Chapter 16 ♥♥ Events

161 2 0
                                    

YVONNE's POV

"JG!! Ibaba mo ako!!" buhat  buhat niya parin ako papalabas ng gym. Naramdaman ko ang biglang paglakas ng hangin kaya napapikit ako. Narinig ko rin ang tunog ng engine ng helicopter kaya napatingin ako sa harap ko. nakita ko ang unti unting paglanding ng helcopter sa harap naming dalawa.

"Flint corporation?!" napatingin ako kay JG at ngumiti lang siya sa akin. I just rolled my eyes. Paano niya kaya nakumbinsi si tito spring para ipahiram sa kanya ang helicopter ng kumpanya nila?

"akala mo hindi ko nakita ang air balloon na hiniram mo? Ikaw lang ba malakas kay tito? Lika na." Buhat buhat parin niya ako habang humahakbang papalapit sa helicopter. Sumakay kam doon at napakapit ako sa kanya habang nararamdaman ko ang unti unting pagtaas ng helicopter.

"JG, alam mo namang takot ako sa heights eh. Bakit dito pa tayo sumakay?" nakangiti lang siya sa akin and i admit it, parang nagdala ng mga dugo sa mukha ko ang ngiti niya. marahan pa niyang hinaplos ang mukha ko.

"easy lang. Enjoy the view bago ka magpanic." Tinuro pa niya ang bintana sa tabi ko at nakita ko ang maliliit na bahay sa ilalim namin. Pakiramdam ko mga doll houses sila na magkakatabi lang. Unti unting nawala ang kaba ko habang nakikita ko ang mga ito. Napangiti ako kay JG at ganun din siya sa akin.

We landed at a forest. Naglakad pa kaming kaunti unti we hit the perfect spot. Sa knatatayuan ko, kitang kita ko ang pagbaba ng araw sa likod ng mga bundok. I could also feel the fresh breath of summer air. Ang sarap dito, nakakarelax. Parang ilang oras akong nakatayo doon hanggang sa napansin ko ang pag-aagawan ng liwanag at dilim sa langit. 

"JG, maggagabi na. Baka nag-aalala na si mommy at daddy sa akin. Kahit botong boto yung mga yun sayo magagalit parin sila sa akin. Uwi na tayo. Ayokong mawalan ng ipad, ipod, iphone, itouch at sony vaio." Niyuyugyog yugyog ko siya na tawa naman ng tawa sa akin.

"easy lang jewel Yvonne briones. Ipinaalam na kita kay tito. Look, magkacamping nga tayo dito eh." Napatingin ako sa likod namin at nakita ko ang nakatayong tent doon. bigla akong naexcite dahil ang last na camping namin eh nung nasa girl scout pa ako nung high school.

"waaahhh?? Talaga talaga? wiiiieeee!!!" nagpalakpak pa ako dahil sa sobrang excitement. Bigla niyang nilatag ang isang kumot at nahiga doon.

"tara tabi tayo. Star gazing." Tumabi ako sa kanya at tumingala. Nakita ko ang unti unting paglabas ng mga stars. Millions of stars are starting to show up. Ang ganda nilang pagmasdan lalo na't kumikislap kislap sila. They look like precious jewels that are too far to reach.

"JG, tignan mo andaming stars." Tumuro ako sa langit at naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay ni JG sa bewang ko. napatingin ako sa kanya and i regret doing it. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at para bang konting galaw ko lang, mahahalikan ko na siya.

"talaga? bakit wala akong nakikita? Bakit isang star lang ang nakikita ko? nakahiga sa tabi ko?" parang biglang nangalay ang kamay ko at bumagsak sa kamay niya sa bewang ko. naramdaman ko na naman ang kuryente na parang nangingiliti sa buong katawan ko. aaaaahhh!! Ano bang nangyayari.

Iniwas ko ang tingin ko at tumingala ulit sa langit. umupo ako at pilit kinalimutan ang nangyari. "JG, naalala mo nung bata pa tayo, kapag gusto nating magwish?" tinignan ko siya at umupo din siya katulad ko. ang sarap ibalik ng mga panahong bata pa kami, yung kami palang ang baby nila mommy.

I'M INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon