Chapter 7 ♥♥ Secret Admirer

272 10 0
                                    

MEI's POV

Ilang buwan na simula ng nagtransfer si kurt sa school namin. Marami na rin ang nagbago. Simulan natin sa kanya. Isa na ata siya sa campus heartrob at i swear marami ang nagkakagusto sa kanya. I also started receiving gifts sa locker ko, minsan naman nasa table ko pagpasok ko ng room. I still dont have idea kung sino. And si Mr. Gangster, hindi na namin siya nakakasalubong pero kapag ako lang mag-isa i often saw him watching at me.

Si kurt parin ang partner ko sa zoology class namin at lalo pa kaming naging close. Minsan nagkakaasaran at naging close kaming apat ni JG at Yvonne. Speaking off, nagbalik ang dating closeness ng dalawa pero parang may kakaiba eh. Something in between them.

"hoy!! Meyen!! Tulalers ka na naman!!" ganito si kurt sa akin, bigla biglang susulpot at kukurutin ang pisngi ko. Meyen parin ang tawag. Palagi kong kinokorek pero in the end yun parin ang tawag niya sa akin.

"masakit!! Akala mo ba!!!" tinabig ko ang kamay niya sa pisngi ko. masakit kaya!! One time nga, namasa ang pisngi ko sa sobrang panggigigil niya. hindi niya mahawakan ng ilang araw kaya ilong ko ang pinuntirya. Nakakainis!! Naiinis ako kasi, hindi parin matanggal ang kuryente sa tuwing hinahawakan niya ako.

"hahhahahaha... hindi. Tsaka ikaw naman ang nasasaktan hindi ako eh." I just glared at him. Sa tuwing siya ang kasama ko, nagiging monster ako at napapasigaw ako palagi. But, despite that i still enjoy his company.

"tara, kain tayo ng kikiam." I just suddenly blurted out. Simula ng pinakain niya ako ng mga yun, favorite ko na sila. One time nga pinakain niya ako ng ano ba tawag niya dun?? Iwas iwas?? Basta yung para siyang bituka na tinuhog sa barbecue stick. Grabeh!! Ang sarap!! Kakaiba talaga tong si kurt. Andaming alam na masasarap na pagkain.

"kikiam na naman?? Basta ikaw manlilibre ha. Ubos allowance ko sayo eh." Nagreklamo pa!! Sige na nga basta makakain lang ako nun.

"yey!!! Tara wag na tayo pumasok sa last class natin." At dahil sa kakasama ko sa kanya, natuto narin ako magskip ng class. Noong una, syempre natakot ako kasi baka malaman ni yeye but luckily, si nai nai ang nakaalam. Instead na pagalitan ako, pumunta pa siya sa school para kausapin ang dean na wag nang iparating kay yeye ang ginawa ko. alam ko mali ang ginawa namin, pero sabi nga ni nai nai, it's part of growing u. Minsan lang naman ako magskip ng class eh. Masara palang gawin ang bawal.

"you're going to ditch class mei mei??" i turned around and i saw Yvonne standing behind me. Gulat na gulat siya sa narinig. Sa aming tatlo, im like the good girl. Pinipigilan ko kasi sila dati whenever they ditch classes.

"yup!! Tara!! Sama kayo. Please kain tayo ng orlog, tas kikiam, tas iwas iwas." I asked her hopefully.  Tumango naman siya at naexcite ako kasi mas magiging masaya ang food trip namin.

***

After our second to the last subject, pumunta na ako kaagad sa locker ko. i planned to put my things in there pero nagulat ako nung may rose na nakadikit sa pinto ng locker ko. there is also a note in there. Ganito palagi ang senario. I tried to figure out kung kanino galing, but it's no use. Nakakakilig ngang isipin. Sino kaya siya at bakit pamystery effect pa siya?

"oy!! Bessy!! Let's go na!!" yvonne clinged her arms to mine. Akala ko hindi niya mapapansin ang hawak hawak ko pero bago ko pa maintago, naguha na niya ang papel at rose.

"uy!! SA?? Wwaaahhhh!!! Who's the guy??" i just shrugged my shoulder. Wala akong pakialam kung sino ang lalaki, kasi kahit naman alamin ko as if magiging boyfriend ko siya diba? Luminga linga kami sa paligid at hindi ko ineexpect kung sino ang makikita ko. it's Patrick. Yung Mr. Gangster and ang mas weird pa ay nagwave siya sa amin at ngumiti.

"uy!! Grabeh!!! Si Patrick Chin??!! Huwaaahhh!! Pwede na. Para kang may knight and shining armor palagi." Napatingin ako ulit sa papel.

Please take care everyday

 

A simple message yet, it made me a different kind of chill. Masaya ako dahil nararamdaman kong may nag-aalala para sa akin. May nagmamahal sa akin bukod sa mga magulang ko.

Kinabukasan, i also recieved a letter. But this time, nasa table ko naman siya sa room. Classmate ko si Yvonne sa subject na ito.

"ano ba yan, bessy wala namang thrill ang secret admirer mo. Sana naman diba, KUNG NANDITO SIYA, magbigay naman siya ng clue kung sino siya." Kakaunti palang ang tao sa loob ng classroom. Isa sa kanila ang posibleng secret admirer ko?? aish!!! Ayoko ngang mag-assume, baka masaktan lang ako sa huli.

"ano yan?" para na namang kabuteng sumusulpot itong si Kurt. He grabbed the paper from my hand at binasa. Isa lang ang dasal ng isip ko, sana magselos ka.

WHAT!!!! BAKIT GANUN ANG INIISIP KO?? SINO BA AKO PARA MAGSELOS SIYA?? ANG GULO!!! Naiinis ako na ewan.

"naks, meyen!! May secret admirer ka!! Good for you. Pero sino ba yan? Ang torpe naman." He's right. This guy is sheepish.

YVONNE's POV

Im soooo kinikilig sa lovelife ni bessy ko. May secret admirer siya. Ako din sana!! Well, kung ako ang tatanungin, may idea ako kung sino ang secret admirer niya.

Una!!! Ay si Mr. gangster na si Patrick Chin. Gwapo kaya si Patrick. Ang cool ng gangster image niya. imbes na matakot ka sa kanya, magkakacrush ka pa sa kanya. May mga sabi-sabi na kaya daw hindi siya nagkakagirlfriend dahil may babae daw siyang pinopormahan. Well, i was expecting na si bessy yun. Bagay naman sila eh. Pag nagkataon, magiging princess of the gangster si bessy!! O.O WHY NOT!!!

Pangalawa!!! Si bestfriend JG. Ano sabi niyo?? Nagseselos ako?? Ako bakit naman?? ANO KO BA SIYA??!! Psh!! Well anyways, ayun nga. crush kasi ni JG si Mei. Alam ko yun kasi ako ang sinasabihan niya dati na may gusto siya kay mei. Natatakot lang daw siya sa lolo ni mei. Kahit naman ako takot dun eh. Di naman kaya siya? Ang haba ng hair ni bessy!!!

At pangatlo, si Kurt. Yes oh yes, si papa kurt at wala nang iba. Palagi silang magkasama, at nakikita ko sa mga mata niya ang lihim na paghanga sa aking matalik na kaibigan. At alam niyo ba kapag nakikita ko silang nag-aasaran or nagkakaharutan, i can see a love aura between them. Pero, parang nag fifty-fifty ang hinala ko dahil tumawa lang siya nung nakita niya ang letter ng secret admirer ni bessy.

"huy!! Anong iniisip mo diyan?" bigla akong tinapik ni JG sa balikat ko. bakit ganun?? Bakit ambilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya or kapag malapit siya sa akin? Simula nung nagkiss kami sa lips na according to him a kiss lang bilang kapatid, naramdaman ko na ito. Dati pa ito pero hindi naman ganito kalakas. How i wish hindi niya naririnig.

"walaaaaa.... si mei mei eh may secret admirer." I placed my chin on my two palms. Napapaisip kasi ako kung sino talaga eh.

"talaga?? eh sino naman?" naramdaman ko ang pagsandal niya sa akin. Tingin niya sa akin sofa?

"i don't know. Baka ikaw." I told him seriously. Nagulat siguro siya dahil bigla siyang napatayo sa pwesto niya.

"hahahahahaha... are you freaking serious?!!" lumipat siya sa harapan ko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"oo, eh diba crush mo siya dati." i looked directly in his eyes. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. i just ignored it at hinihintay ang sagot niya.

"yeah. Crush ko nga siya. As in like lang. Akala ko nga noon inlove na ako sa kanya eh. Pero, iba pala kapag mahal na. Iba na ang sinisigaw nito." He pointed to his chest. Biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko na para bang gusto kong ngumiti at magtititili.

"so, may mahal ka?? Sino??" i leaned closer to him pero pinitik niya ang noo ko.

"secret. It's for you to know and for me to keep."

HUWAAAHHH!!! WHO'S THE GIRL??

PARANG NAGSESELOS AKO??

Ha???!!! Hindi din.... aish!!! Ang gulo naman kapag may crush ka oh!!

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon