mo na siya mahal, sa tuwing nakikita mo siya bumabalik at bumabalik ang lahat ng nararamdaman ko.
"good morning." Napangiti ako sa taong bumungad sa pintuan ng kwarto ko. tuloy tuloy siya sa pagpasok at naupo sa kama k. The moment he sat on my bed, agad ko siyang niyakap at umiyak sa balikat niya.
"shhhh... i heard what happened. Bakit mo ba ginawa yun? Mei, pati ba naman si yvonne?" tinignan ko siya sa mga mata at kitang kita ko ang pag-aalala mula rito. He wiped my tears away and i smiled bitterly. Ang sakit isipin na ang taong nasa harap mo ay ang taong alam mo sa sarili mo na kahit kailan ay hindi mo magagawang mahalin.
Minsan sa buhay natin, may mga taong dadating para maging lakas natin at sandigan. Mga taong malaki ang parte sa buhay natin pero alam natin na hindi sila magtatagal. Magbibigay lakas lang sa atin at patatatagin tayo.
"i... *Sniff*... i'm sorry." Niyakap niya ko ulit at nahiga kaming magkayakap sa kama ko.
Kinuwento ko sa kanya ang lahat. Na nagkita kami ni JG sa isang bar. Bitch lang syempre ang dating ko, dala ng kalasingan. Kung sino sino na ang humawak sa akin at syempre si JG pinagtatanggol ako. Alam ko that time nag-away sila ni yvonne eh. We are both tipsy dahil parehong broken hearted.
"then, what happened?" nakakumot na kaming dalawa at nakayakap siya sa akin. Pero, walang malisya ha. Parang friendly approach lang.
"wala. Niyaya niya akong umuwi na. Ihahatid niya ako syempre kasi siya matino pa ang pag-iisip ako gumegewang na ang paningin." Nakatingin ako sa kanya na patulog na. Ganyan yan!! kapag nahihiga sa kama ko, palaging nakakatulog.
"tapos, nagmake out kayo sa kotse niya?" marahan akong tumango.
"pero walang nangyari ha!! Lasing lang naman kami nung araw na yun. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at hinalikan ko si JG kahapon." Napadilat si patrick at tumingin sa akin.
"hindi ko din alam patpat. Naguguluhan ako. Naiingit siguro ako. Kasi, masaya sila. Kasi sila, walang iniintindi. Samantalang ako.... ARAAAAAAAAAAAAAYYY!!!" hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil sa speech ko o dahil sa kurot ni patrick sa ilong ko.
"ang arte arte mo!! Pwede ba kalimutan mo na yang kurt benedict salcedo slash wang na yan. alam ko, hindi ako ang lalaking naiimagine mong maghihintay sayo sa dulo ng altar. Tama na siguro yung katabi nung lalaking mag-aantay sayo sa altar. Tsaka yung taga sigaw ng ‘itigil ang kasal' tama na sa akin yun." I just rolled my eyes at nagcrossed arms. Niyakap niya ako ng mahigpit at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.
"hahahaha. Cute talaga. pero seryoso, alam ko hindi ako o si kurt ang lalaking maghihintay sayo sa altar. Kaya sana mei, kalimutan mo na siya kasi hindi siya ang para sayo. Dahil kung para sayo siya simula't sapul hindi na ganito kalaki ang problema. Tama ako diba?" tinignan ko siya at niyakap ng mahigpit. I cried all over again dahil naalala ko na naman ang sinabi ni kurt sa akin kagabi. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.