(20) SAKIT NG KATOTOHANAN

4K 218 37
                                    

Bigla nalang inihagis ni Mark saakin ang cellphone at tumayo sa pagkakahiga, kinuha nito ang kanyang maliit na bag at ang susi ng sasakyan kinuha din niya mula sa kamay ko ang kanyang cellphone at akmang lalabas na mabilis ko naman siyang hinarang sa pintuan ng kwarto at agad na niyakap ng mahigpit.

"Saan ka pupunta Mark?" ang sabi ko habang nakayakap sa kanya

" Uuwi marami akong dapat ayusin"

"Sorry na! walang namamagitan samin ni Gerald Ikaw lang ang nagiisang kaibigan ko Promise"
Pero si Mark na alam mong galit ang muka

" Mag sama kayo"
ang nasabi ni Mark sabay tangal nito sa pagkakayakap ko, dahil may kalakasan si Mark ay nagawa niyang makalabas ng kwarto at mabilis na lumabas hinanap ko agad ang susi ng sasakyan ko para sundan siya pagkakita ko ay mabilis itong nag-drive palayo sa bahay kaya agad ko din pinaandar ang sasakyan.

Nasa Main Road kami kasunod lang ako ni Mark tinatawagan ko siya pero hindi ako sinasagot hanggang sa napag desisyunan ko na ituloy ang pag drive at sundan ito.
Halos isang oras ang lumipas ay nakarating kami sa bahay nila mabilis itong umakyat sa kwarto samantalang ako ay inayos ko muna ang pag-park ng aking sasakyan.

Akmang papasok ako sa kwarto ni Mark ng magulat ako dahil naka -lock ito kaya wala akong nagawa kundi kumatok dito.

" Mark.... Mark.... Please Mark!

Nasa limang minuto na puro ganon nalang ang ginawa ko hanggang may isang boses ang nagsalita galing ito sa aking likuran.

" Mukang may LQ nanaman ang lovers ah" sabi nito pag lingon ko ay si Ian pala.

" Ung kuya mo may toyo nanaman pinag saraduhan ako ng kwarto pagkatapos ko siyang sundan dito"

" Ohh eto Susi ng kwarto nya para hindi kana mahirapan" sabay abot nito saakin ngunit kasabay din noon ang mabilisi ng paghalik sa aking mga labi ni Ian

" Busit ka talaga Ian pero thank you dito"

Mabilis pa sa alaskwatro kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Mark gamit ang spare-key na binigay ni Ian pag bukas ko nakahiga lang si Mark nakita niya akong pumasok bigla itong tumalikod saakin,
sinara ko din agad ang pinto at lumapit sa kama nya.

" Ano Mark? Mag iinarte kaba jan? Hindi mo man lang ako inisip, mabangga-banga ako kakasunod sayo"

" So? Pwedi ka naman hindi sumunod , pumunta ka nalang sa Sir Gerald mo" ang sagot ni Mark

Tila ayaw marinig ni Mark ang paliwanag ko kaya nahiga nalang ako sa kama katabi siya at Mahigpit ko siyang niyakap wala man imikan ay hindi naman tinangal ni Mark ang pagkayapak ko sa kanya hindi ko namalayan na pareho pala kaming nakatulog ni Mark.

Mag aalas-tres ng hapon ng magising ako tila mahapdi na ang sikmura ko naalala ko hindi pa pala kami kumain pag lingon ko wala na si Mark sa tabi ko pero may pagkain ako nakita sa side table ng kwarto alam ko na si Mark ang nag lagay non para saakin kahit galit sweet padin ang mokong.

Pagkatapos kumain ay nagayos muna ako bago pumunta sa sala alam ko na andoon ito kakausapin ko siya para mag sorry sana.

Pababa na ako ng marinig ko na tila madaming tao ang nasa sala kaya sinilip ko muna ito,tama nga andoon si Tita Gov, si tito James ,Ian at nadoon din ang iba pang mga kasama ni tita Gov sa Politics, pero nahagip din ng aking mata na andoon si Vanessa at katabi nito si Mark, nagtataka ako ng maalala ko na sinabi ni Mark saakin na hiniwalayan nya na si Vanessa.

Nakikinig pa sana ako habang nakasilip lang mula sa taas ng makita ako ni Tita Gov at tawagin sa sala.

👩‍⚖️" Oh JV andiyan ka pala iho tara dito bumaba ka.

Ako na agad namang bumaba at bumati sa kanilang lahat tila iba ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon parang may mali na nangyayari.

👩‍⚖️" I'm sure JV sinabi na ni Mark sayo ito.

"Na ano po tita" ang nasabi ko nalang kay tita Gov

👩‍⚖️ Naku Mark hindi mo pa ata sinabi sa Best friend mo na Magiging Tito na siya.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng mga oras nayon hindi ko alam ang magiging reaksyon ko nakita din ito ni Mark.

👩‍⚖️ " Yes JV buntis si Vanessa at si Mark ang ama isa pa malapit nadin ang kasal nila kaya andito sila para pag usapan na ito at sa kasal nila sino pa ba ang Best man kung hindi ikaw.

Natahimik ako saglit bago ako nakapag isip na batiin si Mark at Vanessa para matakpan ang lungkot na aking naramdaman.

" Congrats Vanessa and Mark" sabay kuha ko ng Glass wine at tinaas ito! "Cheers'

Nagpatuloy ang pagkukwentuhan ng mga bisita at ng pamilya nila Mark nakita ko na laging nakatongin saakin si Mark nag isip ako ng dahilan para bumalik nalang sa kwarto dahil feeling ko ay tutulo na ang luha ko ng mga oras nayon.

" Ahm excuse me lang sandali tita kuha lang ako saglit ng ice hindi na kasi malamig ito wine.

👩‍⚖️" No iho anjan sila manag to do that"

" Ako nalang tita saglit lang naman ito"

Pagkatapos ko makapagpaalam ay mabilis ko tinungo ang kwarto ni Mark at noong nasa pintuan na ako ay hindi ko na napigilan pa ang aking luha na tila may sariling buhay ito na tumutulo nalang, napakasakit ng nararamdaman ko sa mga oras na ito hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Mark sa kwarto at mahigpit akong niyakap habang nakatalikod ako.

Naramdanan ko nalang na umiiyak din ito pero bakit siya umiiyak ang tanong ko nalang sa aking sarili.

Ilang minuto pa ang nakalipas noong kaya ko nang kontrolin ang emosyon ko ay inalis ko ang mga kamay ni Mark na nakayakap saakin at hinarap ko ito sa aking pagharap mugto na mugto ang mata ni Mark dahil din sa kakaiyak hindi ko padin maisip ang unang sasabihin ko kay Mark"

" Sana alagaan mo mabuti si Vanessa lalo na ngayon buntis sya malaking tulong pag lagi ka kasama nya"

" sorry JV sorry" ang nasabi ni Mark

" Ano kaba Mark bakit ka nag sorry una magkaibigan lang naman tayo wala naman tayo diba! Diba! "Na pasigaw kong sinabi sa kanya

" aalis nako Mark palayain na muna natin ang sarili natin sa isat-isa mag focus ka muna kay Vanessa lalayo na muna ako sayo "

" JV bakit kaylangan mo lumayo bakit?"
ang kasunod na tanong ni Mark na tila galit na galit

" Para makalaya tayo sa Multo ng nakaraan natin Mark" eto na ang huli nating pagkikita Mark please take care of your baby and Vanessa

Kinuha ko ang susi ng sasakyan , pero bago ako lumabas ay hinubad ko din ang Gold Bracelet na bigay ni Mark na lagi naming suot dahil para sa kanya sign daw ito ng aming pagkakaibigan at inabot k ito sakanyang mga palad walang nagawa si Mark kundi tangapin iniwan ko siya sa kwarto ngayo'y umiiyak na ulit, dumaan ako sa Likod ng bahay papunta sa Parking para hindi ako makita ng mga bisita at ni tita Gov.
Noong nasa parking nako at malapit na sa sasakyan ay may biglang may humila ng aking mga kamay at sinandal ako sa mga bisig niya pag tingin ko ay si Ian pala napayapak ako sa kanya at bigla nalang akong umiyak tanging paghagod sa aking likod nalang ang nagawa ni Ian ng mga oras na iyon dahil alam ko na nararamdaman niya ang sakit ng aking pinagdadaanan.

---------

Greetings:

Hello sa lahat ng Reader natin dito sa
"ANAK NI GOV" lalo na sa mga masisipag mag Comment and Vote, patuloy sundan ang kwento ng kanilang buhay.

Keep voting Kapamilya!

ANAK NI GOVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon