Chapter 12 ♥♥ Staircase

202 5 1
                                    

MEI's POV

Halos patakbo kong inakyat ang rooftop. Nasa third floor ako nung may nakita akong anino. Napatigil ako sa pagtakbo at hinintay kung sino ang nagmamay-ari ng anino na yun.

"for you." I got disappointed nung nakita ko kung sino. He is holding a bouquet of flowers and a wide smile showing his dimple.  Kumirot ang puso ko dahil hindi siya ang ineexpect ko. MALI PALA, NAG-ASSUME KASI AKO.

"pa-patrick" napayuko ako nung kinuha ko ang bulaklak. Naguguluhan ako. I was expecting someone else.

"hindi mo ba nagustuhan?" i can feel disappointment in his voice. Tinignan ko siya at umiling. I smiled at him bitterly. Ayokong masayang ang kanyang effort para lang dito.

"hindi. Natuwa nga ako eh. Napaka unique. Akala ko nga chocolate ang babagsak eh." Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. nabigla ako nung kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. I can feel the warmth in his touch pero, bakit parang kumikirot ang puso ko? bakit ang sakit sakit na hindi si kurt ang may hawak ng kamay ko? nakakainis naman!!

"now..." bigla siyang lumuhod sa harap ko. gusto ko siyang hilahin para tumayo. Ayokong umasa siya sa akin. Wala akong nararamdaman para sa kanya. Hindi siya ang GUSTO KO pero KAILANGAN KO siyang magustuhan. Nakarinig ako ng parang nagmamadaling pagbaba galing sa taas na staircase. Napalingon kaming dalawa at napatayo pa si patrick.

Napatingin din sa amin kung sino man ang bumababa na yun. Parang nailang ako bigla nung nagtagpo ang mga mata namin.

"aissshhh!! Dapat tinagalan mo pa eh. Eh di sana napa oo ko na si Mei." Nagulat ako sa sinabi ni Patrick. Ano ibig niyang sabihin? Napatingin ako sa kanilang dalawa at naglakad ito papunta kay kurt. Patrick pats his shoulder at medyo tumingin sa akin.

" alagaan mo yan ha. Babantayan kita. ORAS NA UMIYAK YAN AT NASAKTAN, HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA BAWIIN SAYO YAN." Umakyat na si patrick papunta sa itaas at naglakad naman si kurt papunta sa akin. Kung kanina, parang nalanta ang puso ko dahil sa disappointment, ngayon naman parang flower na nadiligan ng tubig. Pinipigilan ko ang ngiti ko para hindi mahalata na kinikilig ako, pero sa totoo lang parang lumulundag na ang puso ko. i never felt this happiness before.

"mei." Parang nagplay bigla ang favorite music ko nung tinawag niya ang boses ko. pwede bang tumalikod muna siya sandali, tapos takpan lang niya ang tenga niya, titili at lulundag lang ako sandali, kahit 5 minutes lang? Ganito pala ang feeling kapag may gusto sayo ang taong gusto mo.

"ok ba ang gimik? Sa tingin mo ba matutuwa ang babaeng gusto ko? kasi, may gusto akong ligawan pero natotorpe ako, ok lang ba?" parang biglang may kumurot sa dibdib ko at nahirapan ako lumunok. So, ibig sabihin hindi para sa akin ang lahat ng iyon? Pero, bakit ganun ang sinabi ni Patrick? Anooo ba!!

"o-ok lang na-naman. Sa-sana hindi mo nalang pinraktis sa akin. Sa-sana dineretso m-mo nalang sa kanya. A-alam ko n-naman na s-si...si yvonne ang mahal mo eh. H-hindi ako tanga. Ang sakit sakit eh. Ganun... ganun na ba.. ka-kaobvious na gu-gusto kita? Hindi ko na nga... hindi ko na nga pinapahalata eh. Naiinis ako sayo!!! Sa-sana... sana hindi---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan. Hindi lang basta sa pisngi kundi talagang sa labi ko. i can feel his breath on my face pati narin ang malambot niyang labi, pressing though mine. Nakapikit pa siya at parang dinadama niya ang bawat nararamdaman niya. ako, pakiramdam ko nakukuryente ako. Hindi lang basta basta kuryente kapag natanga ka sa pagsaksak sa plug ng electric fan o sa simpleng natama ang siko mo sa kanto ng armchair mo. This chill is like you want to jump up and down. Kakaiba sa lahat.

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon