(36) ATTY. ALISSON

3.1K 130 16
                                    

Nanlilisik na mga tingin ang pumukaw sa atensyon ko noong nadaanan ko si Tita Gov, akmang sasaktan ako nito ng pigilan siya ni Mark.

Hinarap ko sila ng Buong lakas at may tapang dahil sa tingin ko ito ang kailangan ko ngayon ang palakasin ang aking sarili dahil sabi nga wala akong aasahan ngayon kundi ang sarili ko.

"Mabubulok ka jan tandaan mo yan" ang sigaw ni Tita Gov

Hinarap ko ito ng buong lakas at tapang.

"Maniwala man ho kayo o hindi isa lang sasabihin ko hindi ako ang pumatay kay Ian" at doon ay agad akong lumakad palayo sa kanila kasama si Gerald bilang security escort ko.

Natapos ang booking procedure ng maayos bago ako ilagay sa piitan, sa ngayon ay dito daw muna ako mananatili sa maliit ng presinto bago ilipat sa mas malaking kulungan, tinanong din ako kung may abogado ba raw ako dito naisip ko ang isang kaibigan na minsan kong niligtas si Atty. Allison o Ali na madalas tawag sa kanya.

Nakiusap ako kay Gerald kung maari ba akong makatawag gamit ang telepona nang sa gayon ay matawagan ko si Ali

Pumayag naman ang panunuan kaya agad inabot saakin ang telepono.

+638....  Ring..Ring

"Yes ano ang kaylangan sa gwapong abogado" ang bungad nito.

Ganito lagi ang bungad niya kahit sa personal sa totoo lang gwapo talaga si Ali hawig ito Jake Cuenca, kayumangi malaki ang katawan bata parin ito pero napakatinik sa batas.

Nakilala ko si Ali ng minsang idala ito sa Hospital.

➖➖➖➖➖(Flashback)➖➖➖➖➖

"Doc Doc Emergency po May tama ng baril dalawa isa sa shouler isa sa may hita doc."  Ang sabi ng emergency respondent na nagdala sa lalaking pasyente.

" Okay i lagay nyo dito yan"

Agad kong kinamusta ang pasyente

"Hello sir Kamusta wag ka mag alala aayusin ko ito" malumanay kong tanong sa lalaking pasyente pansin ko din na me ka gwapuhan ito.

"obvious ba...Okay lang ako tignan mo nga oh dalawang bala lang naman ito at butas ang katawan ko" ang medyo busit at me pagkayabang na sagot nito saakin.

"Ahh ganun ba? Okay ka pa pala pwedi kaya mamaya ko na to ayusin maraming pasyente oh sabihin mo nalang pag mabait kanang kausap" sabi ko sa kanya

Doon ay medyo kumalma ito at hinawakan ako saaking mga kamay

"Sorry" sabay kindat sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata doon mas lumitaw ang aking kagwapuhan nito

Mabilis ko inayos ang kanyang mga sugat inutusan ko ang nurse na mag book sa OR para matangal ang bala sa katawan niya.
Natapos ang operasasyon at naging maayos naman ang lahat.

Kinabukasan nagpunta ako sa room niya para tignan ang kondisyon nito.
Pagpasok ko sa pinto kasama ang nurse ay nanonood ito ng balita.

"Good morning sir check ko lang sugat mo" ang bati ko.

"Okay Cute Doc" sabi niya

Napansin ko na okay naman ito kaya sinabihan ko ito na magpahinga lang at bukas ay pwedi na siyang makalabas.

Aalis na sana ako kasama ang nurse ng bigla nitong hawakan ang aking kamay

"Can we talk for a minute?" Ang sabi niya saakin.

Dahil last patient ko naman siya ay nag sabi ako sa nurse na iwan nalang muna niya ako at doon ko nga kinausap ito

"Ako si Allison Ali nalang para di mahirap" sabi niya

ANAK NI GOVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon